A- I

2.7K 135 20
                                    

Flashback

" Pano si Antidote? " tanong ni Jema kay Luigi

" I asked her about her Mama, and she understand na need ni Deanna mag work for the family " sagot ni Luigi

" So kailan babalik sa Manila ang panganay ko? " tanong pa ni Jema sa lalake

" If ever ma remove ang suspension nya, makakabalik din naman sya. Pero hindi pa tayo sigurado dyan coz as of now pinag uusapan pa ng UAAP boards ang ginawa ni Antidote, although wala naman sa rule book pero mali pa rin ang ginawa nya and the worst thing is, baka madamay ang buong team nila sa ginawa ng anak mo "

-

" Pera lang ba ang importante Freya? " tanong ni Antidote

" Maganda naman ang buhay mo kasama ni Nanang " seryosong wika niya sa pinsan

" Pinsan kaya nga ako nandito sa poder ni Mama Aya kasi para ito sa kanya " emosyonal na sagot ni Freya

" But hindi ito ang gusto ni Nanang para sayo " giit ni Antidote

" palibhasa kasi pinsan lumaki kang mayaman, kaya hindi mo nararamdman ang nararamdaman ko sa twing may gusto akong bagay para sa sarili kailangan ko pang pag ipunan yun para mabili ko " naiiyak nyang pagkwento

" Freya hindi naman ito tungkol sa pera o sa mga bagay na gusto mo, tungkol ito kay Nanang at sayo, ano iiwan mo na lang sya ng ganun ganun lang? "

" Pinsan intindihin mo naman ako, gusto ko makasama ang Mama Aya ko, alam mo pinsan hindi naman aabot sa ganito kung pumayag si Mama na sumama eh " sagot ni Freya

" Hindi sya pumayag kasi alam nya na mali ang gagawin mong desisyon na sumama kay Tita Aya " pagpapaintindi ni Antidote

" Dba pinsan? naranasan mo rin na ang naranasan ko na gusto mong makasama ang Mama mo? Bakit ngayon hindi mo ako maintindhan? " may hinanakit na tanong ni Freya sa pinsan

" Freya let's go " wika ni Aya nang makalapit na ito sa mag pinsan at hinawakan sa balikat ang anak

" Alagaan mo si Mama Pinsan " may luhang sabi ni Freya bago tumalikod at naglakad papasok sa Airport

" don't worry, I'll take care of her. " pag aasured ni Aya bago sinundan ang anak

End of FlashBack

3 years later

Laguna

" Anong oras ka pupunta sa Mommy mo? " tanong ng Lola nya

" tomorrow " tipid na sagot ni Antidote habang sinusuklay ang mahabang buhok

" bakit hindi mamaya? "

" may part time job ako La " sagot ni Antidote tsaka sinuot ang kanyang Varsity Jacket

" kailangan mo ba? May allowance ka naman sa Parents mo " wika ng matanda

" La, hindi naman dapat ako umasa sa kanilang dalawa, kasi una wala dito si Mama, si Mommy naman binubuhay nya ang mga kapatid ko " nakanguso nyang sagot

" Apo " protesta ng matanda nang lapitan sya ni Antidote

" La, yung binibigay sakin ng parents ko para sa inyo ni Lolo yun, sa gamot nyo at sa mga kailangan dito sa bahay, okay? " at hinalikan ito sa pisngi

" aalis na ako La " at mabilis na lumabas ng bahay

Nang hinabol sya ng matanda

" Antidote "

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Where stories live. Discover now