A-XXVIII

2.2K 127 10
                                    

" Hello Baby " sabay karga ni Jema kay Champ at gigil na hinalikan sa pisngi ang anak

" Hello Mommy "

Inikutan naman ni Jema ng mata ang nagsalitang si Deanna

" hindi ikaw kausap ko "

" alam ko, pero ako spokesperson ng kambal " nakangiting sagot nya na karga naman sa balikat ang natutulog na si Chance

" kamusta kayo dito? " tanong ni Jema na naka focus ang atensyon sa kargang anak

" heto nami miss ka "

Nilingon sya ni Jema

" bakit? " inosenteng tanong ni Deanna ng bigla syang tinaasan ng kilay ng babae

" kung ano ano sinasabi mo "

" tooto naman kasi " nakanguso nyang sagot

" baby punta ka muna kay Yaya ha, magbibihis lang si Mommy " malambing na wika ni Jema at hinalikan ulit ang anak bago binigay sa Yaya nito

" hindi pwedeng sumama? "

" bawal ka nga pumasok sa kwarto ko, sumama pa kaya sakin magbihis? " masungit na tanong Jema

" sabi ko nga, ako ang spokesperson ng kambal kaya nagsasalita ako for them " pagdahilan ni Deanna

" sabihan mo na lang si Manang na ihanda na ang food, kasi after ko magpalit ng damit kakain na tayo " utos nya lang dito

" si Antidote? "

" nagpaalam sakin na may group study daw sila " at umakyat na si Jema

" hindi sya dito mag di-dinner? " paghabol ni Deanna

" hinaan mo nga boses mo, natutulog anak mo " saway ni Jema dito

" hindi ko alam, baka sa labas na sya kakain " sagot nya at tuluyan ng umakyat sa kanyang kwarto

-

Kasulukyang kumakain ang pamilya Valdez ng mapansin ni Den na walang kibo ang dalawang anak

" may problema ba? "

Nahinto sa pagkain niya si Alyssa at tiningnan ang dalawang anak na halos hindi naman ginagalaw ang pagkain sa kanilang pinggan

" hindi nyo ba gusto ang food? " tanong pa ni Den

Nanatiling walang kibo ang dalawa

" answer your mom, wag kayong bastos " maawtoridad na utos ni Alyssa

" Aly " pagpakalma ni Den sa asawa at hinawakan ang kamay nito

" sorry po " sagot ni Hestia

" masama pa rin ba pakiramdam mo? " tanong ni Den sa kanyang panganay

" medyo po " kagat labing sagot ni Hestia

Tumayo si Alyssa at nilapitan ang anak

" wala kang lagnat, so you'll be fine "

Matapos i check ang anak ay nagpaalam na ito sa kanyang asawa, kaya naiwan silang tatlo sa lamesa

Nang biglang tumayo si Allison

" Anak  "

" nawalan na po ako ng ganan Mom " wika niya sabay tingin sa nakayukong si Hestia

Nang makaalis ang bunsong anak

" may problema ba kayo ng kapatid mo? " seryosong tanong ni Dennise

My Ace Princess: Jemaidean Antidote Wong जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें