Chapter 43

56 6 0
                                    



I Loved You
Day6
0:48 ─|─────── 3:55
|◁          II          ▷|



ELY



Pagkatapos naming magsimba ay nagtungo kami sa isang restaurant. Pagpasok pa lang namin ay ramdam ko nang mamahalin ang pinuntahan namin, pero mukhang known naman ang place nito dahil medyo marami rin ang kumakain dito.

Umupo kami sa vacant table for two. Bago pa ako makaupo ay inunahan ako ni Vince na igalaw ang upuan paatras kaya napaupo na ako saka niya iginalaw paurong.

Tumingin naman ako sa menu na nasa table, at tama nga ang hinala ko. Medyo mamahalin nga ang mga pagkain dito, pati rin ang drinks.

"Are you sure about this place, Vince? Parang ang mahal naman dito—"

He interrupted me. "Don't worry about that. Just order whatever you want. Hindi naman kita dadalhin dito kung hindi ako sure," sabi niya at nginitian pa ako.

Nakalimutan ko atang yayamanin pala 'tong kasama ko— este, kadate ko ngayon, but I won't take advantage naman no. Mag-oorder na lang ako ng kaya kong ubusin.

After we ordered, we had a small talk. We just reminiscing the moments that we have shared when we were still teenagers, particularly in high school. Nagkaroon kami ng tawanan hanggang sa dumating na ang inorder namin sa mesa. We still talked while enjoying the food.

From that moment, I've seen a little bit of young Vince but most of the times, he acts more mature than he was before. Mas gentleman na siya compared sa dating siya na nakilala ko.

Nagkaramdam ako ng saya sa oras na 'yon dahil sa pag-uusap namin pero nakaramdam ako ng kaunting pangamba dahil sa tingin na tinatapon sa amin ng mga customer sa amin. Siguro hindi lang nahalata ni Vince pero pasimple lang akong binabaling ang tingin ko sa paligid.

Kasabay no'n ang pagsagi ng isip ko sa narinig ko do'n sa simbahan. Nakaramdam ulit ako ng pagkadismaya dahil sa naalala ko.

"Ang lakas naman ng loob nilang humarap sa Diyos kung nakikipagrelasyon pa rin sa kapwa-kasarian..."

I was caught in a trance while staring at my plate not until Vince called my name. "Ely, is there something wrong? You look worried," he said.

I was about to answer when he sighed and leaned towards the table. "Is this still about what you've heard earlier in the church?"

"Naah, let's just forget about it," I tried to smile and then took a sip from my drink.

After our dinner, Vince drove me home. I don't know pero hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang bagay na 'yon na narinig ko sa simbahan. Naging tahimik na rin ako at mukhang ayaw na ring makipag-usap sa akin ni Vince habang nagmamaneho siya.

When we arrived at my place, I opened the car door just before Vince could open it for me. Nagkasalubong na lang kami sa labas ng kotse niya. "Thank you for this day, Vince. I really appreciate your effort on our first... date... especially your hair. I know that you don't really like to expose your forehead pero ginawa mo pa rin and I really appreciate that."

"Did you enjoy? I'm really sorry, mukhang epic failed yata ang first date natin," sabi niya.

"No, it wasn't. Nakita ko naman na nag-effort ka talaga dito. Ako dapat ang mag-sorry dito, kasi parang ako kasi ang sumira. It wasn't my intention to ruin it, it's just that I was kinda distracted sa... narinig ko doon sa church," pag-aamin ko.

I was looking down at the ground when he touched my chin and lifted it slowly so our eyes could meet again. "Loving you was never a mistake, Ely. Hindi ko ikakahiyang iharap kita sa mga tao at kay Lord. Kahit pa sa paningin nila, mali ang makipagrelasyon sa same-sex, tandaan mo, sa paningin lang nila 'yon at hindi kay Lord. They don't have the right to judge us nang dahil lang I chose to date you in front of their eyes. Okay?"

Parang akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko sa kanya. Malamig pa naman ang hangin dito sa labas ng building.

I never thought Vince would speak about that, with courage.

For the second time, I just felt that I will be safe when I'll be with him. The last time that I felt this feeling was when he told me before that he will stay at my side no matter what would happen.

I know, it ended up thinking all of it was a mistake, but this time, I can feel that there's nothing holding him back when he spoke. I can feel his courage now...

...even if today was just our first date.

I just walked towards him and hugged him after hearing those kinds of words. He wrapped his arms around me when my little tears start falling from my eyes.

"Thank you for being there, Vince..."

Marahan niya akong tinatahan nang nagsalita ulit siya. "So, ako na ba ang pipiliin mo?"

Napahampas naman ako sa dibdib niya at napatawa. Bumitaw na ako sa yakap at tinignan siya. "Baliw, first date pa lang natin, 'yan na iniisip mo."

Parehas kaming natawa.

"I'm willing to wait for your answer, Mister Sanchez," sabi niya at nakita kong kinindatan pa niya ako.

"Uwi ka na. Masyado ka ng corny," pangtataboy ko sa kanya.

"Ingat ka sa pagdrive."

Sumakay na siya sa kotse niya. Nakita ko pang kumaway bago niya pinaandar ang kotse niya saka lumabas sa lugar.

Umakyat na ako sa building at pumunta sa apartment ko. Habang naglalakad ako sa hagdanan ay bigla na lang namatay ang kuryente sa buong building. Narinig ko pa ang hiyawan ng mga nakatira dito dahil sa nangyari.

Sinubukan ko namang hanapin ang phone ko sa bag ko nang nakaramdam ako ng tao sa paligid. Ako lang mag-isa ngayon sa hagdan at wala akong natatandaang may nakasalubong ako.

"Sino 'yan—"

Nanlamig ang aking katawan nang may nagsandal sa akin sa pader. Sobra ang kabang nararamdaman ko at mas lalo lang akong kinabahan ng naramdaman ko ang paghinga ng sumandal sa akin.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla na lang may idiniin sa may noo ko at saka ko lang na-realize na hinahalikan na pala ako.

Parang lang ako naestatwa sa pader saglit, at bago ko pang magawang pumalag ay bigla na siyang umalis sa harap ko. Bumalik naman ang kuryente sa building kaya nagliwanag na ang paligid. Huli na nang wala na ang taong sumandal sa akin sa pader.

Napansin ko namang may isang bagay na naiwan sa baitang ng hagdan. Kinuha ko yun saka bumaba upang subukang sundan ang may-ari nito.

Wala na akong nakita bukod sa mga ibang tao na papasok pa lang sa building.

Shemay, na naman?!

His Favorite Song (Completed)Where stories live. Discover now