Chapter 2

178 8 0
                                    



Party For One
Carly Rae Jepsen
0:31 ──|────── 3:03
|◁          II          ▷|



ELY



"Ely, hindi ka naman Aegis pero ba't basang-basa ka?!"

Kakarating ko lang sa bar, singhal naman niya yung bubungad sa akin. Sana hindi na lang ako sumunod sa kanya rito. "Eh, hindi ko naman alam na uulan ngayon. Hindi naman ako si Kuya Kim, tsaka hindi rin ako medyo nabasa," sabi ko sa kanya.

"Tumahimik ka na nga, inom na lang tayo. Cheers!" sabi pa niya sabay lapit sa akin ng isang basong beer.

Sinamaan ko lang siya ng tingin saka lang niya narealize yung ibig kong ipahiwatig. "Ay oo nga pala, hindi ka pala umiinom," sabi niya at binawi ang baso.

Mahina ang alcohol tolerance ko at isa pa, may klase pa kami bukas. Ewan ko nga ba, bakit naisipan kong sumunod sa kanya rito. Hindi ko siya matiis eh. Pilit niya talaga ko ipapunta rito. Kung hindi ko lang talaga bestfriend itong si Claire, marahil nasa bahay pa rin ako at nag-aaral.

"Uy bes, may nirequest akong song sa DJ kaya we will own the dance floor tonight!" sabi niya at napangiti kami.

"Taylor Swift ba 'yan?" tanong ko.

"Shunga, Carly Rae Jepsen kasi. Ano sa tingin mo yung gagawin natin, magsesenti?" tugon niya na ikinadismaya ko.

Nakita naman niya yung pagsimangot ko.

"Eto naman oh, 'wag kang mag-aalala. Request tayo T Swift mamaya--"

"Tologo?!"

"Of course naman. Hindi tayo aalis rito hangga't walang TS na song na sasayawin natin. Kahit pa All Too Well pa 'yan, sasayawin natin!" sabi niya na ikinatawa ko lang.

Pareho kasi kaming Swiftie pero ako yung mas die hard fan ni Taylor kaysa sa kanya. Obvious naman sa suot ko.

"Nagsuot ka pa talaga ng TS sweater ha? Tsaka may TS pang sumbrero! Tsaka nagshorts ka pa talaga ha! Alam mo namang talbog na ako sa ganda ng kutis mo, daig mo pa ang tunay na babae!" sabi ni Claire.

Napaka-exaggerated naman niya. Oo nga, napagkamalan na talaga ako na babae most of the time. Ika nga nila, I'm the male version of Snow White, dahil raw sa complexion ko.

I have the looks daw, ika nila pero 'di ako confident sa gantong itsura. I'm aware na dahil sa looks ko, maraming naattract sa akin, mapababae man o lalaki, pero ni isa wala akong ini-entertain. I'm in my 19th year of existence, yet I want to keep myself single until I'm committed enough to enter a romantic relationship.

At isa pa, 5' sirado ung height ko. My biggest insecurity.

Sa ngayon, I want to focus muna sa studies ko, lalo na't nag promise ako sa family ko na gagraduate muna ako bago ako mag-lovelife. Sabi nila, apakaboring ng buhay ko. Well, tatlong bagay lang muna ang nagpapaikot sa mundo ko:

Music.
Studies.
Food.

Pero sa ngayon, party-party muna kami ni Claire dito sa bar. Hindi naman masyadong marami ang tao sa loob ngunit makikita mo rin na iba-iba rin ang trip ng mga customer rito. May nagsasayaw. May naglalandian. May nag-iinuman. May nag-iiyakan.

Nasagi naman sa isip ko yung lalaking katabi ko kanina sa jeep. My intention was not to take advantage, when I accidentally saw yung message sa phone niya.

Nakikipagbreak yung girlfriend sa kanya.

I was about to ignore him pero no'ng umiyak na siya, hindi na ako nakatiis dahil unang-una sa lahat, ayokong may umiiyak sa harap o sa tabi ko. Kapag nagkataon, iiyak rin ako, kahit na ano pa yung iniiyakan ng tao.

So I have to do something na makakagaan sa loob niya.

Pero wala naman akong dalang panyo. Wala na akong ibang maisip kaya kinuha ko yung kabila ng earphones ko at nilagay sa tenga niya when my fave song was about to play.

Tanging nasa isip ko lang, yung earphones ko.

I was hoping na tumahan siya, at yun naman ang nangyari.

When I saw him smiling again, parang gumaan rin ang loob ko. It feels like there was really sparksfly when he smiled as the music plays through my earphones.

I just hope na magkaayos sila ng girlfriend niya.

May tumapik naman sa balikat ko na nagpabalik sa aking wisyo. Nilingon ko ang tumapik and I saw tall guy smiling at me. "Hey, are you alone?" he asked.

Bago pa man ako makasagot ay humila na sa akin patungo sa dance floor. "Ghorl, hindi ko alam na kaya mo na palang makipaglandian habang wala ako," sabi ni Claire habang sumasayaw na sa harap ko.

"Shunga, ni hindi na nga ako nakasagot sa tanong niya dahil hinila mo na ako bigla papunta rito. Kung may maglalandi man, alam mong ikaw iyon!" sabi ko sa kanya.

Pinatugtog na ng DJ yung song na nirequest ni Claire kaya sumasayaw na rin ako. May nakijoin rin sa amin, as usual. Kami kaya minsan yung pasimuno ng paghahataw rito sa bar.

Hindi naman talaga kami marunong ni Claire sumayaw. Sumasabay lang talaga kami sa tugtog kaya kung fave namin yung kanta, talagang hahataw na hahataw kami.

Nasa chorus na ang kanta kaya napakanta na rin kami ni Claire habang sumasayaw.

We yelled every single lyric of the song as we danced the night away until I saw myself with everyone jumping to the beat.

Pagkatapos ng ilang kanta, umuwi na agad kami ni Claire dahil alam namin magsisimula na rin ang mga kababalaghan sa loob at ayaw namin na umuwing lasing. "Bes, una na ako. Ingat ka sa pag-uwi. Hahanapan pa kita ng jowa," paalam niya saka pumasok sa taxi na pinara niya.

"Ikaw rin. Ingat."

Umandar na paalis ang taxi na sinakyan ni Claire kaya nagpara naman ako ulit para sa sasakyan ko.

"Uhm, excuse me," rinig kong sabi sa likuran ko kaya napalingon ako. He's the tall guy again.

"Yes?"

He showed a hanky that seemed familiar to me. "I bet this is from your friend," he said.

Napasinghap na lang ako nang malamang kung kanino yun. Shunga talaga ang babaeng ito! Kung saan-saan na lang iniiwan ang mga gamit niya!

Kinuha ko ang hanky na inabot niya at pinasalamatan siya. "Yes, sa kanya nga 'to. Thank you."

"You're welcome. By the way, I'm Jacob," sabi niya sabay abot ng kanyang kamay.

"Oh, well thank you Jacob," sabi ko saka nakipagkamay sa kanya. "I'm Ely."

"Do you mind if I take you home—"

"No, no. Okay lang ako. Thanks pero kaya ko pang mag-antay ng taxi," agad kong sabi.

Sakto namang may dumaan na taxi kaya agad kong pinara iyon. Huminto naman ang taxi sa harap ko.

"Nice meeting you, Jacob!" sabi ko saka pumasok sa taxi. I gave him a smile before I waved my hand.

"You, too!" he said as he waved his hand too.

I know he's just a stranger that I met inside, but Jacob seems to be kind, so I should treat him the same as well, without putting so much trust.

Nakauwi ako nang mapayapa without disturbing the people behind those doors na dinaan ko bago ako nakarating sa apartment ko. Binuksan ang pinto saka binuksan ang ilaw. Bumungad sa akin ang kwarto kong medyo napuno ng TS posters.

I rented this apartment kasi malapit lang ito sa university na pinapasukan ko. Sophomore na ako, yet I looked like childish with these stuffs inside this room.

Nagbihis muna ako bago pumatong sa malambot na kutson. I realized na maghahating-gabi na pala nang nasagi ng mga mata yung wall clock. Parang lang akong Cinderella na nag-attend ng party saka umalis before mag-12. I just chuckled because of that random thought.

I prayed before I sleep. I should wake up early tomorrow.

His Favorite Song (Completed)Where stories live. Discover now