Chapter 34

71 6 0
                                    



Treat You Better
Shawn Mendes
0:34 ──|────── 3:08
|◁          II          ▷|



ELY



My phone suddenly rang in the middle of our conversation. The screen flashed Claire's name, so I immediately grab the phone and excused myself for a minute.

Nagmadali akong tumayo at tumalikod sa table namin ni Paul. I clicked the answer button and a loud voice greeted me.

"Hoy, Ely Sanchez! Buti naman sumagot ka! Kanina pa kita sinusubukang tawagan pero cannot be reached ka bes! Nasa bundok ka ba? Asan ka ba ha—" sabi niya habang nilayo ko konti ang phone mula sa tainga ko.

"Claire, chill ka nga muna. Ayos lang ako. Okay? Nasa isang cafe lang ako outside the city. Mahina lang talaga signal dito," I explained.

"Sino ba kasama mo? Kanina pa tawag ng tawag si Vince sa 'kin. Eh 'di ko naman alam saan ka gumala kaya ayun, nagpapanic na. Parang shunga," she added.

I turned to Paul who's busy looking on his phone. Vince will be mad at me if he finds out I'm with him. "Just tell him I'm with my old friend, okay? Tsaka pakisabi I'm totally fine—" sabi ko pero may narinig akong beep sa phone. Biglang naputol ang tawag.

I was about to call her pero naalala kong wala pala akong load. Mahina pa ang signal dito. I just sighed and went back to my seat.

Napansin ko namang parang disappointed si Paul, pero agad siyang ngumiti nang lumingon siya sa akin. He looks uncomfortable this time. "Ayos ka lang ba, Paul?" I asked.

"No, I'm fine. Don't worry about me," he smiled.

Napansin kong tumila ang ulan sa labas, ngunit dumidilim na rin ang paligid. I checked my wristwatch. It's almost 5pm na pala.

"Shall we go home now?" sabi ko pero tinawanan niya lang ako.

Hinatid niya ako pauwi sa amin. Nang hininto ni Paul ang motor sa tapat ng apartment building, bumaba ako at hinubad ang helmet saka sinauli sa kanya. "Thanks, Paul. Ingat ka sa pag-uwi," sabi ko.

"You're welcome. See you next time," rinig kong sabi niya kahit naka-helmet siya saka niya pinaandar ang motor at umalis.

Umakyat na ako sa building at pumunta sa apartment ko. I was about to open the door nang biglang pumihit ang pinto kaya nagtaka ako. I was sure na na-lock ko ang pinto kanina pag-alis ko. Shemay, nilooban ang apartment ko!

Kaya, agad akong pumasok at binuksan ang ilaw. Sumalubong sa akin ang tahimik na apartment ko nang may narinig akong mahinang ingay malapit sa kwarto ko. Dahan-dahan akong lumapit sa pinanggagalingan ng ingay. Saktong may nadaan akong flower vase sa isang table kaya kinuha ko yun habang lumalapit sa kwarto.

Natigil naman ako nang narinig ko ang yapak niya palapit sa akin. Hinanda ko ang sarili ko para itapon ang vase sa magnanakaw sa mukha.

Nagulat ako nang nagpakita sa harap ko ang magnanakaw kaya iniangat ko ang vase para itapon. "Teka, teka!"

'Di na tuloy ang pagtapon ko nang na-realize ko kung sino ang nasa harap ko. Kaya binaba ko ang vase na hawak ko. "Vince? A-anong ginagawa mo sa apartment ko?"

His Favorite Song (Completed)Where stories live. Discover now