Chapter 28

72 5 0
                                    



Rescue Me
One Republic
1:51 ──────|── 2:38
|◁          II          ▷|



ELY



"Ang ganda naman ng kasama mo Vince! Girlfriend mo?" sabi ng isang bisitang kakilala yata ni Vince.

Ilang beses ko na yatang narinig yang tanong na 'yan simula no'ng pumasok kami sa gate ng bahay ni Ate Ches. "Kaibigan ko lang!" sagot naman ni Vince sa kanya.

Kanina pa nga ako pinagtitinginan ng mga bisita rito. Siguro nga, mali 'tong sinuot kong outfit ngayon eh. "Halika, puntahan natin si Ate Ches," sabi niya at sumunod ako sa kanya patungo sa cottage kung saan ih-held ang party.

May lumapit naman sa amin ang isang babae. Hindi ko siya halos makilala dahil nakashades siya at nakasumbrero. "Happy birthday Ate Ches!" sabi ni Vince at niyakap siya.

"Uy, akala ko talaga, hindi ka pupunta! Nagtampo talaga ako sa'yo kanina!" sabi naman ni Ate Ches.

"Nga pala, Ate Ches, meet my bestfriend, Ely," sabi niya at natuon ang atensyon ni Ate Ches sa akin.

"Happy birthday po!" bati ko sa kanya.

"Naks naman, ang ganda naman ng kasama mo! Hindi mo sinabi sa akin na may jowa ka na pala ha!"

"Naku hindi po! Bestfriend lang po talaga kami. Tsaka isa pa, lalaki po talaga ako," sabi ko kay Ate Ches.

Dahan-dahan naman siyang lumapit sa akin. Mariin niya talaga akong tinitigan hanggang sa bigla niyang pinisil ang mga pisnge ko. "So you're a boy? Napaka-cute mo naman! Ikaw nga yung palaging sinasabi sa akin ni Vince na laging napagkakamalan na babae. Totoo nga pala," sabi niya.

"Hehe, ganun po ba?" tanging nasabi ko lang.

Mabait naman pala si Ate Ches, malayo sa inaasahan ko. Pero bakit nga ba sila naghiwalay ni Paul?

"Ate Ches, sa'n nga ba si Kuya Anton?" singit naman ni Vince.

"Mamaya pa yun. Alam mo na, may pasurprise siguro para sa akin," sabi niya at nagtawanan sila.

Naging masaya naman ang birthday celebration ni Ate Ches. Marami akong nakilala na mga kamag-anak ni Vince, yun nga lang halos hindi ko na matandaan lahat ng mga pangalan nila.

Sinurpresa naman si Ate Ches nang dumating yung boyfriend niya na si Kuya Anton na may dalang human size na teddy bear para sa kanya. Naku, parang naiingit ako ng saglit kasi gusto ko rin ng teddy bear na human size rin para kayakap ako sa kama. Kaso, parang wala namang bibili ng gano'n para sa akin.

Lumipas ang ilang oras ay naramdaman kong puno na yung pantog ko kaya nagpaalam muna ako kay Vince para magbanyo. Pagkarating ko roon ay makita nga akong banyo. Ito lang ang pinakamalapit kaya agad namang akong pumasok do'n.

Paglabas ko ng banyo ay sumalubong sa akin ang isa sa mga kaibigan ni Vince na nakilala ko kanina, kaya nagmadali akong umalis kaso bigla niyang hinawakan ang braso ko. Lilingon na sa ako nang bigla niya akong hinatak pabalik sa loob ng banyo saka siya pumasok. Napasandal ako sa pader habang napapagitnaan ako ng mga kamay niya na nakahawak rin sa pader.

Agad akong inatake ng kaba dahil sa kanya. Sinubukan kong lumabas ng banyo pero tinulak niya ulit ako. "Ano pong ginagawa nyo? Palabasin mo 'ko--"

Naudlot ang sinabi ko nang may biglang kumatok sa pintuan. "Ah, excuse me, may relo po ba 'jan? Naiwan ko kasi sa loob. Pakibigay na lang sa akin."

"Tulon--" sigaw ko sana pero bigla niyang tinakpan ang bibig ko ng kamay niya.

"Sige, subukan mong sumigaw. Ayaw mo naman sigurong masira ang birthday party ni Chesca, di ba?" sabi niya. "Gusto ko lang naman kita matikman kahit sandali lang," sabi pa niya na mas nagpatindig sa balahibo ko.

"Hello, may tao ba 'jan?" sabi pa ng tao sa labas.

Bigla naman niyang hinawakan ang dalawa kong kamay ngunit nagpumilit pa rin akong tumakas sa kanya. Tinuhuran ko siya kaya naman napadaing siya sa sakit, pero mas lalo ko yata siyang pinagalit.

"Argh! Yan pala ang gusto mo ha!"

Napapikit na lang ako sa maaaring gawin niya nang may narinig akong boses sa labas ng banyo.

"Buksan mo ang pinto!" rinig kong boses galing sa labas.

Sinubukan pa akong galawin ng lalaki pero hindi nagtagal ay biglang bumukas ang pintuan.

"Ely?!"

Nakita ko na lang na agad bumagsak sa sahig ang lalaking nagtulak sa akin dito sa loob. Parang akong naestatwa sa kinatatayuan ko dahil sa pangyayari.

Niyakap naman ako ng nagligtas sa 'kin at saka naman bumuhos ang luha mula sa mga mata ko. Napaiyak na lang ako. Kung hindi dumating siya, baka may nangyari na talagang masama sa akin. "Ssh, tahan na. Andito na ako, Ely," sabi pa niya at marahan niya akong tinatapik sa likuran ko.

"Anong nangyari dito?"

Nakita ko na lang na dumating rin si Vince, at nakita niya rin kaming magkayakap ni Paul.

Pagkatapos ng nangyari, nasa loob na ako ng isang room habang nag-uusap naman si Vince at Ate Ches sa labas tungkol sa nangyari kanina. Sumama ang pakiramdam ko hindi lang dahil do'n kundi pati sa party ni Ate Ches.

Nasira ko ang party ni Ate Ches. Dapat nagsasaya na sila ngayon pero dahil sa nangyari sa akin, naudlot ang lahat. Sana hindi na lang pala ako pumunta rito kung gano'n pala ang mangyayari sa akin. Pati ibang mga tao naparito sa resort, nagsipaguwian rin dahil sa eksena kanina.

Bumukas naman ang pinto at nakita kong pumasok si Vince, saka tumabi sa akin sa kama. "Sabi ni Ate Ches, you can stay here for awhile hangga't hindi pa maayos ang nararamdaman mo," sabi niya.

"De okay lang. Uuwi na lang ako sa apartment. Nakakahiya na kay Ate Ches. Sinira ko na yung party niya, makikitulog pa ako rito sa kanila--"

"Stop saying that you ruined the party. Justin did. Saka ni-report na namin sa police ang nangyari kanina. You don't have to worry about. Walang may gusto sa nangyari," sabi pa niya.

"Sorry kung hindi kita sinamahan. 'Pag nagkataon, wala sanang nangyari sa'yo," dagdag niya.

"Si Paul?" tanong ko pero bigla ulit bumukas ang pinto saka pumasok si Ate Ches na nag-aantay sa amin sa living room. Ilang beses ako nag-sorry sa kanya dahil nasira ko talaga ang party niya. "Sorry talaga, Ate Ches—"

"No, Ely, its totally fine. Napahamak ka dahil sa isang bisita namin kaya kami dapat hihingi ng pasensya. Wala naman talagang nakakaalam na may mangyayari pala ngayon," sabi naman ni Ate Ches.

She just gave me a warm hug before we left her room. Tahimik naman ako sa loob ng kotse ni Vince. Medyo affected pa rin ako sa nangyari kaya wala na ako sa mood magsalita.

Pagkarating namin sa amin ay hinatid naman ako ni Vince hanggang sa apartment ko. Nagpumilit pa siyang magstay muna rito pero baka mag-aalala ang parents niya. Kaya pinauwi ko na lang siya.

I took a bath before going to bed. Habang naliligo ako, bumabalik sa akin ang nangyari kanina.

Naalala ko kung paano ko sinubukang tumakas sa kanya, pero sobrang hina ko. Buti na lang, andoon si Paul.

Buti na lang talaga.

His Favorite Song (Completed)Where stories live. Discover now