A-XLIII

1.1K 88 8
                                    

" pagsabihan mo yang anak mo, wala na nga sya sa training kanina tapos hindi pa sya pumunta dito "

" pwede bago ka magalit sa anak natin hanapin muna natin sya? " wika ni Deanna

" saan natin hahanapin? tumawag si Rhea kanina na nagpunta sa Razon si Antidote pero umalis din. Tinatawagan natin pareho hindi ma contact "

" okay, i'll call Hestia "

" at bakit mo naman gagawin yan? " dismayadong tanong ni Jema

" nakatira sya sa bahay nila, remember? " sagot ni Deanna at dinial ang number ng girlfriend ng anak

" lagi mo na lang syang sinasali sa usapan natin, kayo na lang kayang dalawa magsama " at bumalik sa loob ng kwarto kung saan nadatnan nya ang kanyang Mama na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin dahil sa sinapit ng apo

" apo naman eh. bakit kasi hindi ka nag iingat "

" lola bakit po kayo umiiyak? buhay naman po ako " pagbibiro ni Freya

" Ma tama ang apo nyo " sang ayon ni Mafe

" isa ka pa Mafe, bakit hindi mo sinabi na ito na pla nangyari sa apo ko? " seryosong tanong ng Papa nila

" dahil ayoko lang po kayo mag alala " pagdahilan ni Mafe

" ayaw mo kaming mag alala? pero ngayon tingnan mo ang Mama mo hindi na natigil sa pag iyak "

" Lola tama na po, lalabas na po ako dito malapit na kaya wag na po iyak " habang pinupunasan ang luha ng kanyang lola

" napakulong niyo na ba ang may gawa nito sa apo ko? " tanong ng Papa nila

" hindi na kailangan Pa " wikani Mafe

" anong hindi kailangan? muntik ng mamatay ang apo ko dahil sa bullying na yan Maria Fe tapos yan lang sasabihin mo? " sarkistong tanong ng Ama

Napangiwi naman si Mafe ng binanggit ng ama full name nya habang si Freya naman ay lihim na natawa

" kaninong anak ba ang gumawa nito? " tanong pa ng matandang lalake

" anak po ni Eya,dating kateammates ko sa UST "

-

Valdez Residence

" Antidote, late na " pagbungad ni Alyssa sa bagong dating

" i'm with Reo Tita, galing ako sa house nila " magalang na sagot ni Antidote

" Antidote call your mom, nag aalala sya sayo kasi wala ka pa dito sa bahay at hindi mo sinasagot phone mo " biglang sulpot ni Dennise sa tabi ng asawa

" i will tita " tipid na sagot ni Antidote

Nang dumako ang tingin ni Alyssa sa hawak na paper bag ng bata

" what's that? "

" Hon, inaantok ka na dba? let's sleep " akay mi Dennise sa asawa para hindi na usisain ni Alyssa ang dala ni Antidote

" Hon- "

" Hon, please let's go upstairs na, inaantok na rin ako eh " paglalambing ni Dennise

Walang nagawa si Alyssa kundi pagbigyan ang asawa. Pero bago tuluyan umakyat sa taas ay binalikan ni Dennise ang nakatayong sa Antidote

" entertainment room " nakangiting wika niya bago ito tuluyang umakyat ng hagdan kasama ng asawa

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Where stories live. Discover now