A-III

2.2K 138 13
                                    

Antidote:

Kung ako ang may ari ng mundo 🎵

Ibibigay ang lahat ng gusto mo 🎵

Araw-araw pasisikatin ang araw 🎵

Buwan-buwan pabibilugin ko ang buwan 🎵

Para sa'yo, para sa'yo... 🎵

" woooooh " sigawan at palakpakan ng mga taong nasa loob ng bar

" I love you Antidote "

" Ganda ng boses tlaga! Idol!"

Susungkitin mga bituin 🎵

Para lang makahiling 🎵

Na sana'y naging akin 🎵

Puso mo at damdamin 🎵

Kung pwede lang 🎵

Kung kaya lang 🎵

Kung akin ang mundo 🎵

Ang lahat ng ito'y 🎵

Iaalay ko sa'yo 🎵 pagpapatuloy na kanta ni Antidote

Reo's Part:

Kung ako ang hari ng puso 🎵

Lagi kitang 'pababantay kay kupido 🎵

Hindi na luluha ang 'yong mga mata 🎵

Mananatiling may ngiti sa'yong labi 🎵

Para sa'yo, para sa'yo... 🎵

Nakikinig si Antidote matapos sa part niya si Reo ng biglang dumaan sa harapan nila ang isang pamilyar na babae, sinundan nya ito ng tingin habang patuloy naman kumakanta si Reo

"Antidote " sabay tapik ni Reo sa balikat niya, turn nya ng kumanta

Susungkitin mga bituin 🎵 kanta ni Antidote sabay peace sign nya sa lalake na napapiling na lang sa nangyari, medyo nawala pa kasi siya sa tono

Para lang makahiling 🎵

Na sana'y naging akin 🎵

Puso mo at damdamin 🎵

Kung pwede lang 🎵

Kung kaya lang 🎵

Kung akin ang mundo 🎵

Ang lahat ng ito'y 🎵

Iaalay ko sayo 🎵 ng kantahin nya ang linya na yan ay bigla na lang dumako ang mata ni Antidote sa kinauupan ng kaninang pamilyar na babae

Iaalay ko sayo 🎵 hindi maalis ang mga mata ni Antidote sa pamilyar na babae habang kinakanta ang linya na yan na para bang inaalay nya ang kantang yun para sa kanya

Pinagpatuloy ni Antidote ang pagkanta habang pasulyap sulyap ng tingin sa babaeng nakaupo sa may unahan at parang may tina type sa kanyang hawak na cellphone. minsan napapatingin ang babae sa stage pero walang pinapakitang emosyon habang yung katabi naman nito ay hindi natigil sa pagpalakpak at nakikisabay sa kanta nina Antidote

"Thank you!!! " pagpapasalamat ni Reo nang matapos na ang kanta nila ni Antidote, nag bow pa ito bago hinila si Antidote papunta sa backstage

"Good Job!! " bati ng Ponggay owner ng bar na kinakantahan ni Antidote nang makita ang dalawang bata

Tanging tango lang ang sagot ni Antidote at pilit na ngumiti

Habang nakaupo sa gilid at nagpapahinga ay inabutan sya ni Reo ng bottled water

" Okay ka lang ba? you forgot your part na kakantahin mo kanina " komento ni Reo

" Ikaw ha, sa 2 years na natin na kumakanta sa bar ni Mom ngayon ka lang parang nawala sa sarili, something happened ba? " biglang usisa ng lalake

"sinadya ko lang tlaga na makalimutan ang part ko " sagot ni Antidote at binuksan ang hawak na bottled water at uminom

Patapos ng uminom si Antidote nang nakaramdam sya na parang may nakatingin sa kanya, pero nang ginala nya ang tingin sa paligid ay wala naman syang nakitang taong nakatingin sa kanya.

" May isang set pa tayo sabi ni Mom and after that kain tayo ng street foods, dba favourite mo yun? " nakangiting tanong ni Reo

Pero hindi sumagot si Antidote, nakatingin lang sya sa lalake

Si Reo Oreo Paras, ang BF ni Antidote ( Best Friend ) magmula ng umalis si Freya ay ito na ang nakasama nya. Noong una hindi nya ito pinapansin kahit hinahabol sya nito para ligawan. At dahil wala talagang feelings si Antidote para kay Reo kaya sumuko na rin ang lalake at nagparaya. Pero may kondisyon ang pagparaya ni Reo, dapat maging BF sya ni Antidote habang single pa ito. Kaya ang ending, walang nagtatangkang manligaw kay Antidote sa pagaakala ng lahat na BF niya si Reo.

"weird mo naman ngayon " reklamo ni Reo at biglang sumimangot

Inikutan naman sya ng mata ni Antidote

" hindi lang sinagot ang tanong mo weird na ako agad? "

Nang biglang dumating si Ponggay

" may nag request, galing sa VIP room " sabay bigay ng maliit na papel kay Reo

" Mom hindi pa kami tapos magpahinga ng GF ko " sagot nya sa Ina

" akala ko ba may lakad kayo after this? " tanong ni Ponggay

" Oo nga pero hindi ba pwedeng 30 mins na pahinga? " tanong pa ni Reo

Nang biglang tumayo si Antidote

" let's go, tapusin na natin ito ng makauwi na tayo " wika nya kay Reo

Kaya napilitang tumayo naman ang lalake

" ano bang song to Mom? " at binasa ang nakasulat sa papel

" I like you so much, you'll know it " pagbasa ni Reo

" you know this song? " tanong niya kau Antidote

Tumango naman ang isa at sinuot ng pabaliktad ang kanyang varsity cap. Pero bago tuluyang umakyat sa stage ay sinilip nya muna ang inuupuan kanina ng pamilyar na babae pero bakante na ito, kaya nagkibit balikat na lang sya at tuluyang umakyat ng stage habang si Reo ay nakikipagtalo sa Mommy nito

" Mom, who requested this song ba? at  kailangan kantahin namin ASAP? " nababadtrip nyang tanong

" Family Friend natin " sagot ni Ponggay

" Family Friend? Pero hindi nyo pinapakilala sa akin? " tanong pa ni Reo habang isinuot ang strap ng gitara sa kanyang katawan

" VIP ito, so give your 101 percent" pahabol pa ni Ponggay

" kanina ko pa naririnig ang word na VIP pero wala naman kayong sinasabing pangalan " naiinis na wika ni Reo sa Ina

" Hestia Valdez, she requested that song " sagot ni Ponggay sabay tingin kay Antidote bago iniwanan ang anak na nakatulala

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Where stories live. Discover now