A-XLIX

1.4K 84 12
                                    

Hospital

" nagpunta ka lang ba dito para mang insulto? " mataray na tanong ni Freya sa kanyang bisita

" I'm not insulting you, I'm just trying to be honest " kaswal na sagot ni Hera

" honest ba yung sinabihan mo akong pangit? Hoy De Guzman may lahi kami ng magaganda, from Tita Jema papunta kay pinsan at sakin " pagmayabang niya

" Baka sila oo, pero you? I dont think so " dagdag pa ni Hera

" tatawa tawa ka dyan pero baka ito plang mukha tong gusto mong ligawan "

Nang nilapitan sya ni Hera at biglang hinawakan ang magkabilang pisngi ni Freya 

" Kung itong mukhang to ang liligawan ko malamang mapapahiya ako " habang sinusuri ang mukha ng kausap

" Ehh di good " at inalis ang kamay ni Hera na nakahawak sa kanyang mukha

" Pero sige, dahil pinalaki ako ng parents ko na mabait, pagta tyagaan ko na lang "

" Sobra ka na ahh.. d porket maganda si Tita Jia at Pogi naman si Tito Miguel ganyan ka na sakin.. pwes! Ito sasabhin ko sayo! lalake ang gusto ko hindi babae.. lalake! " malakas na sigaw ni Freya

" Tandaan mo yan!!! " sabay duro pa nya kay Hera

" Freya anong ingay yan? sa labas pa lang naririnig ko na boses mo " wika ng kakarating lang na si Mafe

" Hi Tita " bati ni Hera sa bagong dating

" Hera nandtio ka pla " nang makita ang ito

" Yes po, hinatid ko lang po itong food na niluto ni Mom "  magalang na sagot ni Hera

" Talaga? Pakisabi Salamat " matapos kunin ang paper bag na may lamang pagkain

" Sayo lang po yan Tita " parinig ni Hera dahilan para sumimangot si Freya

" Ano ba to? " at tiningnan ang laman ng malaking paper bag

" Truffle pizza and Crab pasta po " malakas na sagot ni Hera at sinulyapan si Freya na sinamaan naman sya ng tingin

" Tunog masarap ah " biro ni Mafe

" pakisabi kay Jia thank you ha "

" No problem Tita, sige po " paalam nya

Pero bago umalis ay nilapitan nya muna si Freya

" Para kay Tita yan ha, hindi para sayo kaya wag kang kakain " paalala ni Hera dito

" Bakit si Mama ba ang nakahiga dito sa hospital bed? Bulag ka ba para d makita na ako ang nakahiga dito? " matapang na tanong ni Freya at ngumiti ng malawak ng bigyan sya ng isang slice ng pizza ni Mafe.

Kinain nya ito sa harapan ni Hera

" tsarap tsarap naman " habang ngumunguya

Pinipigilan namang ngumiti ni Hera habang pinapanuod si Freya na kumakain ng ginawa nyang pizza

Yes si Hera ang gumawa at hindi si Jia tulad ng iniisip ni Freya

-

Batangas

" Deanna gabi na " wika ni Jema nang makita ang dala nitong gitara

" wifewife kakatapos lang natin mag dinner, did you know that it's bad lying in bed right after eating? "

" naririnig ko na naman ang dahilan mo, sige na pero hinaan mo lang kasi pinapatulog ko na ang kambal " paalala ni Jema

Tumango naman si Deanna bago lumabas ng kwarto

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Donde viven las historias. Descúbrelo ahora