A-14

2.4K 149 8
                                    

Naglalakad si Freya palabas ng sports complex nang may lalakeng biglang tumabi sa kanya

" Freya "

" Sino po kayo? " gulat nyang tanong at biglang dumistansya

" Do you still remember me? " nakangiting tanong ng lalake at hinubad ang suot na cap

Tiningnan naman ng mabuti ni Freya ang mukha ng lalakeng nagsalita

" Oh.. kayo po pla, hinahanap nyo po ba si Pinsan? Kausap nya po kasi ngayon si Mama sa office "

" Actually ikaw gusto kong makausap " sagot ng lalake at ngumiti

" ako po? bakit po? " nagtatakang tanong ni Freya

" about your Mama, Can you come with me? " tanong ng lalake

" baka magalit po si Mama " may pag alalang wika ni Freya

" Nothing bad will happen to you. I promise " sagot ng lalake at tinaas pa ang kanang kamay

" S-sige po. Pero babalik po tayo kaagad ha "

" Of course " at pinasakay ng kotse si Freya

-

" Pwede mo ba i-explain sa akin ang ginawa mo sa game vs Ateneo? " walang emosyong tanong ni Mafe sa player nyang nakatayo ngayon sa kanyang harapan

" i'm not feeling well coach "

" Masama? Tlaga Antidote? " nagudududang tanong ni Mafe

Hindi nakasagot si Antidote, biglang napahigpit sya ng hawak sa strap ng kanyang bag dahil sa malamig na titig na binibigay sa kanya ng kausap

" Alam mo bang may nakakita sayo na nakatambay sa labas ng gate ng mga Valdez? Anong ginagawa mo dun? "

Nananatiling walang kibo si Antidote nang magtanong ulit si Mafe

" Sinadya mo bang hindi maglaro Antidote? " pag usisa niya

" Sumagot ka! " bulyaw ni Mafe

" yes " napapikit nyang sagot nang makarinig sya ng parang may nabasag

" Alam mo ba dahil sa pagkatalo ng team natin bumaba ang morale ng mga kateammates mo? Nawawalan na sila ng gana mag training, iniisip nila na Ateneo na ang mag champion ngayon season dahil sa ginawa mo! " galit na wika ni Mafe

Yumuko si Antidote, hindi nya kayang salubungin ang galit ni Mafe

" Hindi ka na maglalaro Antidote, dahil suspended ka. Maglalaro ka lang sa finals. Yun ay kung makakapasok ang team natin sa finals "

Pagkatapos syang kausapin ni Mafe ay lumabas ng opisina si Antidote, nang makita nyang natigilan sa mga ginagawa nila ang mga kateammates nya nang makita sya

Walang may nagtangkang lapitan si Antidote o kausapin man lang. Kaya nakayuko syang naglakad palabas ng complex

-

" bakit ka nandito? " malamig na tanong ni Mafe sa kapatid nang makita ito sa labas ng kanyang bahay

" Anong ginawa mo sa anak ko? " tanong ni Jema

" Tinuturan ko lang ng leksyon, lumalaki na kasi ang ulo " walang ganang sagot ni Mafe

" Kilala mo si Antidote Mafe at hindi sya ganun " pagtatanggol ni Jema sa anak

" Pano mo ipapaliwanag sa akin ang ginawa nya na hindi sya naglaro sa rivalry game vs Ateneo? " galit na tanong ni Mafe

" Baka masama ang pakiramdam "

D makapaniwalang tinitigan ni Mafe ang kapatid

" Naging player ka din Jem, at alam mo na kahit masama ang pakiramdam mo kailangan mong maglaro maliban na lang kung injured ka "

" Baka may nararamdman si Antidote kaya mas pinili nyang wag maglaro. Alam mo namang hindi palasalita ang anak ko eh " sagot naman sa kanya ni Jema

" Kahit na Jema! mali pa rin ang ginawa nya! nagpakahirap ang buong team sa training para manalo tapos ipapatalo nya lang ang game dahil gusto nyang mag sorry kay Hestia? " dismayadong  tanong ni Mafe

" Ano bang pinagsasabi mo? " d maintindihang tanong ni Jema

" Sinadya ng anak mo na hindi maglaro para manalo ang team ni Hestia " madiin na sagot ni Mafe

" Hindi yan gagawin ng anak ko para sa ibang tao "

" may nakakita sa kanya sa labas ng mga bahay ng mga Valdez matapos ang game. Kung totoong masama ang pakiramdam nya anong ginagawa nya doon ng Alas Nwebe ng gabi? "

Biglang natahimik si Jema sa kanyang nalaman mula sa kapatid

" kapatid kita Jem at pamangkin ko si Antidote, pero pasensya na. hindi ko babawiin ang binigay kong supension sa anak mo " mapait na wika ni Mafe at tinalikuran ito

-

" Hindi pa nga kayo sinisira mo na ang career mo para sa kanya! " galit na wika ni Jema sa anak

" Mom i will fix this " kalmadong sagot ni Antidote

" Paano? Galit na galit ang Nanang mo sayo! hindi ko alam kung bakit at anong nakita mo sa babaeng yun na kailangan mong gawin ang ginawa mo "

" I said i will fix this! " Sigaw ni Antidote at pumasok sa loob ng kanyang kwarto

" Bakit ganun ka makipag usap sa anak mo? " tanong ni Deanna

" Kung alam ko lang na magiging bad influence si Hestia sa anak natin, hindi ko papayagan na magkagusto sya dun " galit nyang sagot

" Sariling desisyon ni Antidote na wag maglaro, kaya wag mong isisi kay Hestia ang ginawa ng anak mo " paliwanag ni Deanna

" So sino ang gusto mong sisihin ko ha Deanna? Ikaw? " sarkistong tanong ni Jema

" your words can discourage our daughter. hindi mo ba naisip yun? "

Hindi pinansin ni Jema ang sinabi ng kausap

" Ilalayo ko ang anak natin kay Hestia " pagdesisyon nya

" Sige subukan mo! " galit na sigaw ni Deanna

" Once na ginawa mo yan Margarett, then you must be prepared to lose me and your daughter!!! " babala ni Deanna kay Jema bago nya sundan sa loob ng kwarto ang anak

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Where stories live. Discover now