A-1

8.6K 170 6
                                    

" Antidote Wong ends the set "

Nagsitakbuhan papunta sa kinatatayuan ni Antidote ang mga teammates nya para yakapin sya matapos nitong tapusin ang game gamit ang kanyang  jump serve

" Good Job Ace! " sabay tapik ni Tara sa balikat nila

Tinanguan nya lang ang team captain nila

" Antidote, pwede ka bang ma interview? " tanong ng CSR nilang si Vica

" Captain " tawag ni Antidote kay Tara at tinuro ang katabi nyang babae.

Tumango naman si Tara at lumapit kay Vica para magpa interview

Pagkatapos makipag shake hands sa opponent team ay dumiretso na siya sa dug out para magbihis at kunin ang kanyang gamit

Tahimik na umupo si Antidote habang nakatingin sa grupo nina Ishtar na masayang nakikipagkulitan naman sa iba pa nilang mga kateammates

" Pinsan! "

Bigla syang napangiti nang makita si Freya na papunta sa kinaroroonan nya

" daya mo tlaga " at umupo sa tabi nya

" hindi mo ba ako babatiin? " walang emosyon nyang tanong sa katabi

" dba dapat ako ang magtatanong nyan sayo pinsan? "

" ano? " naguguluhan namang tanong ni Antidote

" Ikaw ang dapat ang ini interview hindi si Mama at si Captain " nakasimangot nyang sagot sa kausap

" alam mong hindi ako nagpapa interview " sagot ni Antidote at hinubad ang suot nyang sapatos

" Noon yun, yung broken hearted ka pa sa Mama Deanna mo. Eh ngayon may reason ka na para maging masaya kasi kasama nyo na sya, so dapat may reason ka na rin para mag pa interview " mahabang paliwanag ni Freya

" eh sa ayaw ko nga, wag ka makulit " sagot naman ni Antidote at sinuot ang tsinelas nyang nilabas mula sa kanyang duffel bag

" Oo na hindi na, pero bilisan mo na dyan kasi maraming naghihintay sayo " pag aapura sa kanya ni Freya

" kung Fans alam mo namang sagot ko dyan " balewalang sagot ni Antidote

" Fans nga pero special fans mo ito, malapit sa puso mo kaya halika na " at hinila ito

" Freya hindi pa ako tapos ayusin ang mga gamit ko " sagot niya dito at binawi ang kamay nyang hawak ng pinsan

" Ako na nga " wika ni Freya at sya na ang nag ayos ng mga gamit ni Antidote

" Ace, una na kami sa labas " paalam nina Jona

Tumango naman si Antidote

" oh tapos na prinsesa " at binigay ang duffel bag sa pinsan

" mag s-shower pa ako "

" nakita mo ng pinasok ko lahat ng gamit mo sa bag ngayon ka pa mag sasabi na mag shower ka pa, sa condo mo na lang kaya gawin yan " sermon ni Freya

Hindi na nagsalita si Antidote at sinuot na ang kanyang varsity jacket at strap ng kanyang bag sa kanyang balikat bago sumama palabas sa pinsan

Sinalubong naman sila ng mga press na may mga dalang camera na hindi na natigil sa pag flash nang makita silang dalawa

" excuse me po padaan " nakayukong wika ni Freya

" Antidote Wong ano masasabi mo na ikaw ang MVP of the match sa game nyo vs FEU? " tanong ng isang matabang reporter

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Where stories live. Discover now