A-15

2.6K 140 6
                                    

" pagagalitan mo rin ba ako? " tanong ni Antidote nang makita si Deanna na pumasok sa loob ng kanyang kwarto

" naiintindihan kita, pero gusto kong malaman mo Antidote na mali ang ginawa mo. if you want to say sorry gawin mo sa paraan na wala kang masasaktang tao "

" I know I'm not a good person in your eyes right now "

Nang nilapitan sya ni Deanna at umupo sa tabi nito

" i dont blame you for doing what you think is right Antidote. kasi like you, gagawin ko rin ang lahat mapatawad lang ng Mommy mo.. ang pinagkaiba lang sa sitwasyon natin anak, hindi naman kayo ni Hestia para gawin mo yun para sa kanya " pagpapaintindi ni Deanna sa ginawa ng anak

" i am not the type of person Ma na just because hindi kami, hindi ko na pwedeng gawin yung bagay na sa tingin ko tama para sa akin. I have my own way to show my love to that person " paliwanag ni Antidote

" wala namang pumipigil sayo anak na gawin mo ang sa tingin mo tama para sayo, pero sana pag isipan mo ng mabuti kung may maapektuhan ba o may masasaktan, sa gagawin mo "

-

" Coach " bati ni Carlos

" Carlos bakit ka nandito? "

" dba dapat Coach ako magtatanong sayo nyan? Ano pong ginawa nyo dito sa bar? " nakangiting tanong ni Carlos kay Jema

" ano bang ginagawa ng mga taong pumupunta dito sa bar? "

" naglalasing? " patanong nyang sagot

" yun, yun ang gagawin ko ngayon, tara samahan mo ako " at hinila si Carlos pabalik sa loob ng bar

" Coach uuwi na kasi ako eh "

" hindi ka pwedeng umuwi, waiter! " at umupo sa isang table

" 1 bucket of beer " order ni Jema

" Coach! " at akmang tatayo si Carlos nang pigilan naman nya ito

" umupo ka na dyan at samahan mo ako " utos ni Jema

" may problema ka ba Coach? Nanalo naman tayo sa game natin kanina ah " tanong ni Carlos

" hindi naman tungkol dun " walang ganang sagot ni Jema

" ahh alam ko na Coach, tungkol kay Ace "

" bakit mo alam? " taas kilay nyang tanong

" nabasa ko po sa twitter, trending nga po ang ginawa nya " sagot ni Carlos

" tapos kinampihan pa sya ni Deanna " dismayadong wika ni Jema

" syempre po anak nya yun coach " nakangusong sagot mi Carlos

" bat nya kakampihan ang mali? " galit na tanong niya

" may dahilan naman po siguro si Coach Deanna kung bakit ginawa nya yun " depensa ni Carlos

" kampi ka rin ba sa kanila? "

" syempre Coach sayo ako kampi, kasi alam nyo naman na hanggang ngayon kayo pa rin po ang nasa puso ko " parang kinikilig na sagot ni Carlos

" puro ka kalokohan Carlos ha " may pagbabantang saad ni Jema

" swear Coach " at tinaas pa ang kanyang kanang kamay

" dba may bagong girlfriend ka? "

" Ka fling ko lang po yun Coach pang kama lang yun " natatawang sagot ni Carlos

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Where stories live. Discover now