A-2

4K 138 6
                                    

" eat well " nakangiting sabi ni Deanna sa anak

" Ma " nakangiwing wika ni Antidote habang nakatingin sa mga ulam na nasa lamesa

" Oh bakit? "

" Bakit take out food? "

" mom mo kasi galit na naman " sagot ni Deanna at nilagyan ng kanin ang pingggan ng anak

" Akala ko sya magluluto? " tanong ni Antidote

" Anak, these are your favorites, your mom and i ordered them " paliwanag ni Deanna

" Oo nga Ma, pero iba pa rin ang luto nya " walang ganang sagot ni Antidote

" Hayaan mo anak, pag manalo kami sa UE sa sabado for sure she will cook for you " pag alo nya sa anak

" Mama naman " naiiling na saad ni Antidote at kumuha na ng ulam at nag simulang kumain

" i'm just kidding, go ahead and just eat there " nakangiting saad ni Deanna

" how about Mom? "

" Susunod na yun, nag uusap pa sila ni Coach Rhea " sagot ni Deanna at nilagyan na rin ng kanin ang sariling pinggan

" Dapat pinasok nyo si Malaluan, why is she on the bench? " parinig ni Antidote habang patuloy sa pagkain

" Utos ng mommy mo eh. At isa pa first game pa lang naman " kaswal na sagot ni Deanna

" First game pero galit galit si Mom? " inosente nyang tanong sa Ina

" Lagi naman galit ang mommy mo ngayon, pansin mo ba? "

" Medyo " kibitbalikat na sagot ni Antidote

" Baka nag me-menopause na " tawa pa ni Deanna

" Sinong nag me menopause? " tanong ng kakarating lang na si Jema

" Wifewife tapos ka na? " napatayo bigla si Deanna nang makita ito

" Sino ang nag me menopause? " naka cross arm na tanog ni Jema habang nakataas ang kilay na nakatingin kay Deanna

Napangiti naman si Antidote nang makitang kinakabahan ang kanyang Mama

" Anong menopause? wala naman kaming narinig ng anak mo na ganyang word eh " patay malisyang wika ni Deanna

" Deanna " pagbabanta ni Jema

" Wala nga " at nilapitan ito at pinaupo sa tabi ng anak

" kumain ka na lang para mawala ang init ng ulo mo " malambing na wika ni Deanna

Nang makaupo na si Jema ay tinignan nya ang anak na tahimik na kumakain

" Sorry anak, hindi na ako nakapagluto dahil sa outcome ng game kanina "

Nilunok muna ni Antidote ang kanyang kinakain bago binalingan ng tingin si Jema

" I understand mom, malakas naman kasi ang team ni Tita Aly " sagot niya at uminom ng tubig

-

" Nag halimaw ba naman si Hestia vs sa team nina Tita Jema " wika ni Jona habang pinapanuod sa youtube ang highlights ng game kahapon

" 20 points!!! " hysterical nya pang sabi

" wala kasing Carlos kaya ayun, ang easy lang nilang talunin ang team nina Tita Jema " sabi naman ni Zendra

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Where stories live. Discover now