A-II

2.2K 132 19
                                    

" Mine! " at tumalon si Antidote sabay palo sa bola ng malakas

Palakpakan naman ang mga ka teammates sa palo nya nang hindi na received ni Alex

Nakipag high five sya kay Ishtar at Eania samantalang naka busangot naman syang tininginan si Hera

" masama ang loob ng setter kasi nakapuntos na naman si Ace " pagbibiro ni Eania

" Pinag iinitan nyo na naman ba si Alex? "

Nawala ang ngiti ng mga ka teammates ni Antidote nang dumating ang babaeng coach

" pumasok ka sa loob ng opisina ko " utos nya kay Antidote

Sumunod naman ito at pumasok sa opisina ng Coach

" ilang beses ko bang sinabi sayo na wag kang makikisali sa mga biruan nyo ng mga teammates mo? " sermon ni Jema

" hindi naman ako nakikisali " sagot ni Antidote at umupo sa bakanteng upuan

" hindi? Pero ano yung nakita ko na pinagtatawanan nyo si Alex dahil hindi nya ma receive ang palo mo? "

" its for her own good naman kaya ginawa ko yun Coach. " pagdahilan nya

" pano mo nasabi na it's for her own good eh pinagtatawanan nyo? Pano sya magkakaroon ng tiwala sa sarili nya kung mismong teammates nya walang tiwala sa kanya? " pangaral ni Jema

" here we go again, kasalanan ko na naman " buntong hiningang sagot ni Antidote

" Jemaidean Antidote, hindi porket ako ang nanay mo eh pagbibigyan ko na yang pambu bully mo sa mga rookies "

" Oo na po " sabay tayo nya

" next week may friendly match tayo sa dalawang club teams, kaya dito ka muna sa manila " pag balita ni Jema at umupo sa kanyang swivel chair

" Mom pano ang part time job ko? " tanong ni Antidote

" alam mong student athlete ka tatanggap tanggap ka ng part time job? " pagalit na tanong ni Jema

" sayang din naman yun eh " rason ni Antidote

" malaki naman ang allowance na binibigay ko sayo, hindi mo na kailangan ng part time job " giit ni Jema

" Pero Mom--- "

" mag quit ka na dyan, gusto mo ba magkasakit ka sa ginagawa mo? " maawtoridad na wika ni Jema

" eh d okay, para alagaan nyo ako katulad ng ginagawa nyo sa kambal " pabulong na sagot ni Antidote

" Antidote malaki ka na para alagaan ko "

" kaya mas gusto ko kina Lolo at Lola mag stay, kasi alaga nila ako " parinig nya sa Ina

" Antidote "

" lalabas na ako Coach " at lumabas ng opisina

-

Tagatak na ang pawis sa mukha ni Hestia pero hindi pa rin sya tumitigil sa pagtakbo. Isang ikot na lang at matatapos na sya, hanggang marinig nyang pumito si Aly kaya agad syang huminto sa pagtakbo. Napahawak sya sa kanyang tuhod habang naghahabol ng kanyang hininga

Inabutan sya ng towel at tubig ni Camille

" come with me " rinig nyang wika ni Aly

Sumunod naman sya matapos inumin ang binigay sa kanyng tubig ng kateammate

" how's your feet? Nakakaramdam ka pa ba ng sakit? " tanong ni Aly

" medyo po, pero tolerable naman po " sagot ni Hestia

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Where stories live. Discover now