A-XXV

2.3K 123 19
                                    

" Ugh!!!!! naiinis na ako! " at napahampas sa manibela

" me too " singit ni Mafe na ikinatingin naman ni Jema

" anong ikaw rin? " masungit nyang tanong sa babae

" Jem pwede ba kumain muna tayo? " sabay hawak sa kanyang tyan

" Hindi ako nagbreakfast sa bahay sa sobrang tense ko dahil makikipagkita ako sayo "

Tumingin si Jema sa suot nyang wristwatch

3:58 PM

" Kung gusto kumain kumain ka, Go " malamig nyang wika at binalik ang tingin sa daan

" Ano ka ba? gusto mo ba magka ulcer? Anong oras na oh " may pag alalang tanong ni Mafe

" Wala akong pakialam kung anong oras na at mas lalo wala akong pakialam kung gutom ka na "

" kung gusto mo kumain bumaba ka kotse ko " walang gana nyang sagot

" Tawagan na lang natin kaya si Kuya Ate " suggest ni Mafe

Binalingan sya ng tingin ni Jema

" Sa tingin mo ba kakausapin ka niya? "

" Pano natin malalaman kung hindi natin susubukan dba? " kibit balikat na sabi ni Mafe at kinuha ang cellphone ng nakakatandang kapatid

-

" Jaden " pagpasok ni Deanna sa loob ng kwarto ng anak

Walang gana naman syang tinapunan ng tingin ng bata

" your medicine " at iniabot ang hawak nyang gamot

Walang kibong kinuha yun ni Jaden, nang biglang pumasok ang isa sa katulong nila na may dalang tubig

Habang umiinom ng gamot ang anak ay iginala ni Deanna ang mga mata sa paligid ng may nakaagaw ng kanyang pansin

" What is this? " tukoy nya sa isang maleta na nasa gilid ng kama

" i want to leave this house, and stay with my mom " malamig na sagot ni Jaden

May simpatyang tiningnan sya ni Deanna

" sweetheart, please don't make decision at a time like this "

" No need to worry Ma, i'll be okay " wika ni Jaden at pilit na ngumiti

-

" your fault "

" Ako na naman nakita mo? Wala ka na bang ibang sisihin kundi ako? " sarkistong tanong ni Freya sa lalake

" Sino gusto mong sisihin ko, ha? " nababadtrip na tanong ni Reo

" sarili mo, kung hindi mo ba naman kasi dinala yung bar girl na yun, hindi ganito tayo ka praning ngayon " sabay paikot ng mata ni Freya

" Oo nga pla, bakit ba kasama mo yun? Hindi ka pa nagbibigay na explanation Paras " biglang sali ni Hera sa usapan

" Wala yun " sabay iwas ng tingin ng lalake

" Wala? Are you sure? Bar girl yun right? Then sasabihin mong wala? " tanong pa ni Freya

" Alam nyo bilisan nyo lang kumain para makabalik na tayo sa paghahanap sa kanila " pag iiba ni Reo sa usapan

Magpo protesta pa sana si Hera nang mag ring ang kanyang cellphone

" Wait, tumatawag si Mommy "

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Where stories live. Discover now