A-XII

2.2K 144 9
                                    

"I Miss You"

Nagpalinga linga si Antidote sa paligid ng labas ng kanilang bahay nang mabasa ang nakasulat sa UAAP Magazine na sya ang nasa cover.

" Anak "

" Ma " at humalik kay Deanna nang makita nya ito sa labas

" ano yan? " tanong niya sa hawak ng anak

" magazine " at pinakita sa Ina ang nakasulat

" baka fan mo " wika ni Deanna matapos mabasa ang nakasulat

" i don't know "

" sumakay ka na, baka naghihintay na ang Mommy mo sa complex " akay niya sa anak

Sumunod naman si Antidote sa Ina at pumasok sa loob ng kotse

-

Nang makita si Antidote na nakasakay na sasakyan au napahilamos sa kanyang mukha si Freya

" Ma, hanggang kailan ba tayo ganito? " tanong ni Freya kay Aya

" hindi pa tayo pwedeng magpakita sa kanila "

" Ma pinsan ko sya, nandito na nga tayo sa pinas pero hindi ko naman sya malapitan at makausap " reklamo nya sa Ina

" hindi mo rin naman sya malalapitan kung magpapakita ka sa kanya dahil lalayuan ka lang nya " wika ni Aya

-

" Kamusta? " bati ni Rhea nang makitang nakabalik na ang Head Coach ng kanilang team.

" Nawala lang ako ng ilang araw bakit bigla ganyan tono ng tanong mo? " may ngiting saad ni Jema

" bumalik na dba si Deanna "

" ano ngayon kung bumalik na sya? " balewalang tanong naman nito sa kausap

" natural, miss na miss nyo kaya ang isa't isa " makahulugang wika ni Rhea

" mali ka ng iniisip, walang nangyari sa amin " pairap na sagot ni Jema

" ows? " nagdududang tanong ni Rhea

" wala nga " giit ni Jema

" 3 years din yun Jem, unless na lang kung- " pabitin ngang sabi

" Rhea wag mo akong pag isipan ng ganyan, hindi ako pumapatol sa iba alam mo yan " pag awat nya sa maduming iniisip ng kaibigan

" wala naman akong sinabi ah " inosenteng wika ni Rhea

" pero parang yan ang gusto mong palabasin " sabay paikot ng mata ni Jema

Nag peace sign naman sa kanya si Rhea nang may napansin itong taong paparating

" speaking of Deanna "

Nilingon naman ni Jema ang tinitingnan ng kausap at nakita nya ang kanyang mag Ina na papunta sa kinatatayuan nila

" ang sweet, may pa flowers pang dala " kinikilig na sabi ni Rhea

-

Cafeteria

" universe sometimes likes to joke "

" ano ba ini emote mo? kayo na naman ni Antidote, unless kung ibang babae ang pinag papantasyahan mo " komento ni Maruis sa kaibigan

" Oreo, ayaw mo na ba kay Ace? Sabihin mo lang kasi handa kong iwanan ang girlfriend ko para maging girlfriend sya " sabi naman ni Hermes dahilan para tingnan sya ng masama ni Reo

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Where stories live. Discover now