A-3

3.5K 155 10
                                    

" Try mo kayang bumalik sa dorm pinsan " suggest ni Freya sa kausap

" Iiwanan ko sina Mama sa condo? "

" Bakit naman hindi? Kesa naman na nagrereklamo ka sa puro take out food at pa deliver kinakain mo " masungit nyang tanong sa pinsan

" i don't think na magandang idea yan " balewalang sagot ni Antidote

" Pinsan hindi naman kayo nagkikita, magkikita lang kayo pag uuwi ka galing ng training, ganun din parents mo so parang hindi mo rin ssila kasama dba? " kibit balikat na paliwanag ni Freya

Napabuga na lang ng hangin si Antidote nang nakita nilang dumating si Mafe

" Line up " wika ni Tara

Tumayo naman sila at pumunta sa kani kanilang pwesto

" Galing ako sa office ni Father, at pinakilala nya sakin ang bagong team manager natin " anunsyo ni Mafe

" Coach dba po si Mr. Ferrer na ang pumalit kay Mrs.Uy? tapos ngayon sinasabi nyo po bagong team manager? "  tanong ni Jona

" Yes, but unfortunately pinili ni Father na palitan sya dahil sa controversy na sinangkutan nya at ng company nya. Ayaw ni Father na ma associate kayo sa ganung klaseng tao " paliwanag ni Mafe sa kanyang players

Nagsimula naman bulong bulungan nila dahil sa narinig

" And ngayon gusto ko ipakilala sa inyo ang bago nating nating team manager " wika ni Mafe at pinapasok ito sa loob ng complex

" Si Ms. Clio Yukima "

" Tga Japan sya, kaya malaking tulong sya sa team natin " nakangiting wika pa ni Mafe

Magalang na binati naman sya ng mga players matapos sya nitong ipakilala

-

" Galit ka ba? " tanong ni Jema sa taong kanina pa nakatutok sa harapan ng laptop

" Ano bang sinasabi mo? " tanong ni Deanna na hindi man lang tinapunan ng tingin ang babaeng nagsalita

" Nagtatanong pa alam mo na ibig kong sabhin " nakasimangot na saad ni Jema

" Bakit naman ako magagalit? "

" Eh hindi mo nga ako kinausap mula pa kagabi hanggang kaninang umaga, at ngayon naman kinakausap ka pero hindi mko tinitingnan " reklamo ni Jema

" Wala lang ako sa mood " balewalang sagot ni Deanna

" So dahil wala ka sa mood hindi mo na ako kakausapin? " may pagbabanta nyang tanong

Tinanggal ni Deanna ang suot na salamin at bumuntong hininga

" Margarett "

" Hubhub sorry na "

" Hindi naman ako galit dahil binanggit mo ang name nya, naiinis lang ako sa sarili ko kasi pakiramdam ko na wala akong kwentang tao dahil hinayaan ko na mawala sakin ang isang anak ko " malungkot na sagot ni Deanna

" Siya naman ang nag desisyon na lumayo hubhub, masakit oo pero anong magagawi natin kung yun ang gusto nya? Ang sumama sa mommy nya "

Napailing syang ngumiti

" Pero hindi lang yun eh, alam mo kung ano ang mas masakit wifewife? ang isipin nya na kahit kailan hindi ko siya pwedeng piliin kasi hindi ko naman mahal ang mommy nya " mapait na wika ni Deanna dahilan para yakapin naman sya ni Jema

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Where stories live. Discover now