A-XVI

2.3K 147 16
                                    

" Not everything has to be what you want " malamig na wika ni Deanna nang iwan silang dalawa ni Antidote sa living room

" Ano bang alam mo Deanna sa nangyayari sa anak mo noon? Eh wala ka naman dito ng mga panahon na yun? " mapaklang tanong ni Jema

" Wala ako dito dahil nagtatrabaho ako " matigas na sagot ni Deanna

" Exactly! Nagttrabaho ka dun sa malayo, at ako lang ang kasama ng anak mo dito. Kaya kung may dapat man sundin ang anak natin, ako lang yun " madiin na sabi ni Jema sabay turo sa kanyang sarili

" i am speaking from my own experienced Margarett, alam mo ang pinagdaanan ko sa parents ko noon "

" Kung nakita mo lang ang anak mo Deanna na umiiyak at nagihirapan dahil sa mga nangyari, ewan ko lang kung masasabi mo pa ang lahat ng yan sa akin ngayon " at tinalikuran si Deanna

-

Laguna

" Si Antidote ba yan? " tanong ng matanda sa katulong

" Hindi po "

" Eh Sino? " tanong pa nito nang may pumasok na babae sa loob ng bahay

" Ma " tawag nya sa matanda sabay hubad sa kanyang suot na salamin

" Mafe? "

" Lola! " sigaw naman ng isang dalaga sa likod ni Mafe

" Freya, Apo! " masayang sambit ng matanda

Sinugod ni Freya ng yakap ang matanda

" Sino bang dumating? " tanong naman ng matandang lalake

" Pa "

" Mafe anak? "

Nilapitan naman ni Mafe ang matandang lalake at niyakap

" Lola " emosyonal na wika ni Freya habang nakayakap sa matanda

" Apo ikaw ba tlaga ito? " tanong ng matanda at lumayo sa apo para tingnan ang mukha nito

" Lola naman, parang nagdududa pa eh ako lang naman ang nag iisang anak ni Maria Fe " nakangusong sagot ni Freya

" Apo " tawag ng matandang lalake sa kanya

" Lolo " at lumapit dito

" kamusta na po kayo? " malungkot na tanong nya matapos nya itong yakapin

" okay lang, ikaw? kayo ng Mama mo? " may ngiting tanong ng matanda

" Kita mo naman Lolo, maganda pa rin po kami " nakangiti nyang sagot pero nawala din ang ngiti

" bakit? " takang tanong ng matanda nang makita nya bigla itong na lungkot

" kasi diba po, nag promise po ako sa inyo na bibigyan ko kayo ng apo pero hanggang ngayon bokya "

Napangiti naman ang dalawang matanda sa kanilang narinig

" ito tlaga hindi naman importante sakin ang apo, eh ikaw na ang apo ko, kayo ni Antidote at ng kambal " sagot ng matanda

Nabalot ng katahimikan ang buong sala nang marinig ang pangalan ng isa nyang apo

" Mafe nagkita na ba kayo ng kapatid mo? " tanong ng Ina sa anak

" Hindi pa po Ma, natatakot po kasi harapin sya " sagot ni Mafe at pilit ngumiti

" ikaw naman apo, ang pinsan mo nakausap mo na ba sya? " tanong naman ng Lolo sa kanyang apo

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Where stories live. Discover now