A-IX

2.9K 171 58
                                    

Kakatapos lang painumin ng gamot ni Jema ang anak nang sinalubong sya ng katulong nila habang pababa sya ng hagdan

" Mam may bisita po si Ms.Antidote "

" Sino? " tanong ni Jema

" Good evening po Tita " magalang na bati ni Hestia

" Anong ginagawa mo dito? " nagtatakang tanong ni Jema

" Kasama ko po sya Tita " biglang sulpot ni Reo sa tabi ng babae

" Reo "

Nang nilapitan sya ng binata ay halikan ito sa pisngi

" Bakit kasama mo sya? " naguguluhang tanong ni Jema

" may masama po ba Tita? " nakangiting tanong naman ni Reo

" Wala naman " sagot ni Jema at walang emosyong tiningnan si Hestia

Nang binalingan ni Jema ang tingin ang maid

" Tawagin mo nga si Antidote, sabihin mo may bisita sya " utos niya

" Hestia you can sit, feel at home " wika ni Reo sa kaibigang babae

Nanghihinang naglalakad pababa ng hagdan si Antidote nang makita nya si Hestia na nakaupo sa sofa at si Reo naman ay kausap si Jema

" anak "

" Mom " nang makalapit na ito sa Ina

" asikasuhin mo muna bisita mo, maghahanda lang ako ng kakainin nila " wika ni Jema

" Tita tulungan na kita " offer ni Reo

" iiwan mo silang dalawa dito? " taas kilay na tanong ni Jema sa binata

" Tita dito lang naman sila sa living room, hindi naman lalayo " sagot ni Reo at inakbayan si Jema papuntang kitchen

" kamusta ka? " tanong ni Hestia nang makalayo na ang dalawa

" okay lang " nanghihinang sagot ni Antidote at mahinang umubo

" this is my fault " malungkot na wika ni Hestia

" please don't blame yourself, medyo okay na rin naman ako " at inayos ang mask na kanyang suot

" sure ka? " may pag alalang tanong ni Hestia

" yes, uhmmm.. i'm just wondering bakit ka nandito? at kasama mo si Reo? " tanong ni Antidote

" nagpatulong ako sa kanya "

" alam na ba nya? "

" hindi, sinabi ko lang na may pinabibigay si Allison " sagot ni Hestia

Nilingon ni Antidote si Jema at Reo sa kusina bago hinawakan ang kamay ng karelasyon

Nang bumaba ang kambal na karga ng mga yaya nila

Lumapit sya sa mga ito

" ano ang gagawin mo? " kunot noong tanong ni Hestia

" bakit? "

" may sakit ka, tapos bubuhatin mo ang kapatid mo " sagot nito

" kaya nga may mask akong suot eh " may ngiting sagot ni Antidote at binuhat ang isa sa kambal

" hindi ko pa napapakilala sayo ang mga kapatid ko " wika ni Antidote

" ito si Champoy " pakilala nya sa karga nyang baby

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Where stories live. Discover now