Chapter 47

27 3 0
                                    



You And I
New Hope Club
0:52 ──|────── 3:16
|◁          II          ▷|



PAUL



That night was the best part of my life. Ely finally chose me. Napakasaya ko that time, kasi worth it yung panliligaw ko sa kanya for a week. I won his heart after everything I did.

Ely's back to focusing on his studies again so I made sure I wouldn't distract him from his priorities. Of course, as his boyfriend, I'll make sure that we'll keep each other close and make him happy as I promised. From what I've heard from Claire, marami raw nagkakainteres kay Ely simula no'ng pumasok sila sa Damian U kaya sisiguraduhin kong walang magbabalak na lumapit sa kanya.

Pero, ang hirap, sa totoo lang. That's easier said than done. Magkahiwalay kami ng university. Gusto ko ngang lumipat pero exclusive lang dito sa Cailer U ung degree na kinuha ko.

Claire told me she'll keep Ely away from Vince. Halos nakalimutan kong pareho pala sila ng university. If I ever heard anything about him na lumalapit pa siya kay Ely, hinding-hindi ako magdadalawang-isip na susulong sa university nila.

The next day, I hurriedly went out of the music room and ran down the lobby. Sinalubong pa ako nila Nathan. Alam kong mag-aaya 'yon ng gala kaya nag-pass muna ako at nilagpasan nila. "Next time na lang!" sigaw ko sa kanila saka ako dumiretso sa parking lot.

Pumunta kami ni Bucky sa kabilang university para sunduin si Ely. Nang makarating ako, kaagad ako nag-antay sa gate at nagsend ng text message sa kanya. Maya-maya, nasagi ng paningin ko sina Ely at Claire, pero nakaramdam kaagad ako ng inis nang makita kong kasama nila si Vince.

Nakita naman nila ako at nilapitan. 'Di pa humiwalay ang gag* sa kanilang dalawa. "Hi Paul!" bati ni Ely.

Tinignan ko naman si Claire. Mukhang napansin ni Claire yung ibig kong iparating sa kanya at tumango siya. "Ahh."

Nagtaka naman si Ely pero bago pa siya makapagsalita ay siniko ni Claire si Vince. "Don't worry, tanggap na ni Vince. Hehe, sorry. Tama ako 'di ba?" sabi niya sabay lingon sa katabi niyang kinainisan ko.

"Tama si Claire. Nirerespeto ko naman relasyon nyo kaya I know my limits," sabi niya. 'Di na nagsalita pa saka siya hinila ni Claire palayo, at iniwan kaming Ely.

"Shall we go?" tanong ko sa kanya bago siya pumayag at isinuot ang helmet. Medyo nahihirapan siya at balak ko na sanang tulungan pero nagpumilit siya. Nagawa naman niyang i-lock kaya natuwa naman ako.

Kahit sa simpleng bagay lang yung ginawa niya, ang cute niyang pagmasdan.

Nagdaan ng ilang araw, mas nagkaroon pa kami ng closure at medyo 'di na siya naiilang na kasama ako. Parati ko siyang kinakamusta. Nag-oopen up na siya sa akin, at gano'n rin ginawa ko. Sinabihan ko naman siya na pwede rin ako tumulong sa acads niya. We were slowly getting to know each other day by day.

But, there was one time he told me about me being a player. He knew I was dating many girls during my younger years, kaya medyo nababahala siya.

"Babae nga, pinaglaruan mo. Pa'no na lang ngayong 'di ako babae?" tanong niya na nakapag-iisip-isip sa'kin sa lahat ng mga ginawa ko noon.

Inamin ko naman sa kanya na mali yung pagiging player ko at ipinangako ko sa kanya na hinding-hindi ako gagawin 'yon sa kanya. I will love him more than I did to Chesca.

Unlike me, it was his first time to get into a romantic relationship officially. Pero, yung na nga, niloko na siya ni Vince noon kaya nagdulot 'yon ng trauma sa kanya. That's what kept him from entertaining guys who wanted to date him.

Do'n ko narealize na pareho pala kami—niloko ng taong akala namin na magmamahal sa amin ng totoo. Siya natakot, ako naman nawalan ng pag-asa, pero sa huli, nagkrus ang landas namin.

Totoo nga siguro yung tadhana.

One week na lang, first monthsary na namin. Kailangan ko na atang magplano para sa special day namin. I hope this time, wala ng aberya.

The next day, I visited Ely's place. It was my first time to walk into his apartment. I brought some foods as well. Wala siyang klase today pero 'di niya gusto gumala kaya bumisita na lang ako sa apartment niya.

He opened the door and greeted me with a smile on his face. He looks happy when he saw me. "Hi! Pasok ka!"

Pagpasok ko ay may naamoy ako kaagad na mabangong scent. 'Di ko alam kung sa kanya 'yon o sa apartment niya mismo pero ang bango talaga. Pagdating ko sa sala, nadatnan kong malinis at walang kalat yung bahay niya. Pansin ko rin yung mga stuffed toys niya sa isang corner. Pastel colored pa yung walls niya. Parang tuloy akong nasa isang room ako ng bata.

Nilapag ko naman ang dala ko sa kanyang mesa. "Napaka-dami naman niyan. 'Di naman natin 'yan mauubos mamaya."

"Okay lang. You can eat all of this anytime you want. Para sa'yo naman lahat na 'yan."

"Talaga? Eh, sobra-sobra naman ata 'to—"

"We can eat it now together para maubos natin kaagad," sabi ko at natawa na lang siya.

Nanood kami ng ilang movies habang kinakain namin yung dala kong foods. Natatawa ako kasi isang Disney animated movie lang pinapanood namin at hindi pa kami nangangahalati pero umiiyak na kasama ko. Binigyan ko naman siya ng tissue.

Ang cute niya talaga.

Patapos na yung movie nang biglang umulan sa labas at nawalan ng kuryente. Kaagad ko namang na turn on yung flashlight sa phone ko at kinamusta si Ely. "Okay ka lang."

"Oo, pero ikaw? Umuulan sa labas, delikado bumiyahe. Pwede ka munang magstay dito. Tas uwi ka lang bukas," sabi niya.

"Okay lang sa'yo?"

"Oo."

Tinignan ko naman ang orasan ko. 10pm na pala. Hindi ko napansin na sobrang gabi na rin.

Tinulungan ko siyang maglinis sa kalat namin hanggang sa pumunta na kami sa kwarto niya kung saan siya natutulog. 'Di pa rin bumabalik yung kuryente kaya madilim pa rin. Pero, nang ginala ko yung flashlight sa room niya, pansin ko ang mga poster ni Taylor Swift sa pader.

"Fan ka nga niya talaga no?"

"Oo, simula bata pa ako. Lumaki ako kakakinig ng mga kanta niya ket no'ng una, 'di ako masyado makakarelate. No'ng niloko ako ni Vince, do'n mas naappreciate ko pa lalo yung mga kanta niya. 'Lam mo na, heartbreak songs," paliwanag niya habang nakatitig kami sa isang poster.

May mga album rin siya at ibang merch na nakadisplay. Pati nga yung phone niya, may Taylor Swift rin sa case niya. Pati wallpaper.

"Ikaw, sino ba favorite mong singer?" tanong niya sa akin.

"Well, depende sa mood ko. Most of the times, I play Harry Styles songs, Shawn Mendes, Bruno Mars."

"Yung favorite song mo?"

Nag-isip-isip naman ako ng favorite song ko. Sobrang dami eh, tsaka depende rin talaga sa mood. Pero, sa oras na 'yon, nagkatagpo muli yung mga mata namin.

'Pag siya yung nakikita ko, isang kanta lang tanging naiisip ko. "Siguro, yung kanta ni Taylor Swift, yung Sparksfly."

"Weh, sinasabi mo lang 'yan kasi fan ako."

"De, no joke," sabi ko sabay lapit sa kanya. "Yan kasi yung pinatugtog mo no'ng una tayong nagkita. Kaya, tuwing pinapakinggan ko 'yun, ikaw lagi ang naiisip ko. Gusto ko lagi kitang naiisip kaya lagi ko rin pinapatugtog."

Umiwas naman siya ng tingin pero nahuli ko siyang ngumiti. "Oy, kinikilig."

"'Di kaya!"

"Oh eh hindi, sabi mo eh," sabi ko at hinatak siya palapit sa akin saka niyakap. "Eto, 'di pa rin ba nagpapakilig sa'yo?"

Tumawa naman siya habang napasubsob sa dibdib ko. Niyakap naman niya ako pabalik. Tsaka ko naman siyang kinakantahan ng paborito kong kanta.

Sana ganito lang kami palagi.

His Favorite Song (Completed)Where stories live. Discover now