A-XXIV

2.8K 150 19
                                    

" Hindi ka na dapat nagpakita pa " malamig na wika ni Jema sa babaeng kaharap nya ngayon

Pagkatapos nyang tingnan ito ng masama ay tsaka niya ito tinalikuran

" Jema sandali nga "

" Kapatid mo pa rin ako " habol ni Mafe

" Matagal ko ng kinalimutan na may kapatid ako " sagot ni Jema na patuloy sa paglalakad

" Alam mo hindi natin maayos ito kung patuloy kang iiwas sakin at lalayo " naiinis na wika ni Mafe sa nakakatandang kapatid

" Wala naman akong planong makipag ayos Mafe "

" Kahit man lang para sa pamangkin mo "

Dahil sa narinig ay kusang tumigil ang mga paa ni Jema paghakbang at nilingon ang kapatid na parang naiiyak na

" Jem hindi lang ako ang nahihirapan, nahihirapan din ang anak ko. Miss na miss na nya ang pinsan nya, ang pinsan nya na tinuring nyang kapatid "

" Wag na wag mong gagamitin si Freya para makuha ang gusto mo dahil hindi yun mangyayari " madiin na sagot ni Jema

-

" and why are you telling this to me? Wala na akong pakialam sayo " walang emosyong saad ni Deanna pinsan nya na nakatayo sa labas ng gate

" I'm saying this because I don't wanna lose my daughter "

" Tsk. That's not my problem anymore. kung mawala man sayo anak mo, you deserve it. " mapaklang wika pa ni Deanna

" kasi wala kang kwentang tao " at tsaka tumalikod

" Si Mafe pupuntahan nya ngayon si Jema " pag amin ni Aya

Napapikit si Deanna ng kanyang mata nang marinig ang sinabi nito, pilit nyang pinapakalma ang sarili

Nagmulat sya ng mata at hinarap ito

" You're joking right? " seryoso nyang tanong

" I'm not " sabay iling ni Aya

" at baka by now, nagkita na rin si Freya at ang anak mo " pagpapatuloy nya

Naihampas ni Deanna ng malakas ang palad nya sa gate at naglikha iyon ng ingay habang nakatingin ng masama kay Aya

" Sisirain nyo na naman ang buhay ng anak ko " galit nyang wika

Biglang natakot si Aya sa inakto ng pinsan. Napalunok sya ng laway bago sumagot

" Hindi, hi-hindi Dean " nauutal nyang sagot

" gusto lang ni Freya na--- "

" Nasaktan ang anak ko ng iniwan sya ng pinsan nya! " may hinanakit na sabi ni Deanna

" Alam ko, ka-kaya nga gusto ng anak ko na makausap ang anak mo para humingi ng tawad "

Napailing naman si Deanna sa sinabi nito

" Hindi yun mangyayari, she hates her cousin for leaving her "

" and nothing can't change that " at tuluyan ng umalis

Naiwan naman si Aya habang tanaw ang pinsan nya na lihim nyang minahal na naglalakad pabalik sa loob ng malaking bahay

-

" malapit na ako  " - Reo

Matapos mabasa ang message ng lalake ay agad nyang pinasok ang cellphone sa bulsa ng suot nyang pantalon at nag focus sa pagmamaneho.

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Onde histórias criam vida. Descubra agora