A-13

2.5K 153 20
                                    

Next Morning

" wow Ate. from your secret admirer? " manghang tanong ni Allison nang makita ang bulaklak na nakapatong sa kama ni Hestia

" Sa friend ko "

" from Ate Hera? " pag usisa ni Allison

" Hindi mo kilala " sagot ni Hestia habang pumipili ng damit sa walk in closet nya

" Does Mama know this? "

" Bakit mo tinatanong? " tanong nya sa bunsong kapatid at pinasok sa loob ng duffel bag ang mga napiling damit

" Kasi lagot ka pag hindi alam ni Mama Aly yan " pagbibiro ni Allison

" Sasabihin ko naman ang tungkol dyan " sagot ni Hestia at umupo sa kama

" Okay " kibit balikat na sagot ni Allison at binitawan ang hawak na bulaklak

" Allison bakit nandito ka sa room ng Ate mo? male late ka na sa class mo " sulpot ni Dennise sa loob ng kwarto

" Hindi po ako ihahatid ni Mama? "

" ako ang maghahatid sayo kasi may pag uusapan ang Mama at Ate mo " sagot ni Dennise sa anak

Nagpaalam muna si Allison sa nakakatandang kapatid bago lumabas ng kwarto

" Hinihintay ka ng Mama mo sa office nya " pagbalita ni Dennise sa anak at iniwan ito

Pagkalabas ng kwarto ng Ina at Kapatid ay pumasok naman si Hestia sa office ni Aly

Naabutan nya itong nakatayo at may pinapanuod sa CCTV monitor.

" Is she courting you? " tanong ni Aly na hindi inaalis ang tingin sa kanyang pinapanuod

" Hindi po Ma? " magalang na sagot ni Hestia

" So para saan ang flowers? " tanong pa ni Aly at saktong pagtanong nito ay nakita sa CCTV monitor ang pagtanggap nya ng bulaklak galing kay Antidote

" Uhmm.. peace offering nya po Ma "

Seryoso syang tiningnan ni Alyssa bago ito umupo sa kanyang swivel chair

" Gusto pa rin ba sya ng kapatid mo? " pag usisa ni Aly

" i don't know " tipid na sagot ni Hestia

" alamin mo, kasi kung wala ng gusto si Allison kay Antidote hahayaan ko kayong dalawa " pormal na wika ni Alyssa

" But kung gusto pa sya ng kapatid mo.. lalayuan mo sya "

-

" did you admit that you love her? " tanong ni Deanna sa anak

" Sinabi mo ba? " tanong naman ni Jema at nilagay ang ulam na kanyang niluto sa lamesa

" Anong masama dun wifewife? "

Hindi nagsalita si Jema at bumalik sa kusina

" So what's your plan anak? "

" Wala " kaswal na sagot ni Antidote

" Wala? " naguguluhang tanong ni Deanna

" Kasi Ma hindi naman direct na sinabi ko sa kanya na mahal ko sya " paliwanag ni Antidote

" Tama yan anak " sabat ni Jema at umupo sa tabi ng anak

" Margarett "

" Oh bakit kinontra ko ba? Nag agree nga ako eh " pagtanggol ni Jema sa sarili

" So ano wala kang plano na ligawan sya? kasi ako anak magaling ako dyan " nakangiting wika ni Deanna

" Wow nagsalita ang expert " parinig ni Jema at nagsimulang lagyan ng kanin ang sariling pinggan

" Nagsalita ang habol ng habol sa akin, alam mo anak itong Mom mo ikwento ko sayo ha " tatawa tawang wika ni Deanna nang pinigilan sya ni Jema

" Wag mo nga igaya ang anak mo sayo na relasyon agad ang gusto, sabi nga ni Antidote wala syang plano "

Hindi naman sya pinansin ni Deanna

" Anak sabi mo may feelings ka sa kanya, wala ka bang gustong gawin para- "

Nang biglang tumayo si Jema at hinila si Antidote palayo kay Deanna

" Wag si Antidote Deanna binabalaan kita " banta ni Jema

" Anong masama dun? Kailangan nyang i enjoy ang teenage life nya wifewife, at isa pa walang gastos sa condom kasi kamay naman ang ginagamit " pagbibirong paliwanag ni Deanna

" Ang bibig mo kakahiya ka Deanna umalis ka nga " pagtataboy ni Jema sa kausap

" Hindi mo ba ako papakainin muna bago palayasin? "

" Mamaya ka na kumain " sagot ni Jema at hinarap ang walang kibong anak

" tlaga mamaya? mga anong oras wifewife? " makahulugan nyang tanong

Sinamaan sya ng tingin ni Jema

" Ikaw yata ang magtuturo ng kung ano dyan ehh " nakangusong parinig ni Deanna

" Hindi ako katulad mo na kamanyakan ang alam, alis na " mataray na sagot ni Jema sa kanya

" Anak usap tayo mamaya ha " paalam ni Deanna at pumasok sa loob ng kwarto nila ni Jema

Nang naiwan na silang dalawa

" Antidote anak, gusto man kita iiwas sa tukso alam ko na darating ang araw na maiisipan mong gawin ang mga ginagawa ng mag asawa, pero anak sana naman kahit gawin mo yun, sana hindi mo maisipan ang magpakasal kasi anak bata ka pa at- " hindi na natapos ang kanyang sasabihin nang sumenyas si Antidote

" Stop! "

" Ha? " sambit ni Jema

" Mom ano bang sinasabi nyo na ginagawa ng mag asawa na gagawin ko rin? " naguguluhang tanong ni Antidote

Nang umeksena ulit si Deanna

" Oo nga wifewife, ano bang ginagawa ng mag asawa na feeling mo gagawin rin ng anak natin? " kunwaring nag iisip nyang tanong

" Magbigay ka nga ng example " nakangisi nyang sabi

" K-kiss " d kumportableng sagot naman ni Jema

" Ano pa? " nakangising tanong ni Deanna

" Yun lang " patay malisyang sagot ni Jema

" Naku Margarett, kung kiss lang naman pla ang alam mong sagot wag na tayong magpakasal, matutuyuan ako sayo eh " naiiling na wika ni Deanna

Nang binato sya ni Jema ng tsinelas

" Nakikinig anak natin, umayos ka nga! " sermon sa kanya ni Jema

" Sagot mo kasi kiss lang ginagawa ng mag asawa eh. " maktol ni Deanna

" Eh sa yun lang ang sagot, bakit ba? " naiinis na tanong ni Jema at tiningnan sya ng masama

" Alam mong hindi lang kiss, tapos yan lang ang sagot mo sa anak natin? dapat honest ka sa kanya " at nilapitan si Antidote

" Anak advice ko sayo, don't listen to your Mom, kasi hindi ka magiging masaya kung makikinig ka sa kanya " pangaral ni Deanna sa anak

" Kanino ba dapat ako makinig? " tanong ni Antidote at nagpalipat lipat ang tingin sa parents nya

" Sa akin, kasi expert ako dyan pagdating sa pagpapasaya ng asawa, dba wifewife? " at kinindatan si Jema

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Where stories live. Discover now