A-12

2.6K 154 16
                                    

" Ang pinsan mo napapansin ko parang wala naman planong maghanap ng trabaho " komento ni Jema pagdating nila sa loob ng condo at mapansing wala na naman si Izam

" Akala ko ba ayaw mo sa kanya kasi isturbo? Ngayon hinahanap mo "

" Nagtataka lang ako kasi pag gigising tayo umaga wala na sya, at kung gabi naman wala pa sya " sagot nya sa kausap at dumiretso sa kitchen para ilagay sa ref ang mga biniling frozen goods

" He may already have a job " sagot ni Deanna at sinirado ang main door bago sundan si Jema sa kusina

" Kung may work bakit wala tayong alam? " nakataas kilay nyang tanong

" should we know? " inosenteng tanong ni Deanna

" Natural kasi dito sya nakatira sa atin " at hinayaan si Deanna na ipagpatuloy ang kanyang ginagawa

" okay, i will talk to him later. wag na mainit ang ulo " sagot nya kay Jema

Tumahimik na si Jema nang may mapansin si Deanna matapos nyang ayusin ang mga pinamili nila

" ang anak mo? Wala pa ba? " at tiningnan ang oras ng suot nyang wristwatch

" mamayang gabi pa yun uuwi, after training dahil magkikita sila ni Hestia " sagot ni Jema

" Ewan ko wifewife ha, i doubt it kung mababago mo ang isip ng anak natin tungkol sa kasal na yan " may pagdudang wika ni Deanna

" Tiwala ako na hindi tutulad satin ang anak natin na maagang nag asawa at nagkapamilya kahit makita nya pa ngayon ang taong mamahalin nya "

Hindi na sumagot si Deanna at hinayaan na lang si Jema sa iniisip nito tungkol sa anak nila. Kahit anong sabihin nya naman kasi sariling opinyon pa rin nito ang paniniwalaan niya.

-

" Sabi ni Tita after UAAP daw "

" What's this? " tanong ni Antidote sa isang hawak nyang papel na daming nakasulat

" Yan ang mga hotels na pupuntahan natin " sagot ni Hestia habang naglalakad sila papunta sa parking lot kung saan naka park ang car ni Antidote

" All of these?! " gulat nyang tanong

" Yes, Pero sa mga malalapit na hotels muna tayo pupunta "

" Okay " buntong hiningang sagot ni Antidote

Wala syang karapatang mag reklamo kasi in the first place parents naman niya ang ikakasal at hindi kay Hestia

" so where's our first destination? " tanong ni Hestia nang nasa tapat na sila ng kotse ni Antidote

" to your house " kaswal nyang sagot

" Sa bahay namin? " tila nagulat na tanong niya kay Antidote

" ayokong mag isip sila ng masama sa atin, especially pag late na kita inuwi sa inyo "  at pinag buksan ng pintuan ng kotse si Hestia

-

" I don't have any problem with that Antidote, I'm glad na nag effort ka na pumunta to tell us what you two will do " wika ni Alyssa

" Thank you Tita "

" Sige na, you can go "

" Thank you po, Mama " sabi naman ni Hestia at humalik sa pisngi ni Aly at Den

" Mom "

Pagkatapos magpaalam sa mag asawa ay lumabas na si Antidote at Hestia ng bahay

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Where stories live. Discover now