A-XXVII

3.1K 150 20
                                    

" I'm a star! " sigaw ng mga players

" Again! "

" I'm a star! "

" Louder! " striktong utos ni Jema

" I'm a star! "

" continue " maawtoridad nyang sabi habang pinapanuod ang mga players sa kanilang ginagawa

" I'm a star! "

" I'm a star! "

Paulit ulit na sigaw ng kanyang mga players at habang sumisigaw ay dapat sabayan nila ito ng lundag.

" para san ba yang pinagagawa mo sa kanila? " curious na tanong ni Rhea

" warm up drill " tipid na sagot ni Jema

" at kailan pa nasama ang I'm a star sa warm drill nila? "

" napapansin ko kasi sa mga rookies at sa new recruits natin. nawawala ang galing, kapag kalaban ang apat
( Antidote Ishtar Eania Hera ) kaya ko pinagawa ito kasi gusto ko isipin nila na kung may star player man sa team na to, yun ay ang sarili nila at hindi kung sino "

" pero bakit kasama ang apat? " inosenteng tanong ng assistant coach

" Team sport ito, kung gagawin ng isa dapat gagawin ng lahat " sagot ni Jema

" okay... syanga pla tumawag ba si Clio sayo? " pag iiba ni Rhea sa usapan

" Bumalik na sya? " sabay tanggal ng mga tingin sya sa mga players at itinuon ang atensyon sa kausap

" Yes at may plano sya para sa team "

" Kung ano man yun sana maganda " buntong hiningang saad ni Jema

" Ito naman, natural para sa ikakabuti ng team ang naisip nyang plano " pairap na sabi ni Rhea

" Knowing Clio? " nagdududang tanong ni Jema sabay iling ng kanyang ulo

" Hayaan mo na, ang importante may sponsor tayong kasing yaman nya dba? Alam naman natin na pag may mga financial problems ang ibang mga bata sa kanya lumalapit. kaya laking tulong talaga ng pera niya " mahabang paliwanag ni Rhea

" Dimacungalan "

" Oo na pasensya, pero totoo sinasabi ko sayo ah.. na malaking tulong pera nya "

" Alam ko, pero sana maisip mo na hindi pera niya ang habol ng team natin " pagtatama ni Jema sa sinabi ng assistant coach

" Sabi ko nga "

" Anyway, anak mo ba walang balak mag try out sa team? " biglang tanong ni Jema

" D ko nga alam sa batang yun, parang walang hilig sa volleyball. Sabi nya after nya mag graduate ng Senior High gusto nya mag focus na lang sa course nya " disappointed nyang pagkwento

" syempre ako naman as volleyball coach at former player, hindi pwede sakin yun dapat maging katulad ko sya "

" Hindi mo mapipilit ang bata kung ayaw nya maglaro ng volleyball " pangaral ni Jema

" Nasasayangan kasi ako sa talent nya at sa opportunity. maraming batang nagpapakahirap na mabigyan ng scholarship dito sa lasalle, habang sya magdedesisyon na lang d pa magawa dba? " reklamo ni Rhea

" Alam mo bakit hindi mo sya papuntahin dito? " suggest ni Jema

" Dito? "

" Oo, manuod sya ng training, baka sakaling magbago ang isip " may ngiting sagot ni Jema sa kausap

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong Where stories live. Discover now