Chapter 46

33 5 0
                                    



When I See You Smile
Bad English
3:15 ──────|── 4:19
|◁          II          ▷|



ELY



After two weeks of dating with them, I finally made up mind who should I choose between Vince and Paul. Medyo napagod ako kakagala kasama sila pero nag-enjoy naman ako at yung ang mahalaga. Actually, mas nakilala ko pa ang dalawa at mas naging close.

No'ng una, nahirapan ako. Kapag pumili ako, syempre mas masasaktan. Todo effort pa naman silang dalawa sa akin. Buti naman, andyan si Claire. Kahit papaano, naliwanagan ako sa mga advice niya.

Nasa park ulit ako kung saan kami nagkita lahat—kung saan kami gumawa ng deal. Nag-aantay lang ako ng mag-isa sa isang bench. May dala naman akong gift para sa kanya bilang pasasalamat ko sa isang linggo niyang pag-effort na ligawan ako.

Natatawa talaga akong isipin na dalawang lalaki yung naghahabol sa akin. Wala naman talaga sa isip ko na magpaligaw pero napag-isip-isip ko naman na subukan ko namang magkalovelife. Basta, priority ko pa rin yung pag-aaral ko.

Inaamin ko na pogi talaga silang dalawa. Sino bang 'di aayaw sa kanila? Tsaka, mababait pa. Wala naman akong nakikitang ibang intensyon yung dalawa kung 'di ligawan ako.

Ilang minuto lang ay dumating na ang inaantay ko. Bihis na bihis pa talaga siya. Nakokonsensya tuloy ako pero kailangan ko 'tong gawin eh.

Sinalubong ko naman siya at binigyan ng isang yakap. Kita ko kung gaano ka laki ang ngiti niya paglapit niya sa akin. Kinuha ko naman ang paperbag at binigay sa kanya 'yon.

"Para sa'yo 'yan. Kailangan ko rin bumawi sa lahat ng ginawa mo sa akin," sabi ko.

"Wala naman akong ibang hinihingi kung 'di yung sagot mo. So... sinasagot mo na ba ako?" tanong niya sabay ngiti sa akin.

Hinawakan ko ang kamay niya. I cleared up my mind and heaved a sigh before I finally spoke. "I appreciate everything you've done for me. Thank you for making me happy. Thank you for being such a nice friend. Pero, kasi—"

Parang may bumara sa lalamunan ko na pumipigil sa akin na sabihin. Pero, bigla naman niya akong niyakap. "Ssh, it's okay. Sinubukan ko lang naman kung may pag-asa ba ako o wala. Kahit sino man piliin mo sa aming dalawa, okay lang naman sa akin. Kung do'n ka sasaya, susuportahan kita."

Bumitaw ako sa yakap at kaagad kong napansin ang ngiti niya na 'di na katulad kanina—may bahid ng pagkadismaya. "Kung sa kanya ka sasaya, wala na akong magagawa kung 'di maging masaya para sa inyo. Kaya 'wag ka na maging malungkot, ayos ba?"

Tumango na lamang ako. Wala akong masabi sa kanya kasi gulong-gulo talaga ang isip ko. Baka kasi masaktan ko siya. Buti na lang naiintindihan niya kaagad ang gusto kong sabihin sa kanya. "Salamat sa lahat, Vince. 'Di ko man kayang suklian ang pagtingin mo sa akin, promise ko naman na magiging mabuti akong kaibigan sa 'yo."

Sakto naman may dumaan na naglalako ng sorbetes kaya naisip kong ayain siya. "Gusto mo sorbetes? Libre ko."

"De, wag na—"

Hinatak ko siya papunta sa naglalako at bumili ng dalawang sorbetes. Binigay ko ang isa sa kanya saka kami sabay na kumain sa bench kung saan ako nag-antay kanina.

"Gan'to rin tayo dati, 'di ba? Parati mo 'ko nililibre ng sorbetes sa labas ng school tuwing uwian," sabi ko habang inaalala ko ang mga nakagawian namin ni Vince noon.

"Oo, tapos tandang-tanda ko pa kung gaano ka kadumi kapag kumakain ng ice cream."

"Weh, 'di kaya!"

Tumingin naman siya sa akin at biglang akong tinawanan. "Ang dumi mo nga ngayon eh!"

Kaagad ko namang kinuha ang phone ko at humarap sa screen. Totoo nga talagang madumi ako kumain ng sorbetes.

Kukuha na sana ako ng panyo sa bulsa ko nang lumapit si Vince sa'kin at pinahid ang hawak niyang panyo sa bibig ko. Nagkatagpo ang mga mata namin ng ilang saglit, hanggang sa umatras siya at binawi ang panyo. "Ayan, wala ng ice cream sa mukha mo."

"Salamat."

Pagkatapos ng masaya naming kwentuhan ay umalis na kami sa park dahil dumidilim na rin. Ihahatid niya sana ako sa apartment pero nagpaalam ako na may pupuntahan pa ako bago umuwi. Kaya, nauna na siyang umuwi habang pumara ako ng taxi papunta sa isang bar.

Inaaya ko pati si Claire na pumunta para 'di ako mag-isa sa audience mamaya. Nagtext na siya sa akin na ando'n na siya at nag-aantay na sa akin. Basta kapag bar ang usapan, 'di talaga 'to nagpapahuli.

Dumating na ako sa labas ng bar at kaagad ko namang pinakita ang ID ko. Minsan kasi, hinaharangan ako ng mga guard. Kala nila, bata pa ako. Ewan ko talaga, parang gan'to na ata ako kaliit habangbuhay. Wala na ba akong pag-asang tumangkad?

Pagpasok ko ay sinalubong ako ng mga kay raming tao sa loob. Medyo malaki pala ang bar na 'to at first time ko rito. Dito raw kasi magg-gig sila Paul mamaya.

"Bes!" tawag sa akin ni Claire na kaagad kong nakita. "Ang tagal mo naman. Si Vince? Okay na ba siya?"

Nga pala, alam niyang nakipagkita ako kay Vince kanina. Tumango ako. "Mukhang okay naman siya. Pero, alam kong malungkot 'yun kasi si Paul pinili ko at 'di siya."

"Naku, bes. Hayaan mo na. What matters the most, magiging friends pa rin kayo ni Vince at susuportahan ka niya sa naging desisyon mo. Tara, hanap tayo ng mauupuan."

Hinatak naman ako ni Claire sa gitna ng mga tao hanggang sa nakalapit na kami sa mini-stage at nakahanap ng magandang table. Naka-set up na yung mga instruments nila ngunit wala pa sila. Habang nag-aantay ay nag-order kami ng drinks sa waiter.

Maya-maya, may isang grupo na umakyat na stage at pumwesto na. "Magandang gabi sa lahat!" bati ng nasa center hawak ang isang mic. Si Dan ata 'to, kung 'di ako nagkakamali.

Kita ko naman yung isa sa gilid na inaayos ang gitara niya at biglang kumaway sa akin. Napansin niya pala ako dito sa baba.

Sinundot naman ako ng katabi ko sa tagiliran. "Ikaw ha, haba ng buhok mo bes!"

"Tigil ka nga jan!"

Naka-masskara sila ngayon pero kilala ko naman ang bawat isa sa kanila base sa color ng mask nila. Si Dan yung may color red, si Nathan yung may color yellow, si Paul naman yung Blue. Yung isang guitarist naman, Marco ata pangalan niya, color green naman yung mask niya. Sa kanilang apat, siya lang yung 'di ko pa nakakausap ng personal. Siya yung tahimik sa grupo nila pero may oras na 'pag tumitingin siya sa akin, pansin ko na may halong inis eh. Ewan, baka mali lang iniisip ko.

Nagsimula silang magpatugtog at nakijamming kami habang nagpperform sila on-stage. Ang galing-galing nila. 'Di talaga magtataka kung bakit sila nanalo sa Battle of the Bands.

Pagkatapos ng performance nila ay nagparty na sa loob ng bar. Nagpaiwan si Claire kasama sina Dan at Nathan habang lumabas na kami ni Paul. Naglakad-lakad lang kami sa walang katao-katao na kalye habang nilalagpasan ang mga poste ng ilaw.

Bigla naman niyang hinubad ang leather jacket niya at pinasuot sa akin. "Salamat," sabi ko.

Sa totoo lang, 'di ko alam kung saan magsisimula. 'Di ko alam kung anong dapat sabihin. PInagsabihan na ako ni Claire kanina pero parang nakalimutan ko lahat ngayon kasama ko si Paul.

Buti naman, inunahan na niya ako. "So, I assume you na ako ang pinili mo sa 'ming dalawa. Am I right?"

Tamang tango lang ako. Napatawa naman siya, saka huminto sa paglakad. Napahinto rin ako at hinarap siya. Nasa tapat kami ng ilaw at nakatitig lang sa isa't isa.

Unti-unti siyang lumapit sa akin sabay may kinuha sa kanyang bulsa. Kinuha niya ang isang kamay ko at doon niya nilagay sa palad ang isang earpod. "Put it on."

Nilagay ko sa tenga ang airpod saka may tumugtog na kanta. Kinuha niya naman ang dalawang kamay ko at nilapat sa mga balikat niya, saka niya hinawakan ang bewang ko.

Nagsimula naman siyang kumanta kasabay ang kantang pinakikinggan namin, habang unti-unti niya akong sinasayaw sa ilalim ng ilaw. He was singing When I See Your Smile by Bad English. Medyo kinikilig naman ako kaya hindi ako makatitig sa kanya ng diretso.

Maganda rin kasi ang boses niya. I won't deny it. It's one of the reasons kung bakit nahulog ako sa kanya. Napakatalented niya. Mabait pa. Plus points na siguro yung itsura niya. 'Di ko inakala na isasayaw ako ng isang tulad ni John Paul Abellana.

'Di ko naman maiwasang mapangiti at napatawa dahil kinakanta pa rin niya yung pinapakinggan namin na parang dinededicate pa yung kanta mismo sa akin.

Patapos na ang kanta ay niyakap naman ako ni Paul. "I'm glad that I met you, Ely. Isang ngiti mo lang, parang gumagaan na ang pakiramdam ko, simula no'ng gabing nakilala tayong dalawa. I promise, I'll do everything to keep that smile on your face."

Ganito pala feeling na in love. Parang ang saya-saya ko. 'Di ko maexplain ng maayos. Tsaka, 'di ko talaga macontrol yung sarili na 'di kiligin dahil sa kanya eh. Nahuhulog na rin ako sa kanya.

Nasagi naman ng paningin ko ang isang lalaki na nakatingin sa aming gawi pero kaagad naman siyang umalis nang mapansin ko siya.

Pamilyar yung suot niya.

Si Marco ba 'yun?

His Favorite Song (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon