Chapter 16

94 7 0
                                    



Love Story
Taylor Swift
0:36 ─|─────── 3:55
|◁          II          ▷|



ELY



"Uy akala ko magbabanyo ka lang? Ba't iniwan ko mo 'ko do'n sa loob ng Starbucks?"

Kakarating lang namin sa isang mall. Si Kuya Gerald na ang naghatid sa amin. Eh kasi naman, pinagbabantaan ng sariling kapatid kahit na wala siyang mabablack mail sa kanya. Kaya ayun, pinagbigyan na lang yung gusto. Sayang nga lang hindi na niya kami masamahan.

"Akala ko ba gusto mo ng sariling moment kasama yung magaling kong kuya? Kaya, pinagbigyan kita!" sabi niya.

"Psh, ewan ko sa'yo. Tigil-tigilan mo na nga ako sa pang-aasar mo," sabi ko sabay irap.

"Sus, attitude pa pero deep inside, kinikilig."

Sinamahan ko na lang na mag-shopping itong kasama ko. Ewan ko anong nakain nito, ang aga-aga magshopping.

"Buti na lang kasama kita ngayon," sabi niya pagpasok namin sa isang shop.

"Bakit?"

"Tinignan mo nga yang suot mo. Yan rin yung sinuot mo no'ng nag-bar tayo. Alam ko bes, fan ka talaga ni Taylor Swift pero hindi ka ba nagsasawa na halos araw-araw mo na mga tee merch mo?" sabi pa niya.

"Psh, araw-araw ko man, at least nilalabhan ko. Tsaka fave ko 'tong sweater no. Pati rin tong cap ko."

"Magfa-fade talaga yan sa kakasuot nyan. Halika, bilhan rin kita ng bagong damit."

So ayun. Ang ending, pati ako binilhan niya ng damit. Parang napasok na nga namin ang lahat ng clothing stores dito sa mall. Buti na lang marunong mapagod 'tong kasama ko.

"Bes, malapit na palang mag-alas dose. Kain muna tayo," aya niya at papalapit na sana kami sa isang bagong Korean restaurant nang bigla siyang napatigil sa paglalakad.

"Ay, teka muna, antayin mo muna ako sandali," biglang sabi niya sabay bigay sa akin ng mga hawak niyang shopping bag.

"CR muna ako hehe," sabi niya saka kumaripas ng takbo patungo sa CR.

No choice, kaya nag-antay muna ako sa labas ng restaurant. Ginawa pa talaga akong bell boy. Psh.

Habang wala muna si Claire ay kinuha ko yung earphones ko. Hindi kasi ako maka-relate sa pinapatugtog ng mall. Puro senti.

Nasagi naman ng paningin ko ang isang pamilyar na lalaki. Kilalang-kilala ko ang batok na yun, at kay Kuya Gerald yun. Bihis na bihis siya at naglalakad na siya palayo.

Na-curious ako kung saan siya papunta kaya susundan ko na sana kaso may narinig akong sigawan sa loob ng Korean restaurant.

Nakita ko kung paano nagkalat sa sahig ang pagkain ng isang customer at ang lahat ng nasa loob ay napatingin. Naku, mapapakain na lang ata kami sa ibang restaurant nito.

"Oh, anong nangyari dito?" sabi ni Claire na kakabalik lang.

"Nakagulo sa loob kasi nahulog sa sahig yung pagkain ng babae," sabi ko na lang.

"Tara do'n na lang tayo sa kabila. Sa susunod na lang tayo kakain jan," dagdag ko.

Nakarating kami sa isang Japanese restaurant at do'n na kami tumuloy para kumain ng pananghalian.

"Bes, nakita ko pala yung kuya mo kanina. Bihis na bihis tsaka parang nagmamadali," sabi ko saka nilamon ang isang sushi.

"Talaga? Baka sa kakaisip mo sa kanya , nag-iilusyon ka na at pinagkakamalan mo lang na kuya ko yung nakita mo kanina," sabi pa niya.

"Hindi, siya nga. Kilala ko yung batok no'n no!"

"Gano'n ba? Baka bibilhin lang. O di kaya... may ime-meet na ka-date," sabi niya.

May naramdaman naman akong kirot sa dibdib pagkatapos marinig ang sinabi niya. "Ha? Baka naman hindi," sabi ko.

"Uy, naaamoy ko na may nagseselos," asar niya.

"Ako? Selos? Kailan pa? Psh," sabi ko sabay irap.

"Sus, alam ko namang may kumikirot jan sa puso mo. Mashaket ba? Huhu," asar pa niya.

"Ewan ko sa'yo."

Pagkatapos naming mananghalian ay nagdesisyon na kaming umuwi si Claire. Buti natapos na yung shopping galore niya. Hihingi nga sana ako ng suhol sa dahil nagmukha na akong bell boy niya.

"Oy, bes, TS song yung pinapatugtog! Love Story!" biglang sabi ni Claire kaya tinanggal ko ang earphones ko.

"Oo nga, Love Story!"

Napakanta kami habang naglalakad palabas ng mall. Good mood ako saglit dahil sa kanta. Minsanan lang kasi ako makarinig ng mga kanta ni TS sa mall.

"Hey."

Napatigil kami sa paglalakad nang may humarang sa daanan namin.

"Uhm, hello," matipid kong bati.

He was the guy.

The guy I met that night.

The night her girlfriend broke up with her.

We just stared at each other, and I'm not sure why I can't say anything after seeing him again. His almond brown eyes were locked on mine.

"Bes, anjan na si Kuya! Alis na tayo! Mapapagalit niya ako 'pag nakita nya 'tong binili ko!" biglang sabi ni Claire na nagpabalik sa wisyo.

"Ha?--" sabi ko pero hindi na niya ako hinintay pang magsalita pa nang pwersa niya akong hinila.

"Wait!" sabi ng lalaki ngunit huli na nang nakita ko na ang sarili ko na nasa loob na ng isang taxi. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan nang lumayo ang taxi.

"Wew! Muntikan na akong mahuli ni Kuya! Kundi pagagalitan ako no'n 'pag nagkataon. Pero wait, sino yung poging humarang sa atin? Kilala mo?" sabi ni Claire.

"Ha? A-ano, just a stranger, hehe," sabi ko na lang. Of course, he's just a stranger, pero kung makatingin siya sa akin, parang hindi na siya stranger sa akin.

The way he looked at me—may parang sinasabi siya sa akin pero I can't figure it out.

"Bes, 'di ba naka-earphones ka kanina?" tanong ni Claire.

"Oo-- teka, wait..."

Kinapa ko ang mga bulsa ko pero laking gulat ko nang wala akong makitang earphones. Hinanap ko sa bag ko pero wala rin akong mahagilap na kahit anong kulay pink na earphones.

"Bes, balik muna tayo do'n! Please! Favorite ko yun na earphones! Huhu!" mangiyak-iyak kong sabi kay Claire kaya naman sinabihan namin ang manong driver na bumalik sa entrance ng mall, kung saan kami sumakay ng taxi.

Pagkarating namin doon ay agad akong bumaba at hinanap ang earphones ko. Siguradong nahulog ko lang yun nang hilahin ko ni Claire.

Ilang beses akong nagpaikot-ikot sa same area pero wala talaga akong makita na kahit ano. Naiiyak ako, kasi naman regalo sa akin yung ni Mama sa akin. Customized pa naman yun dahil may Taylor Swift pang nakaukit do'n.

"Bes, sorry talaga! Hindi ko sinasadya--"

"No, don't blame yourself. Medyo pabaya rin kasi ako. Siguro may nakapulot na no'n," sabi ko at sumuko na ako sa paghahanap saka bumalik sa taxi.

Matamlay akong pumasok sa apartment ko at ibinagsak ang sarili sa kama. Hindi ko mapigilang mapaiyak dahil nawala na ang pinaka-iingatan kong earphones. Sana naman masauli 'yon sa akin kahit na mukhang imposible na yung mangyari.

May extra pa naman ako, pero fave ko talaga yun eh.

Nasagi naman sa isip ko yung lalaki kanina. Pwedeng siya yung nakakita sa earphones ko. Pero paano? Hindi ko alam anong pangalan niya? Hays.

His Favorite Song (Completed)Where stories live. Discover now