A-IV

2.3K 128 24
                                    

Laguna

" bakit hindi mo kasama si Antidote? " tanong ng Matanda sa anak na nakatutok pa kanina sa hawak nitong cellphone

" may klase sya ngayon Ma " sagot ni Jema

" kailangan ba tlaga na ikaw ang kumuha ng mga gamit nya? " tanong pa ng matanda

" Ayoko na sya na bumyahe papunta dito baka ano pang mangyari sa kanya " sagot ni Jema sa Ina na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanyang cellphone

" kahit si Antidote ilalayo mo sa amin ng Papa mo "

" hindi ko sya nilalayo, mas gusto ko lang na tutukan nya ang pag aaral nya at ang paglalaro nya ng volleyball. Kaya mas mabuti na sa manila na lang sya " malamig nyang sagot

" simula ng pinanganak mo ang kambal ni minsan hindi mo kami sinama sa manila para makita sila " may hinanakit na wika ng matanda

" Matanda na kayo ni Papa para bumyahe pa ng malayo " balewala nyang sagot

" wag mo akong lokohin Jema, Ina mo pa rin ako " may pagbabantang saad ng Mama nya

" Mam Jema, nasa kotse na po ang mga gamit ni Ms. Antidote " wika ng driver nya

" aalis na ako, pakisabi na lang kay Papa " paalam nya at bago lumabas ng bahay ay may kinuha syang sobre na may lamang pera sa kanyang bag

" Panggastos nyo ni Papa, wag nyo na sanang hayaang pumunta pa si Antidote dito. Kung kailangan nyo ng pera, ako na lang ang tawagan nyo " pagkatapos nyang sabihin yun ay lumabas na nag bahay si Jema at sumakay ng kotse

-

Manila

Habang kumakain sa harapan ng lamesa si Jema at Antidote, nang biglang magsalita ang una

" kinuha ko na ang mga gamit mo sa Laguna, hindi ka uuwi doon " pagkwento nya sa anak

Nahinto si Antidote sa pagkain at mabilis na napatingin sa Ina

" Mom nag usap na tayo tungkol dun dba? "

" Antidote mas safe kung dito ka sa akin at hindi ka bumabyahe gamit ang motor mo papunta sa bahay ng lolo at lola mo " paliwanag ni Jema

" 2 years ko ng ginagawa yun Mom " pagdahilan ni Antidote

" kaya nga pinapauwi na kita dito kasi 2 years ka ng ganyan " balewalang sagot ni Jema at tiningnan ang anak

" Pano sina Lola doon? " nag aalala nyang tanong

" may maid naman " kaswal na sagot ni Jema

" hanggang ngayon ba Ma galit pa rin kayo sa kanila? "

" Baby wag na natin pag usapan ang tungkol dun, tapusin mo na ang pagkain mo dahil maaga pa training natin bukas " utos ni Jema

" Mom wag mo namang idamay sina Lolo at Lola sa galit mo kay Nanang "

Hindi sumagot si Jema, nang matapos itong uminom ng tubig ay bigla na lang itong tumayo at iniwanan ang anak sa harapan ng lamesa

-

Pennsylvania

" Tang ina naman Deanna! 2 years na tayo nakatira sa iisang bahay! wala pa ring nangyayari sa atin! " bulyaw ni Charlene nang subukan nya itong akitin sa pamamagitan ng pag hubad nya sa harapan ni Deanna

" Malapit na tayong ikasal pero hindi mo pa rin ako ginagalaw! "

Umalis si Deanna mula sa pagkakahiga sa kama at kumuha ng bathrobe at tinakpan ang hubad na katawan ni Charlene

" Wait until we get married " malamig na sagot niya bago lumabas ng kwarto

" San ka naman pupunta? " tanong ni Charlene

" Sa room ako ni Jaden matutulog " sagot ni Deanna na hindi man lang tinapunan ng tingin ang babae

" Sana pla single bed na lang ang binili kong kama dito sa kwarto dahil ako lang naman pla ang gagamit nito! "

Hindi pinakinggan ni Deanna ang mga sinasabi ni Charlene at nagpatuloy sa paglakad papunta sa kwarto ng anak

Nadatnan niya si Jaden na mahimbig na natutulog sa kama

Flashback

" Excited ka na ba makita ang bunso mo Achi? " tanong ni Peter

" of course, nandito na rin lang naman ako so bakit hindi ko pa gawin " nakangiting sagot ni Deanna

" ito na siguro ang address Achi "

Nang nasa harapan sila ng isang malaking bahay

" Parang wala namang tao " habang sumisilip

" pano mo malalaman kung may tao o wala hindi ka man lang nag doorbell " wika ni Deanna

" Achi nka lock ang gate " wika ni Peter nang makita na may padlock ito

" what if sa school na lang tayo ni Jaden pumunta? " suggest ni Deanna

" Good idea, Let's go " at bumalik sa loob ng kotse

Pagdating sa University kung saan nag aaral si Jaden

" Jaden Izaah Wong? "

" yes sir, she's one of the students here " magalang na sagot ni Peter

Lumabas ng opisina ang President ng University at naiwan namang nakaupo ang magkapatid na Wong sa loob

" bakit kasi Achi hindi mo na lang tawagan si Charlene? " tanong ni Peter

" No, hindi nya pwedeng malaman na nandito ako " sagot ni Deanna

Nang bumalik ang kausap nilang lalake

" i've talked to my secretary outside about Jaden Wong, and she told me that Jaden is sick and she's in the hospital right now "

End of Flashback

" Ma " boses na nagpabalik sa katinuan ni Deanna

" Yes? you neee something? " at nilapitan ang nakahigang si Jaden sa kama

" I'm sorry " paghingi nitio ng paumanhin

Tipid na ngumiti si Deanna at hinaplos ang buhok ng anak

" It's not your fault that you are sick Jaden " pagpaintindi niya dito

" But i am the reason, why you're hurting "

" The pain i feel now doesn't matter, as long as you're alive, okay? " sagot ni Deanna at hinalikan ito sa noo

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Where stories live. Discover now