A-XLII

1.3K 95 8
                                    

" Students! fall in line! "

Naglalakad sa hallway ang Lady Eagles ng mapansin nila na parang may nagkakagulo sa isang class room

" anong meron? " tanong ni Camille

" is the class room on fire? kasi tatakbo na ako " pagbibirong tanong ni Fheli

Imbes tingnan ang tinitingnan ng mga ka teammates ay nakatutok naman ang mga mata ni Hestia sa hawak nyang cellphone. Kanina pa kasi niya hinihintay na mag text si Antidote pero parang kinalimutan na sya nito

" finally!!! may picture na ako with Antidote Wong " Student 1

" she's so beautiful in person noh? kahit hindi nagsasalita at she's not similing ang ganda nya pa rin "  Student 2

Naagaw ng dalawang dumadaan na estudyante ang pansin ni Hestia

" Antidote " wala sa sariling sambit nya

" ohhh... let's go, pa picture din tayo " na e-excite na wika ni Fheli

" okay lang kayo? have you forgotten the Ateneo Lasalle rivalry? " inis na tanong ni Camille

" she's still the famous Ace Princess bud, kahit anong gawin mo sikat pa rin sya " pagpakalma ni Fheli sa kasama

" sikat pa sayo " parinig ni Maddiezon

" what did you say? " may hamon tanong ni Camille

" nothing " balewalang sagot naman ni Maddiezon at pinigilan ang sarili na tumawa

" you know what? let's ask Captain na lang if she's ok sa gagawin natin. and if not alam nyo na " Fheli

Nang sabay nilang tingnan ang kinatatayuan ni Hestia ay wala na ito sa tabi nila

" where's Captain? " kunot noong tanong ni Vee

-

" so? "

" wala pa si Antidote " sagot ni Jema

" bakit kailangan pa anak mo? nandyan naman si Hera Ishtar at Eania "

" pero alam naman natin na mas malaki ang chance pag nandito sya " paliwanag niya kay Rhea

" gusto mo ba tlaga si Allison dito? "

" Rhea alam mo na ayaw ko ng gulo " sagot ni Jema

" pero gusto ng bata pumasok dito, sino ba tayo para tumanggi? eh sya na ang nag presenta " depensa naman ni Rhea

" oo nga, pero ano iisipin ni Ate Aly kapag pumasok si Allison dito? "

" so kahit makapag 30 points sya hindi mo pa rin pla sya tatanggapin? Kung ganun naman pla wag mo na paasahin ang bata na makukuha sya kung paninindigan mo naman pla desisyon mo na ayawan sya "

-

" hindi ka man lang ba magpapaalam sa girlfriend mo "

Nahinto sa paglalakad si Antidote nang marinig ang boses sa kanyang likuran

Humarap sya dito at nagtama ang kanilang mga mata ni Hestia

" aalis na ako " wika ni Antidote

" pupunta ka pla dito, bakit hindi mo sinabi? " may inis na tanong ni Hestia

" do i need to? " walang emosyong tanong ni Antidote

" bakit hindi? I am your girlfriend, hindi mo na nga kayang aminin na tayo tapos ito? " may hinanakit nyang tanong

" know your limits. Nagpunta ako dito for my sister and please don't argue with me when it comes to her " kalmadong sagot ni Antidote

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Where stories live. Discover now