Chapter 49

30 4 0
                                    



It Ain't Me
Kygo & Selena Gomez
0:37 ──|────── 3:40
|◁          II          ▷|



PAUL



The next thing I knew, Ely was taken to the hospital. Right after Claire called me, I went there to see him as quickly as I could. Wala na akong pake kung muntikan ko nang masagasaan ang mga tumatawid sa kalsada. Tanging nasa isip ko na lang ay si Ely.

He heard us. Raigne, the one I had sex with when I was drunk on our beach vacation, told me she was pregnant and I was the father of the child she was bearing. I was f*cking sure we had had safe sex that night, even though I was drunk and barely able to remember everything. And, sh*t, sa 1st monthsary pa talaga namin ni Ely.

He gave me a wristwatch and headphones. That's what he bought for me for our first month together. Pero, gano'n na lang ang natanggap niya sa mismong araw namin. Prepared na lahat eh. I made sure na magiging masaya 'to para sa kanya. Nagpatulong pa ako sa mga kaibigan ko na magdecorate do'n sa apartment ko. I was planning to buy a cake pa pero wala na.

Sira na ang plano.

Tanging hiling ko, sana maayos lang si Ely.

Pagdating ko sa ospital, kaagad ako dumiretso sa ER at sa labas ng isang cubicle, do'n nakita ko si Claire na nadatnan kong umiyak. Nilapitan ko siya at napasilip sa loob ng cubicle.

Parang nilukot yung loob nang makita ang kalagayan ni Ely. Nagkalat ang dugo sa kanyang damit at katawan. Puno siya ng sugat. Puno ng dugo yung mukha niya.

Kanina lang, sobrang ayos pa niya. Umalis siyang umiiyak tapos eto ang maabutan ko.

Gusto ko sanang lumapit pero bago ko pa magawa 'yon ay kaagad may dumapong kamao sa pisngi ko na nagpatumba sa akin sa sahig. Wala na ako sa sarilli ngunit sinubukan kong tumayo.

"Tang*na mo! Ang kapal ng mukha mong magpakita rito! Ano, masaya ka na ba? Tang*na!" sigaw ni Vince na siyang sumuntok sa akin.

Pinalabas kami ng ER dahil nakakaabala kami sa mga tao sa loob. Napaupo na lang ako sa lobby habang pinapakalma nila si Vince. Napasapo ako, 'di maintindihan ang nangyayari. Napakabiglaan.

Hanggang sa maalala ko ulit ang itsura ni Ely sa loob at nagsimulang bumugso ang damdamin ko. Humagulgol na ako sa pag-iyak, napasuntok sa pader.

Sana hinabol ko na lang siya at ipinaliwanag ang lahat. Edi sana 'di na 'to nangyari pa sa kanya. Edi sana napigilan ko siyang umalis.

Sumilip muli ako sa pinto at nakita kong nilabas na nila mula sa cubicle ang bed ni Ely, saka lumabas sila sa kanilang pinto. Nakaramdam naman ako ng kamay na humawak sa kwelyo ko. "Umalis ka na rito."

Kaagad naman akong nilayo nina Dan at Nathan sa kanya na naparito na rin. Tinatahan naman ako ni Marco pero habang iniisip ko ang kalagayan ni Ely, hindi ako magiging maayos.

"Iuuwi ka muna namin," sabi pa niya saka ako sumama sa kanila palabas ng hospital.

Hinatid nila ako sa apartment ko pero mas nanlumo lang ako dahil andoon pa rin ang mga decorations. Si Ely lang wala. I spent the rest of the night blaming myself for what had happened. Ely doesn't deserve any of this. All he did was be nice to me, be the best boyfriend I have ever had, and yet this is all he got. He deserved nothing but something I should've done in the first place.

Of 10 people, including the driver, 7 were dead and 3 had serious injuries caused by that accident. Ely was one of the three who survived, yet it doesn't end there.

Three days later. After he was sent to the operating room, he was then transferred to a private room where we could already pay a visit. There, I met his parents. I introduced myself to them as Ely's boyfriend. Nagulat sila kasi 'di nila alam na may boyfriend na anak nila, but they were totally fine with it. Napakabait nila. May pinagmahan nga si Ely, 'di lang sa ugali kung 'di pati rin itsura.

They also brought Ely's sister. She was crying when she saw Ely sleeping on his bed. She was too cute to cry, so I gave her the chocolates I bought for our monthsary. Dumating rin si Claire na nakilala kaagad ng mga parents ni Ely.

Habang nilalaro ni Claire ang kapatid ni Ely, kaharap ko naman ang mga parents ni Ely para mag-usap tungkol sa nangyari. Tinanong nila ako kung nasaan raw ako no'ng panahon na naaksidente si Ely. Bago pa man ako makapagpaliwanag ay lumuhod na ako sa harap nila.

"Sana mapatawad ninyo ako, Tito, Tita," panimula ko. "Nahuli ako ni Ely na nakikipag-usap sa dati kong ka one-night stand na nabuntis ko raw. May nangyari sa amin bago kami nagkilala ulit ni Ely. Malakas ang loob kong 'di akin 'yon pero pinagpipilitan niya. Narinig ni Ely ang lahat kaya umalis siya, umiiyak at 'di ko na nahabol pa."

Umiiyak akong nagpapaliwanag sa harap nila ngunit tinatahan ako Tita Monica at pinapatayo. "Shh, tahan na."

"Might as well you should stay away from Ely," sabi naman ni Tito Elvier. "Just if mapatunayan mong 'di talaga ikaw ang ama ng bata. If we had known this in the first place, hinding-hindi talaga namin hahayaang mapunta lang ang anak namin sa katulad mo. Pero minahal ka na niya kaya patunayan mong mali ang akala ni Ely."

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay nagpaalam na ako sa kanila. Kailangan kong makipag-usap kay Raigne tungkol sa bata niya. Tinawagan ko siya at kaagad naman siyang sumagot.

Nagpa-DNA Test kami kaso 2-3 weeks pa ilalabas yung results. Kailangan ko pang mag-antay.

Pag-uwi ko sa apartment, nadatnan ko naman nag-aantay sa lobby si Marco. Kaagad ko siyang nilapitan ngunit bigla naman niya akong niyakap. "You okay?"

"Not yet," tipid kong sagot. "Why are you her—"

Sa isang iglap, dumapo ang kanyang labi sa akin. Sa gulat ko, kaagad ko siyang tinulak. "Wtf?! What was that for?!"

"Paul, I've been keeping this since we were young, pero napaka-manhid mo. Hindi mo ba napapansin? Na sa tuwing kailangan mo ng kausap, ako ang unang lumalapit sa 'yo. Akala ko may pag-asa na ako no'ng nagkahiwalay na kayo ni Chesca pero wala eh. May nahanap ka kaagad. Si Ely," he confessed. It's been a long time since I saw him cry in front of me.

"And it was surprising to know that na sa lalaki ka rin pala mahuhulog. Edi sana, niligawan na lang kita, Paul."

"Marco."

I just stood there, calling his name. I couldn't believe he'd been keeping a secret from us. "Marco, sorry. Pero, I can't give you the same thing I gave to Ely."

He attempted to kiss me once more, but I was able to push him away. "Paul, f*ck me. Just f*ck me in your bed. That's what I want now. Then, I'll leave you with Ely."

After all those years, I didn't know he could be this mad. Sabay kaming lumaki at minsan nang nakita kung paano magwala si Marco. But, tonight he's different. Hindi na siya ang kilala kong Marco na kaibigan ko.Now, he wanted me to make out with him. "Marco, you're already crossing the line. You should stop right now."

"I don't hella care, Paul. I want you to f*ck me—"

It's like I had no choice, so I punched him on his face. Natumba siya sa sahig. I realized na medyo napalakas yung suntok ko kaya pinatayo ko siya. Ngunit, tinaboy lang niya ako. Pinanood ko na lang siyang tumayo ng mag-isa habang patawa-tawa naman siya. Kaagad ko naman tinawag sina Dan at pinapapunta rito sa apartment.

"Kaya siguro ganito nangyayari sa 'yo ngayon kasi napakasama-sama mo. Wala ka ng ibang inisip kung 'di sarili mo. Taste the karma you deserve, John Paul."

Nakarating na sina Dan ngunit kusa siyang umalis at iniwan kami.

Another week passed by, Ely's parents told me some good news. Ely was completely awake, so I hurriedly went to the hospital and brought some food. After I heard about it, parang gumaan ang loob ko. At the same time, kinakabahan naman ako.

Sa lobby, sinalubong naman ako ni Claire. 'Di ko maipinta ang reaksyon niya pero pinapapasok niya pa rin ako. Nadatnan ko ang parents niya pati si Vince. Mukhang nagkakatuwaan pa sila hanggang sa naagaw ko ang atensyon nila.

"Oh Paul, halika rito. Gising na si Ely," aya ni Tito at kita ko namang nag-iba ang reaksyon ni Vince nang makita ako.

Pero bago pa ako malapit ay nagsalita si Ely. Muli kong narinig ang boses niya pagkatapos ng ilang weeks pero parang nadurog na lang ang loob ko sa sinabi niya.

"Pa, sino siya?"

Tumingin ako kay Ely pero hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Nagulat rin sila Tito at Tita. "Nak, siya si Paul, boyfriend mo. 'Di mo ba siya naalala?"

"Hindi po," sagot niya at mas nanlumo ako. 'Di ako nagdalawang-isip na lumapit pa sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Ely, ako 'to, boyfriend mo 'ko. John Paul Abellana. That's my name. Ely—"

Binawi niya ang kamay niya. "Sorry, pero wala akong naalala na may boyfriend ako."

Sa oras na iyon, parang nawalan ako ng pag-asa. Pinilit akong pinalabas ni Tito Elvier at doon niya sinabing may selective amnesia siya after nagkaroon ng head injury. "He could only recall past events, but unfortunately not the current ones, especially you."

Dala ko naman yung results ng DNA na hindi ako ang ama ng dinadala ni Raigne. I had the chance to prove him wrong, but I lost it right at the moment.

Pumasok ulit ako sa loob pero nadatnan kong tulog na si Ely at binabantayan ni Vince. Kita ko kaagad ang asim nitong mukha pero inabot ko sa kanya ang isang box mula sa bulsa ko.

"Siguro nga, ikaw ang dapat niyang piliin sa ating dalawa. Napag-isip-isip ko na siguro ipagkakatiwala ko siya sa'yo. Nabura na niya lahat ng tungkol sa 'min—bawat pagkakataon na lumipas na kasama ang isa't isa. Pakibigay sa kanya kapag gumising ulit siya."

Kinuha niya 'yon at binuksan. It was his earphones that I was supposed to give back to him after he lost it. Balak ko sanang ibigay 'yan sa monthsary namin pero nasira ko ang sariling mga plano ko.

Umuwi ako sa apartment ko at do'n nadatnan muli si Dad. After three years na hindi ko siya nakausap, nasa harap ko ulit siya. I was about to walk past him when he spoke.

"I'm going to Vegas. Kung gusto mong sumama, pack up your things."

His Favorite Song (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora