Chapter 27

77 6 0
                                    



Shades On
The Vamps
0:43 ──|────── 3:06
|◁          II          ▷|



PAUL



Just after I charged my phone, saktong kumalam naman ang tyan ko kaya agad akong pumunta sa kusina ng makakain. Nadaan ko naman ang calendar na nakasabit sa pader.

I saw a circle mark around 16th day of March, which is today. I realize na ngayon pala ang birthday ni Chesca.

Bago kami nagbreak-up, plano ko sana siyang isurprise at dalhin sa Tagaytay. Things have changed, but I just wished her a happy birthday today.

May narinig naman akong mga katok sa pintuan. I'm not expecting any friend today, kaya minabuti kong binuksan ang pinto. "Hey Paul. Kanina ka pa namin tinatawagan. Tara, beach tayo!" salubong sa akin ni Dan.

"For what?" I asked.

"We won last night, di ba? So, we deserve a beach party!"

Napansin ko namang nakabeach attire talaga silang dalawa ni Nathan. So they are planning to go to beach today. Napansin kong hindi nila kasama si Marco. "Nasaan naman si Marco?" tanong ko.

"Andun sa resort! Inuunahan na nga niya tayo!"

Nag-impake ako ng mga gamit good for 2 days. Mag-oovernight kami sa isang resort at do'n kami magpparty. Sa wakas, makakarelax na rin kami after rehearsing for a week.

Kanya-kanya kami ngayon ng sasakyan papunta sa resort kaya gagamitin ko yung motor ko. Actually I'm giving it a name, at tatawagin ko 'tong Bucky.

"Kita kits na lang tayo do'n sa resort!" sabi ko nang inunahan ko na sila sa pagsakay.

Halos isang oras ang biyahe bago ako nakarating sa mismong lugar. Sinalubong naman ako ng guard na agad akong pinapapasok. Dala ang bag ko, pumunta ako sa front desk at may sumalubong naman sa akin na magandang babae. I asked for the reservation, at itinuro naman sa akin ang magiging room ko.

Just right after I opened the door, nakita ko namang lumabas sa katapat na room yung kanina ko pa hinahanap. "Hey, Mako!" bati ko kay Marco.

"Nakarating ka na pala. Saan na yung dalawa?" tanong niya.

"Darating na yun in five minutes. Just wait," sabi ko saka tuluyang pumasok sa room ko.

Nagpalit muna ako ng beach attire saka lumabas sa room. Saktong dumating na rin sina Dan at Nathan kaya dumiretso na kami sa naghihintay sa amin na dagat.

I just wore a white sando and shorts with a hat on my head and shades on, just like the other three. Napahinto kami sa silong ng puno sabay nilanghap ang sariwang hangin.

"Medyo matagal na nga tayong nakapunta ng beach no?" sabi ko at nilibot ang paningin sa lugar.

"Yup, it's the perfect to relax! Am I right?" sabi naman ni Dan saka kami kumaripas ng takbo patungo sa dagat.

Iba't iba ang gimik ng mga tao ngayon sa resort. Maganda ang alon ngayon sa dagat kaya nags-surfing, may nagj-jet ski, at may nagb-beach volleyball din.

Of course, di mawawala sa paningin namin ang mga naka-bikini na chics na naglalakad dito. We were busy swimming, pero everytime na may dumadaan, naagawa yung atensyon namin.

Napansin kong may mataong cottage do'n sa may unahan. Parang may party yata do'n.

"Paul! Wanna surf?" rinig kong sigaw ni Dan na bumalik sa seashore at may hawak nang surfboard.

Kaya naman, lumangoy ako pabalik at kuha rin ng surfboard. Dan and I are both good in surfing, kaya hindi pwede hahayaan ko na lang siyang magpasikat nang mag-isa dito sa beach. While nagsusurf kami ni Dan, natanaw ko naman ang dalawa na nagj-jet ski. We already knew that they can't join us on surfing.

Pagkatapos ng surfing namin, nagdesisyon naman kaming bumalik sa rooms namin at kumain sa mini restaurant do'n. Nagugutom na rin kasi kami sa kakaenjoy sa kanya-kanyang gimik namin.

We were on our way nang may naramdaman akong may naapakan ako. Tinignan ko kung ano 'yun, just to find out that it was a f*cking poop.

"Oh sh*t!"

Napalingon naman sa akin ang tatlo, at mukhang nakita rin nila ang naapakan ko.

"Takte, dumi ba 'yan? Dude, don't dare to come inside to your room na may tae sa sandal mo. That's gross," sabi ni Nathan at kita ko kung pa'no siya mandiri, eh ako naman itong nakaapak.

"Yeah. Well, I just have to go to the nearest CR to wash off this sh*t," paalam ko sa kanila saka ako tumatakbo patungo sa CR.

Hindi ako makalakad ng maayos dahil sa tae na nasa sandal ko, kaya ang tingin naman sa akin ng mga nadadaan ko ay parang disabled ako. Psh. Buti na lang nakarating ako sa banyo.

Agad ko namang binuksan ang gripo at tinapat ang paa kong nakaapak ng tae. Bakit naman kasi may tae sa ganitong resort? Psh, hindi na talaga ako babalik dito, and I will give them a zero star for their service.

Nang siniguro kong malinis na talaga ang sandal ko, sinara ko na ang gripo at lumabas. Hanggang sa paglabas ko, hindi ko maalis ang paningin ko sa daan. Baka kasi may maapakan na naman ako. Pucha na.

Bigla namang may bumunggo sa braso.

"Sorry, pre," sabi niya saka nagtungo sa banyo na pinuntahan ko.

Nakaapak rin siguro yun dahil ang bilis niyang tumakbo papunta dun. Psh, pakalat nga talaga ang mga dumi dito.

Halos malapit na akong makarating sa room ko nang napansin kong wala na yung relo sa wrist ko. Bigay yun sa 'kin ni Mom, kaya may value yun.

Agad namang akong naglakad pabalik patungo sa CR. Baka kasi naiwan ko do'n.

Pagkarating ko, nilapitan ko agad yung cubicle kung saan ako pumasok, pero nakalock. Baka may tao.

"Ah, excuse me, may relo po ba 'jan? Naiwan ko kasi sa loob. Pakibigay na lang sa akin," sabi ko sabay katok sa pintuan.

"Tulon--"

Nagulat ako sa narinig ko. Baka mali lang yung narinig ko, pero yung gut ko, may nararamdama ring mali.

"Hello, may tao ba 'jan?" sabi ko pa.

Narinig naman ako ng ingay at this time, may humampas sa pintuan mula sa loob. May mali nga sa loob.

"Buksan mo ang pinto!" sabi ko.

Binundol ko ang sarili ko sa pintuan, pero ayaw pa ring mabuksan kaya sinipa ko ng sinipa hanggang sa tuluyan siyang nabuksan.

Nagulat ako sa nakita ko sa loob. Isang lalaki ang nakasandal sa pader habang hawak siya ng isa pang lalaki. Mas nagulat ako ng malaman kung sino yung nakasandal.

"Ely?!"

His Favorite Song (Completed)Where stories live. Discover now