Chapter 39

45 7 0
                                    



fake smile
Ariana Grande
1:06 ───|───── 3:28
|◁          II          ▷|



ELY



I'm currently jotting down some notes from a book. Nasa library kami ni Claire habang nahimbing na natutulog ang kasama ko dahil puyat sa club kagabi. Ewan ko ba kung bakit laging punta ng punta 'to sa mga club. Nag-aya pa siya kahapon pero tinanggihan ko at pinagsabihan ko pero ayaw talaga makinig. Ayan, humihilik pa pero buti na lang mahina lang.

Nahinto naman ako nang may nakalimutan akong kunin sa isang shelf. Tinignan ko muna si Claire. Mukhang nanaginip pa yata siya kaya iniwan ko muna siya saglit sa table namin. Pumunta ako sa section kung saan nakalagay ang hinahanap kong libro. Nahagilap ko naman at balak ko sanan abutin nang may narinig akong ingay sa likod ng shelf.

Pasimple akong sumilip sa pagitan ng mga libro at nagulat na lang ako sa nakita ko kaya napaatras ako saka nagmadaling bumalik sa table namin ni Claire. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako pero nakilala ko talaga sila eh.

I just saw Heather kissing a guy.

Sinubukan kong burahin sa isip ko ang nakita ko pero napasapo na lang ako dahil hindi ko magawa. I diverted my attention back to writing. Kung siya nga talaga 'yon, well I just can't believe they did it inside a university library. Shocks.


"Siya yung parang bagong prinsesa do'n sa College of Architecture..."


Nasagi sa isip ko ang sinabi ni Claire sa akin few days ago at the mall kung saan namin nakita si Heather. Ibig sabihin, si Vince at si Heather ay nasa iisang college lang. Kung gano'n...

Napailing na lang ako bigla sa naisip ko. 'Wag naman sana—

"Oh, andito ka rin pala."

Bigla akong kinabahan saglit nang may huminto sa table namin. Paglingon ko ay nakita kong nakangiti pa sa akin si Heather. "H-Hello," I tried to smile back.

"I should introduce myself now that we meet for the second time," she said and lends her hand for a handshake. "Heather Raigne Wilson, by the way."

Nakipag-shake hands naman ako. "E-Elmo Sanchez. Ely for short," nauutal ko pang sabi.

"Ely, what an adorable name." Napadako naman ang tingin niya kay Claire na hanggang ngayon ay tulog pa rin. "Uhm, she's Claire, my bestfriend. May hangover lang kaya tulog hehe," paliwanag ko.

"Oh I see. So you're both from College of Psychology. Nice meeting you," sabi niya sabay ngiti ulit pero ramdam kong may ibig sabihin ang ngiting iyon.

"Nice meeting you, too," sabi ko na lang.

"You looked nervous like you've seen something earlier," sabi pa niya na mas nagpakaba sa akin.

Shocks, nalaman ba niya agad na nakita ko siyang may kahilakan kanina?

"A-Ah, nothing. M-May long quiz kasi kami after break kaya kinakabahan ako," palusot ko.

Napatango naman siya. "Oh, I got it. So, see you next time na lang, Ely," she said and waved her hand as she left us.

Parang gumaan saglit ang loob nang umalis siya. Shemay, 'di ako makapaniwala na ma-meet ko ang isang Heather Raigne Wilson ngayon. She has a sweet personality pero nafe-feel ko talaga na may other personality siya from I've seen behind that bookshelf. She's hiding her secret behind her pretty smile.

Sana naman, hindi sila magkakilala ni Vince.

The next day, sa canteen ulit kami tumambay ni Claire pagsapit ng break namin. Ayaw ko kasing may makita pa akong naghahalikan sa likod ng isang shelf doon sa library. Mas lalong ayaw ko ring makita ulit yung Heather na 'yon.

"Uy, Ely, bakit dito pa tayo tumambay eh ang ingay dito? Gusto ko pang matulog eh, aircon pa do'n," reklamo pa niya.

Naku, kung nakita rin niya ang nakita ko doon, malamang alam na niya ang rason kung bakit ayaw ko nang bumalik pa doon.

"Basta, ayaw ko nang bumalik pa doon," tanging nasabi ko na lang habang kumagat ako sa hawak kong burger saka nagsulat muli.

Napansin ko namang may tumayo sa tapat ng table namin ni Claire. Napag-alaman kong si Heather na naman na pilit kong iniiwasan. "Hi guys! Can I join you?"

Parang namang nabuhayan ang antok na antok si Claire dahil sa pagsulpot ni Heather sa harap namin. "OMG, yes you can!" sabi niya sabay ayos sa sarili.

Tumabi naman sa kanya si Heather. "Hello," matipid kong bati.

"Hi, Ely. Ikaw rin, Claire," bati niya sa amin saka ngumiti na ikinatuwa pa niya ni Claire.

Parang hindi naman makapaniwala si Claire sa nangyayari. "OMG, I can't believe na katabi ko si Heather Wilson ngayon! Gosh, you're so pretty even sa malapitan."

"Stop complimenting me. Nakakahiya naman sa inyo. I just want to be your friend kaya andito ako," nahihiya raw niyang sabi.

"Besides, I just introduced myself to you yesterday at the library. Kaso, may hangover ka raw kaya si Ely lang ang nakilala ko."

"OMG, I'm so sorry, huhu," sabi ni Claire sabay lahad ng kamay. "I'm Claire Ortegas, bestfriend ni Ely."

"Heather Wilson, from College of Architecture. You call me Raigne for short, tutal friends ko na rin kayo," sabi niya.

Parang nao-overwhelm naman si Claire dahil sa sinabi niya. She's acting like she's been an avid fan of her, while pilit lang akong nakangiti sa nangyayari.

"Gosh, you heard that, Ely? Friend na daw tayo ni Heathe— I mean, Raigne. Gosh, I can't believe it!"

"Yeah, ako rin. I can't believe it..." tanging nasabi ko. Sa ilalim ng mesa, nararamdaman kong pawis na ang palad ko.

I'm still thinking what is her intention towards us, lalo na't kakakilala pa lang niya sa amin at siya pa ang may gustong makipagkaibigan. Argh, I suddenly felt guilty of thinking so bad about her.

"Uy, ayos ka lang ba, bes? Parang kang nakikitang ng multo dyan," sabi ni Claire na nagpabalik sa malay ko. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako kay Heather.

"A-Ah, nothing. I just felt like I need to go to the comfort room. For a minute," paalam ko sa kanila saka pumunta sa CR na pinakamalapit dito mula sa canteen.

Agad akong pumasok sa isang cubicle saka nakahinga nang malalim. Parang hindi ako comfortable na nasa tabi namin si Heather. I just can't forget how she kissed a guy torridly behind that shelf, kaya iba ang tingin ko sa kanya.

I just flushed the toilet and left the cubicle, pero bago pa ako makaalis sa comfort room ay nakasalubong ko ang lalaking nakahalikan ni Heather yesterday. Umiwas na lang ako ng tingin at agad na bumalik. Shocks.

His Favorite Song (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon