A-5

2.9K 151 2
                                    

" Antidote wake up "

Minulat nya ang kanyang mata at nakita nya si Deanna na umupo sa kama nya

Pinikit nya ulit ang kanyang mga mata

" Ma sunday ngayon " sagot ni Antidote

" Kaya nga bumangon ka na dyan kasi sunday ngayon " wika naman ni Deanna

At nagmulat naman ulit ng knayang mata si Antidote

" What? "

" we are going to church so get up, nagluto ang mom mo ng breakfast " wika nya sa anak at iniwanan ito

Humikab na bumangon naman si Antidote at sumunod kay Deanna na lumabas ng kwarto

Nakita nya si Jema na busy sa pagluluto sa kusina at nang makita sya nito ay hindi sya pinansin

Bumalik si Antidote sa kwarto nya at pumasok sa loob ng banyo para mag toothbrush at pagbalik nya sa labas ay naabutan nya si Deanna na nakaupo na sa harapan ng table

Umupo sya tabi ng Ina

" Don't mind your mom, kumain ka na dyan " wika ni Deanna sa anak at pinagsilbihan ito

" Galit pa rin si Mom? " tanong ni Antidote

" Alam mo naman ang Mommy mo, mahal na mahal ka kaya nagagalit " sagot ni Deanna at nagsimula ng kumain matapos lagyan ng food ang pinggan ng anak

" Ma, i already explained to her everything "

" I know, kaso yang mommy mo napaka sensitive pagdating sayo, ayaw ka nyang mawala sa poder namin ng mas maaga kaya kung ano ano iniisip " naiiling na wika ni Deanna

Napaisip naman si Antidote sa sinabi ng kanyang Mama

" Bilisan nyo ng kumain dyan lalo na ikaw Deanna, ang bagal mo pa namang maligo " at pumasok sa loob ng kwarto

" Ang mommy mo tlaga habang tumatanda umiikli ang pasensya " komento ni Deanna

Hindi na sumagot si Antidote at nagsimula na ring kumain

" By the way anak may surprise ako sa mommy mo later, para naman hindi nya pag initan ang lovelife mo " pagbalita ni Deanna

Napakunot ang noo ni Antidote sa narinig at tiningnan ang kanyang Mama

" Wala naman akong love life Ma "

Uminom muna ng tubig si Deanna bago sumagot

" Paano ka magkaka love life anak, kung ang kontrabida ay yang mommy mo " natatawa nyang sagot

-

" Margarett, I know you never regret your stupid choice to leave me before, but i know today you will regret why you chose to go away from me back then when you realized. " huminto muna sa pagsasalita si Deanna at pinipigilan ang sarili na maiyak sa kalagitnaan ng kanyang speech

" na walang sino man ang pwedeng magmahal sayo at magtyaga sa kasungitan mo kundi ako lang, wala ng iba "

Nagtawanan naman ang mga bisita sa huling sinabi ni Deanna

Nang bigla syang lumuhod at nilabas sa bulsa nya ang isang singsing

" Marry me "

" Nakakailang kasal na tayo Deanna hindi ka pa ba nagsasawa? " natatawang tanong ni Jema pero ngayon ay nagsimula ng maiyak

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Where stories live. Discover now