Chapter 19

87 7 0
                                    



Drown (ft. Clinton Kane)
Martin Garrix
0:02 |──────── 2:54
|◁          II          ▷|



PAUL



"Guys, nakareceive ako ng invitation sa Foundation Days sa Damian University! We are invited to join the Battle of the Bands next Friday! Ano, game?" biglang sabi ni Dan.

As usual, nasa isang bar na naman kami at kakatapos lang din ng gig namin.

"Game na game, kapag may prize," sabi naman ni Dan.

"Of course may prize, lol," sabi ni Dan. "Third placer... 5K. Second Placer.... 15K. First Placer... 25K."

"Game!"

Dahil game na game kami sa 20K, nag-decide ko anong mga kanta aming ipplay sa Battle of the bands. Of course, nagrequest ako ng isang Taylor Swift song.

This time, hindi na sila tumutol pa. Takot raw sila na kapag hindi nila i-accept yung request ko, magle-leave ako sa band. Well in fact, I was just joking at that time na nagsabi ako no'n.

I just told them na I found a male version of the song kaya wala silang ipag-alala. Of course, all Taylor Swift songs are written on a girl's perspective.

I'm happy na sa Damian University yung contest. Well, I just found out kase na do'n pumapasok yung gusto makilala soon.

Nahanap ko yung IG account niya pero hindi ko nahanap yung full name niya. She just used an alias for her username which says "@iptyfalm" but her IG name says ES. Hindi ko alam anong meaning ng username niya Well, she really hides her identity.

Pero mas nagulat ako nang nakita kong maraming followers yung account. Siguro marami rin siyang admirer sa university nila.

But aside from that, I can't find any picture showing her face on her feed. Puro lang ramdom stuffs kaya I once doubted na baka hindi sa kanya yung account.

But I'm really sure she's the bestfriend of Claire Ortegas. I stalked Gerald's sister and I saw some of her pics na naka-tag sya pero ni kahit isa, walang mukha sa feed niya.

Nahihiya ba siya sa mukha niya? Damn, I'm dying here to see her face again.

Ayoko ko naman isauli ang earphones sa bestfriend dahil gusto ko na ibalik ko 'to sa kanya personally, so I'll grab the chance na makilala siya.

Since that night na nagdesisyon kami na sumali sa competition ay gabi-gabi kami nagre-rehearse sa studio namin. We have to perform our setlist perfectly, para kuha talaga namin ang 25K.

Habang palapit nang palapit ang araw ng contest ay mas naeexcite ako na makita siya. That's why I'm still awake until now. Its past midnight but I can't sleep properly, because I keep thinking of her.

Gamit ko rin ngayon ang earphones niya. Everytime I use this, it always gives me chills even if I play a different song.

Dahil sa kanya, mas naging interesado pa ako sa discography ni Taylor Swift. Well, her songs are not too bad to listen, just too girlish but lyrically awesome.

Thursday came and we're heading now to Damian University for the rehearsals. It's my first time to enter the school, and of course, may excitement rin akong nararamdaman.

"We're here," sabi ni Dan sabay hinto ng kotse sa may gate. Pinakita niya muna ang pass namin sa guard saka kami nagpark sa loob ng university.

Nagsuot muna kami ng face mask bago lumabas ng kotse para hindi kami maidentify nang mga estudyante rito. We want some peaceful rehearsals here.

The university is quite big. Napakaluwag rin dito, just like ours. Marami ring tao rito ngayon, of course, it's their Foundation Days.

Pumunta kami sa gymnasium kung saan ih-held ang Battle of the Bands. Syempre may rehearsals dito kaya lahat ng contestants lang pwedeng makapasok dito, so we could have our rehearsals privately.

Pagpasok namin ay nakita ko ang mga kalaban namin sa contest. They are probably rehearsing their setlist also.

"Ah excuse me, may I know kung saan kayo na university?" sabi sa amin ng isang babae. I think she's one of the organizers.

"Cailer University, ma'am," sabi ni Marco.

"Please proceed to the registration booth. Thank you," sabi ng organizer sabay turo sa isang table sa tabi.

Laking gulat ko nang makita ko kung sino ang in-charge sa registration table.

"Hello po, please write your names dito sa sheet. Don't worry po, 'di ko po ipagkakalat hihi," sabi ni Claire.

Kuhang-kuha talaga niya yung sense of humor ng kuya niya.

Si Marco na ang nagsulat ng mga pangalan habang ako naman ay nakatutok lang sa kanya. Naiisip ko kasi na tatanungin ko ba sya kung nasaan yung bestfriend niya or may kasama ba siya. Eh baka ma-misunderstand niya.

"Kuya, may problema po ba?" sabi niya sa akin na nagpabalik sa wisyo ko.

"Ah no, nothing. Don't mind me," sabi ko.

Pumunta kami sa stage para mag-sound check kami with our instruments nang tumawa si Nathan sa tabi ko.

"Dude, 'di ko alam nag-iba na pala yung taste mo sa mga babae. Kung makatitig ka do'n sa in-charge eh parang gusto mo siyang uwi sa bahay," sabi niya.

"Shut up! 'Di mo ba alam? That's Gerald's sister and you're talking like that!" sabi ko sa kanya na nagpagulat sa kanilang dalawa.

"Wait, what? That's Gerald's younger sister?!" sabi ni Dan.

"Can we just start our sound check?" singit naman ni Marco.

Nang natapos ang soundcheck namin at nagpicture kaming lahat ng mga contestants. Ipopost raw kasi ng organizers sa FB Page ng university na successful yung rehearsals namin.

Pagkatapos ay nag-ikot-ikot muna kaming apat sa university para maghanap ng makain. Of course, may iba rin akong agenda.

Nakita ko naman si Claire nakatayo sa labas ng isang booth at parang nang-eengganyo ng mga customers.

"Kapuso! Kapamilya! Kapatid! Kaibigan! Alamin ang inyong kapalaran dito sa aming booth! Go guys! Pahula na kayo! Go! Go! Todo na 'to!" sabi niya gamit ang isang megaphone.

"Guys, kita na lang tayo sa kotse," sabi ko sa kanila ko sila iniwan.

Lumapit naman ako sa booth at nakita ko ang placard na may nakalagay na FORTUNE TELLING BOOTH!

"Ay sir! Pasok po kayo dali! Magpahula kayo sa loob!" biglang sabi ni Claire.

Hinila naman noya ako sa loob ng booth at dinala sa isang kwarto. May nakita naman akong mga kamay na nakalabas sa isang butas at nakapatong lang sa table.

"Umupo kayo 'jan, sir! Enjoy!" sabi ni Claire saka ako iniwan.

Inikot ko ang aking paningin nang biglang may nagsalita na galing sa kabilang parte ng kwarto.

"Magandang araw, sir. Pwede ko bang hawakan ang kamay mo para malaman ang iyong kapalaran?" tanong niya.

Nilahad ko naman ang kamay ko sa mga kamay niya at sinimulan niyang himasin 'to. Napakalambot ng mga kamay niya.

"Base sa kamay mo, nakikita ko sa kapalaran mo na mahahanap mo rin ang matagal mo nang hinahanap. Nararamdaman kong nasa malapit lang siya, ayon sa direksyon ng mga linya sa palad.

Kapag nakita mo na siya, huwag mo na siyang pakawalan pa nang hindi ka maunahan. Yan ang kapalaran mo, ginoo," sabi niya.

Hindi naman talaga ako naniniwala sa mga hula-hula pero yung sinabi niya, parang gusto kong paniwalaan.

His Favorite Song (Completed)Where stories live. Discover now