Chapter 1

322 14 2
                                    



Sparksfly
Taylor Swift
0:58 ──|────── 4:20
|◁          II          ▷|


PAUL


"PRE! ASAN KA NA BA? KANINA KA PA HINAHANAP NAMIN! ANO, TULOY PA BA TAYO O HINDI?"

Nilayo ko muna ang phone ko mula sa tenga ko dahil sa bulyaw ni Daniel. Takte naman, ang sakit sa tenga yung boses niya!

Abala na ako sa pag-aayos sa sarili ko dahil nakalimutan kong may gig pala kami ngayon gabi. Kaya heto, natataranta na ako. "Teka lang! Chill ka, pre! Eto na pasakay na ako!" pagsisinungaling ko.

Alam kong mas lalo pa silang magagalit kapag nalaman nilang nagbibihis pa lang ako.

"Dalian mo na!" huling sabi niya saka binaba ang tawag.

Huminga ako ng malalim habang nakaharap sa salamin, saka ngumiti.

Naks, napakagwapo ko talaga.

Kinuha ko ang pinakamamahal kong gitara sa kama at lumabas na ng apartment ko. Yun nga lang, kung kailan ako may lakad, malalasin naman ako.

Biglang bumuhos ang ulan kaya naghanap ako ng masisilungan muna habang pumapara ng taxi na sasakyan ko. Naka-ilang para na ako pero bigo pa rin ako dahil lahat ng taxi, may sakay na pasahero. Punyeta naman, nagmamadali na ako.

Saktong may pampasaherong jeep na papalapit kaya no choice, ito na lang ang pinara ko. Huminto ang jeep saka ako agad sumakay bago pa ako maunahan ng mga kasama kong pumara rin. Medyo nabasa pa ako dahil wala akong dalang payong.

Dahan-dahan kong binitbit ang gitara dahil baka tumama sa mga upuan at pasahero. Ayokong masira ito dahil pinakamamahal ko 'to.

Tumabi ako sa isang pasaherong parang tulog na naka-earphones. Nags-soundtrip yata 'to.

Bigla na lang may umusog sa kabila ko dahil may bagong sakay kaya napausog na rin ako na ikinagising bahagya ng katabi ko.

Agaw pansin naman ang katabi kong naka-earphones dahil naka-shorts siya kaya kitang-kita namin yung napakakinis na binti niya. She wears pastel-coloured sweater and a pink cap on her head, while listening music on her phone through her baby blue earphones.

Naks, nakatabi ako ng chic ngayon, pero nagddoubt ako kung babae ba talaga siya kasi sobrang iksi ng buhok niya, parang boy cut, pero hindi rin ako sure dahil naka-sumbrero siya. Sa'n ka punta n—

Paul, may shota ka na. Buti na lang naalala ko na may girlfriend pa pala ako. Sa dami kong inisip, yung girlfriend ko pa nakalimutan ko.

Umandar na ang jeep at saktong mas lumakas ang buhos ng ulan. Buti na lang, nakasakay agad ako.

Nakaramdam naman ako ng vibration sa may bulsa ko. Nagulat rin ang katabi ko dahil medyo magkadikit kami. Kinuha ko naman ang agad ang phone ko at nakita kong sa screen na may message galing kay Chesca. Binuksan ko yun at binasa.


From: My Loves

Akala ko ba, babawi ka ngayon gabi?

Sh*t, nag-promise pala ako na magd-date kami ngayon. Naku naman oh! Nawala sa isip ko yung date namin.

Nakatanggap ulit ako ng message mula sa kanya.


From: My Loves
Ayoko na Paul. Pagod na ako sa kakaintindi sa'yo. Mas mahalag pa yata yung mga gig mo kesa sa akin. Ayoko na.

From: My Loves
Tapos na tayo.



Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pagkatapos basahin ang message ni Chesca. I dialed her number pero ayaw niyang sumagot. I dialed again but this time, cannot be reached na siya.

Hindi puwede 'to.

Gano'n na lang ba kasimple para tatapusin yung 11 months na relasyon namin? Mag-iisang taon na kami next week, nagpaplano na ako sa anniversary namin tapos eto bigla ang mangyayari?

Pucha naman oh! Kay swerte nga talaga ng gabi ko! Pucha talaga!

Inaamin ko na nawawalan na ako ng time para sa kanya dahil sa kaka gig ko, pero ang sabi naman niya, naiintindihan niya ako at suportado pa niya ang paggi-gig ko. Takte naman, baka nagjjoke time lang 'to o kaya may dalaw, psh.

Nakatanggap ulit ako ng message pero nanggaling na kay Gerald, kaibigan ko.


From: Gerald
Pre, check mo FB ni Chesca.



Nakaramdam na ako ng kaba sa tinext ni Gerald ngunit binuksan ko pa rin ang FB ko. I searched her name and opened her timeline, only to find out that she just changed her profile picture.

It was a picture of her kissing a guy on his cheek.

Nakita ko rin yung bio niya na binago rin niya.


3 months and counting 💕


SH*T. ALL THIS TIME, SHE WAS CHEATING ON ME.

Matagal na niya pala ako niloloko. Sh*t.

'Di ako makapaniwala sa nakita ko. Ba't ngayon ko lang 'to nalaman? 'Bat 'di ko man lang napansin yung mga pinaggagawa niya? Pucha, naninikip ang dibdib ko. Sarap itapon yung cellphone ko.

Ilalabas ko na sana ang sama ng loob ngunit nasa jeep pala ako ngayon. Wala akong magawa ngunit hinayaan na lang ang dumaloy sa aking mukha ang mga luha mula sa mga mata ko.

Wala akong pake kung pagtitinginan ako ng mga pasahero dito sa loob.

Pucha, late na sa gig, inabutan ng ulan, hiniwalay pa ng girlfriend. Sarap magmura. Sarap magwala. Gusto kong sumigaw pero 'di ko magawa.

Parang mas gugustuhin ko na lang na bumaba at magpasagasa sa mga kotse na kasunod ng jeep namin. Walang kwentang buhay. Wala namang may pake sa 'kin. Gusto ko na lang mamatay—

"Pakinggan mo 'to. Sana tumahan ka para hindi ka na umiyak pa," sabi niya saka ako binigyan ng isang matamis na ngiti.

Bigla nalang kasi ako nakaramdam na may ipinasok sa tenga ko kaya nilingon ko ang katabi ko na siyang naglagay ng earbud sa tenga ko. Ilang segundo lang ay nakarinig na ako ng tugtog sa earbud. Hindi pamilyar sa akin ang kanta kaya minabuti kong pinakinggan nang maigi ang lyrics nito.

Hindi ko namalayan na napapikit na pala ako sa pakikinig ng kanta. Medyo gumaan ang pakiramdam ko kaya nilingon ko ang katabi ko. "Ayan, ngumingiti ka na. Okay ka na?" tanong niya sa akin.

Napatitig ako sa mga mata niya na hinaharangan ng kanyang eyeglasses, saka ako tumango bilang tugon.

"Mabuti naman," sabi pa niya at binigyan ako ng isang magandang ngiti.

Her charm somehow calmed me down. Bigla naman siyang dumungaw sa bintana at tila parang nagulat siya.

"Ay hala, lumagpas na ang jeep! Para po!" sabi niya sabay katok sa bubong ng jeep, saka naman huminto ang jeep at agad na umalis sa tabi ko.

"Pasensya ka na, kailangan ko nang bumaba—"

Bago pa man siya makababa ay nahawakan ko ang braso niya. "Kailan ba tayo magkikita ulit?" tanong ko sa kanya.

She smiled before she replied. "Maybe the song will make a way for us to meet again."

His Favorite Song (Completed)Where stories live. Discover now