Chapter 35

61 7 0
                                    



Want You Back
5 Seconds of Summer
0:32 ─|─────── 2:53
|◁          II          ▷|



VINCE



"Ely, I'm so sorry. Patawarin mo na ako."

He just stared at me but after that moment, I saw his tears started to run on his beautiful face. Pinahiran niya agad ang mga luhang iyon habang nanatili siyang nakatingin sa akin.

"Akala ko, totoo yung trato mo sa akin, Vince. Akala ko," nauutak niyang sabi. "Akala ko lang pala. Vince, ano ba ang kasalanan ko sa'yo? Ba't pinaglaruan mo ako?"

"I'm really sorry, Ely. Aaminin ko na, isang dare lang talaga 'tong paglapit ko sa'yo pero Ely, habang tumatagal, nagiging totoo na ang feelings ko sa'yo—"

Pinutol niya agad ang sinabi ko nang magsalita siya. "I've heard enough, Vince. Nasaktan na ako," sabi niya saka ko nakita siyang hinubad ang binigay kong necklace para sa kanya.

Lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko. Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng necklace sa palad ko. "Salamat sa lahat, Vince," sabi niya saka tumalikod at tumakbo paalis.


From the moment that he ran away, I realized that I made the biggest mistake to Ely. It happened 2 years ago, but still I couldn't forgive myself for what I'd done to him. Sinadya ko talagang sundan siya dito sa university pero wala sa plano ko na kausapin siya. Nakikita ko naman siyang masaya kasama si Claire, kaya inisip kong wala na akong rason upang lumapit pa sa kanya, not until he noticed me one day.

Hindi ko rin aakalain na napatawad na niya ako kaya I took the chance to be his friend again. Yun nga lang, nasanay kasi ako no'ng magkasama pa kami na lagi ko siyang kinukulit, lagi akong nag-aalala sa kanya, at lagi kong sinusorpresa na hanggang sa dumating sa puntong niligawan ko siya pero naudlot lang dahil nalaman niyang dare lang pala ang lahat na 'yon.

Kaya ngayon, bati na ulit kami ni Ely, hindi ko na ulit gagawin ang pagkakamali ko sa kanya. Hindi ko na siya lolokohin at paglalaruan, tulad ng nagawa ko dati. Mas lalong hindi ko rin siya iiwan katulad ng nagawa ng Paul na 'yon kay Ate Chesca.

Ikinuwento sa akin ni Ate Chesca ang nangyari sa kanila ng Paul na 'yon, kaya gano'n na lang ang galit ko sa kanya, lalo na't nalaman kong nanliligaw na siya kay Ely. Alam ko namang hindi basta-bastang nagpapaligaw si Ely ngunit minsan hindi niya kasi nalalaman kaagad kung ano ang intensyon ng isang tao sa kanya at iyon ang kahinaan niya.

Ngayon, nililigawan na siya ni Ely, pwes gagawa ako ng paraan upang mailayo siya mula sa lalaki iyon at ang tanging nakikita kong paraan ay ang manligaw rin sa kanya. May atraso man ako sa kanya ngunit hindi ibig sabihin nito na hindi ko na pwedeng patunayan sa kanya na kaya ko siyang mahalin ng higit pa sa inaakala niya sa akin.

Hindi ako makatulog ngayon sa kakaisip ng mga pwede kong gawin upang ligawan si Ely. I know he is not that materialistic type of guy but he rather prefers going outside for a date.  Mas kilala ko siya kaya mas malaki ang advantage ko kumpara sa Paul sa na 'yon. Dagdag pa riyan na parehas lang kami ng univesity ni Ely. I will do my best to win his heart, no matter what happens. I will make sure ako ang pipiliin niya sa huli.



×××



PAUL



I'm hanging out with my friends again in a bar. After I left at Ely's place, agad ko silang tinawagan para isang inuman. Dan suggested this new bar he discovered kung saan kami ngayon. It's not too crowded but not also quiet.

"Ba't biglaan naman 'tong pagtawag mo sa akin? May problema ba?" Dan asked then took a shot from his glass.

"Yes, tungkol sa nililigawan ko ngayon," tipid kong sagot pero napatingin sila sa akin.

They seemed like they were shocked about what they heard from me.  Nakakatawa pa ang reaction ni Dan right after he put his glass down. "Woah, seriously, nakahanap ka na talaga ng bago after that Chesca?"

"Nililigawan pa lang," I answered and heard them chuckling.

"Dude, nililigawan pa lang? Chics mo nga dati, sinasagot ka na agad tapos ngayon nanliligaw pa lang? Virgin pa siguro 'yan ah."

"Yun nga lang may problema," sabi ko saka kinuha ang baso at ininom. "May nanliligaw rin sa kanya."

Habang nasa gano'n usapan kami ay napansin kong tahimik lang sa tabi si Marco habang paulit-ulit na kumukuha ng beer. He seemed very pissed off all of the sudden. Hindi naman siya ganyan kanina.

"I'm done," bigla niyang sabi saka siya tumayo. Nagkatinginan lang kaming tatlo sa pagtayo niya. I'm totally confused so I gestured them what was going on.

"Maybe he's having a hard time. You know, Marco is keeping his mess to himself. Hayaan na muna natin siya," Nathan replied. Like what he told us, hinayaan na naming umalis si Marco habang pinagpatuloy na lang namin ang ginagawa namin.

I went home right after we finished our drinks. Hindi naman malakas ang tama ng mga nainom namin pero sapat para mahilo na kami nang konti.  Buti na lang, nakarating na ako sa apartment ko nang maayos. Hihingi nga dapat ako ng advice sa kanila on how deal with another suitor courting to Ely. Nawala lang sa isip ko pag-alis ni Marco.

I texted Marco if he's alright pero hindi na ako nakatanggap pa ng reply.

I just sighed heavily for all the things that happened today, from my attempt to confess to Ely in the cafe down to Ely's place. Ayos na sana ang lahat not until Vince just admitted that he still love Ely, if I'm not mistaken. He's really taking advantage of what relationship they had before.

Ely doesn't deserve a guy like him.

Tsaka isa pa, he's accusing me that I cheated on her cousin. Tsk, ako pa talaga ang nanloko sa paningin niya. Chesca cheated, not me.

But, after she cheated on me, Ely suddenly appeared on my side na parang bang anghel. We were just strangers pero hindi siya nagdalawang-isip na i-comfort ako.

Gagawin ko ang lahat upang ako ang pipiliin niya at hindi ang Vince na 'yon. Tsk.

His Favorite Song (Completed)Where stories live. Discover now