Chapter 5

107 6 0
                                    



Arms Of A Stranger
Niall Horan
1:08 ───|───── 2:40
|◁          II          ▷|



PAUL



Nakauwi ako sa bahay na basang-basa at tila nanghihina na ang katawan. Muntik pa ako masagaan pagtawid ko sa kalsada sa dami ng bagay na tumatakbo sa isip ko. I took a hot shower before going again to the bed. Itutulog ko na lang ang lahat na nangyari ngayon.

Nang makahiga na ako sa kama, hindi naman ako makatulog. Hindi ako dinadalaw ng antok pero pagod na ako. Pagod na ang isip at puso ko. Pagod na ako kakaisip sa pwede kong gawin. Susuko na lang ba ako? O bibitaw na ba ako?

 Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko na nakikipaghiwalay na si Chesca sa akin. She's the main reason why nagbago ako...

...from being a player to a loyal one.

I had played with different girls since high school. Kung sinu-sino na lang na magandang babae na nagiging gf ko, at ang pinakatagal sa kanila, one week. Karamihan sa kanila, niyaya ko na sa kama at agad naman ako nagsasawa sa kanila. Buti na lang, wala akong nabuntis sa kanilang lahat. Lagot ako kapag meron talaga.

Nagtuloy-tuloy ang pagiging player ko hanggang college, until I met Chesca.

Nagkakilala kami sa isang acquiantance party. One of my friends introduced to me. She was an angel the first time that I saw her, yet she was a hard-to-get girl. Hindi siya natatablan ng charm ko. Kakaiba siya sa mga nakilala ko.

No'ng una, ayaw niya sa akin dahil nalaman niyang playboy ako. Dahil do'n, palagi niya akong iniiwasan at pinagbanta pa ako na ipapa-blotter niya ako sa pulis dahil sa pagiging stalker ko raw.

Simula no'n, I tried to find another girl pero ayaw niyang umalis sa isip ko. Hindi ko siya sinukuan. Ginawa ko ang lahat mapalapit lang ang loob niya sa akin hanggang sa dumating ang puntong niligawan ko siya...

...for almost 3 months. Pucha, tatlong buwan ko siya niligawan, which was the first time I ever did in my entire life. Buti na lang, nag-agree siya na ligawan ko siya.

Dinala ko siya sa mga special place na alam ko, nag-date na kung saan-saan, and there was a time na niyaya ko siya sa kama pero sinapak niya lang ako at nagwalk-out.

Dahil sa sapak niya that night, I realized that I should stop being a douchebag. Nag-apologize ako sa kanya pero inabot ako ng ilang araw bago niya ako napatawad. I really thought she would gonna dump me after what I did pero pagkatapos no'n, finally sinagot niya ako. I was really happy no'ng oras na yun, that kind of happiness I've never felt before.

Chesca was a wife-material girl. I really thought she will be the one that I would marry someday. Masyado akong nagfocus sa pag-gig ko kasama mga kabanda ko, kaya nawalan na ako ng oras kay Chesca. F*ck this karma.

I don't know pero hindi ko talaga kasi kayang bitawan yung paggi-gig ko. Matagal ko nang pangarap na maging sikat na musician, kaya ginagawa ko ang lahat para makahanap kami ng record label na tatanggap sa amin.

Sh*t. I need my friends now.

Tinawagan ko sila at sinabihan na pumunta sa apartment ko. Isang oras ang lumipas ay nakarinig na ako ng mga katok sa pintuan ko. "Coming," malakas kong sabi sabay bangon sa kama ko.

Pagbukas ko ay bumungad sa akin si Dan at Nathan na may dalang mga beer. They really know me kapag tatawag ako sa kanila.

Pumunta kami sa kitchen at nilapag ang mga beer. Agad naman akong nagbukas ng isang bote at uminom. "Asan si Marco?" tanong ko sa kanila.

"Busy. Alam mo namang mabuting estudyante siya," tawang sagot ni Dan.

"Ano kasing nangyari? Nagcutting pa kami sa klase namin para lang puntahan ka rito?"

Sinabi ko sa kanila na pumunta ako sa bahay ni Chesca kanina. Sinabi ko rin na nakita ko rin yung pinagpalit sa akin ni Chesca na sobrang layo sa mukha ko.

"Pre, kalimutan mo na si Chesca. Nagawa ka na niyang palitan ng mas panget sa'yo, kaya ikaw naman maghanap ka ng iba. Siguro naman may mas better pa sa kanya. You just have to wait na lang sa ngayon, dahil ayaw mo namang mangchics. Sabi mo kasi nagbago ka na," paliwanag ni Nathan.

"Baka naman kasi hindi babae ang itinadhana sa'yo," biro pa ni Dan na ikinatawa lang naming tatlo.

"Gag*, hinding-hindi ako babagsak sa lalaki. Tandaan niyo yan," sabi ko pa sa kanila.

"Sabi mo 'yan, pero ikaw pumatol sa lalaki, ilibre mo kami ng dinner sa mamahaling restaurant," sabi naman ni Nathan.

"Deal!" sabi ko.

"Deal!"

Pagkatapos ng aming masayang inuman ay umuwi na ang dalawa ang mga bote ng beer. Ginawa pang palusot yung paparating na exams para lang iwan ako rito, kahit alam ko namang maghahanap sila ng chics ngayong gabi. At heto ako, iniwan nila akong nakatulala lang sa kawalan.

"Baka naman kasi hindi babae ang itinadhana sa'yo."

Sh*t. Hindi nga ako papatol ng lalaki o kahit na bakla. Never in my life. Kahit na uso na ngayon yung same-sex relationship, I can't imagine myself hanging out with a guy. Naaasiwa ako. Tsk.

Baka naman magpapari ako.

Naaah, I want to have a family in the future. Wala akong balak na magle-lead ng misa sa simbahan.

I just need to remind myself that my future depends on my actions in the present.

Sa ngayon, ayoko muna ng gf. I want to focus on music, my studies.

Bumalik ako sa kama ko at bumagsak sa kutson. Binuksan ko ang phone ko at nagpatugtog. I was about to sleep nang tumugtog ang isang kantang parang naligaw yata sa playlist ko. It sounds familiar kaya hinayaan ko na lang tumugtog.

I remember the song.

This was song na pinakinggan ko sa jeep no'ng gabing hiniwalayan ako ni Chesca, pero hindi si Chesca ang pumasok sa isip ko.

Yung babae na nakatabi ko.

Her beautiful face.

Her genuine smile.

Her kindness.

I don't know pero every time I remember a line from that song, I remember her smile kaya napapangiti na rin ako.

Those earphones were the ones who made us feel connected to each other.

And this unfamiliar song makes me remember her.

Hindi ko namalayan na natabig ko na pala ang phone ko kaya may napindot sa screen saka tumigil ang kanta. Pagtingin ko sa phone, kaagad ako nainis nang malaman kong na-exit ang app kaya hindi ko na alam ang title ng song. I need to hear it again.

Sh*t.

His Favorite Song (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon