Chapter 17

85 7 0
                                    



Million Ways
HRVY
1:15 ────|──── 2:49
|◁          II          ▷|



PAUL



"Dude, sorry kung nasira namin ang araw mo. Bawi na lang kami next time," sabi ni Dan sa kabilang linya. Nasa bahay na kasi ako, nagpapahinga, pagkatapos ng gala namin sa city mall.

"Its okay. You've done too much. You guys are still the best!" sabi ko.

"Okay. Just take a rest. Happy birthday!" sabi niya.

"Thanks!" sabi ko saka binaba ang tawag at huminga nang malalim.

Today was a mess, yet I'm still smiling here on my bed. I met her again, the one I had that night, pero wrong timing nga naman. Bigla lang siyang nawala sa harap ko sa isang iglap.

I don't know pero parang hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko no'ng tumakbo sila. Pati yung dila ko, parang pinipigilan akong magsalita. I was completely speechless.

I was about to ask her name pero natulala lang ako. So stupid.

Back at the mall, I quickly lost my hope na makita siya ulit nang may nangyari kanina sa Korean restaurant. Hindi ko in-expect na makakagawa ako ng gulo, at mas hindi ko in-expect na makikita ko ulit si Chesca.

"Sorry? Psh, pati pa naman dito John Paul, mag-eeskandalo ka? Palibhasa kasi, wala ka nang ibang magawa kundi maghihingi ng sorry noon!" That's what Chesca said, and the crowd inside the room started to mumble.

I apologized to her and the crew, paid for the damage, and left the restaurant. Hindi ko gusto na lumaki pa ang gulo. Hindi ko na rin hinintay pa ang tatlo at sinubukan hanapin ang babae.

Halos inikot ko na ang buong mall pero hindi ko na mahagilap pa. Kaya, sumuko na lang ako. Sobrang laki ng mall, baka abutan pa ako ng gabi kung lilibutin ko pa 'to at wala pang kasiguraduhan na mahahanap ko siya.

Nagdesisyon akong tawagan ang tatlo at sabihan na nasa entrance/exit lang ako.

Naghintay ako ng ilang saglit nang may lumabas na dalawang maingay na kumakanta kasabay ng tugtog ng mall.

Do'n ay nakita ko siya ulit. Parang akong na-estatwa nang makita ko siya. They were walking upon me, and my eyes immediately locked on her. Parang nabuhayan ulit ako ng loob. And, she wore exactly the same clothes that he wore that night. Sigurado akong siya na 'yon.

Buti na lang, naharangan ko agad siya. Do'n, parang barado talaga lalamunan ko sa oras na 'yon. Nagkatitigan lang kaming dalawa.

Yun nga lang ay bigla na lang silang tumakbo at sumakay ng taxi, without letting me asking for her name.

Umalis man sila ay may nakita naman akong pamilyar na bagay na mukhang nahulog sa sahig. Isang earphones na kulay baby blue.

Naghintay naman ako ng ilang saglit pero naabutan na ako ng mga kaibigan ko kaya dinala ko na lang ang earphones hanggang sa pag-uwi namin.

Hawak-hawak ko nga ang earphones ngayon. Napansin ko naman na may nakaukit dito at ang sabi ay TAYLOR SWIFT. Sa kabila naman ay may nakaukit na ES.

Siguro initials niya 'tong ES.

Kinabit ko ang earphones sa phone ko at may naramdaman akong kakaiba. The same feeling I felt no'ng una ko siyang nakilala.

Nilagay ko sa tenga ang earbud at nagpatugtog ng ilang kanta. I was surprised dahil napakaganda ng tunog sa earphones, better than the normal ones.

I played the same song that I heard that night, and it gave me chills.

There, I imagined myself sitting beside her in the same jeep we rode that night. I kinda wish I was sharing earphones with her now, but how am I supposed to give it back to her when I don't really know her? I don't have any idea. Siguro babalik ako bukas?

Psh. Ang importante, may rason na ako para makita siya ulit: ang isauli ang kanyang earphones.

Wew, this year's birthday went horrible, and at the same time, satisfying. I was kinda satisfied to see her again.

Her eyes. Damn, her innocent eyes behind her eyeglasses are kinda turning me on! Those eyes were saying something, but I can't figure it out!

Her eyes, her lips, and her charm, thinking it all at once makes me happy. I giggled. I realized that thinking about her is actually driving me crazy.

Napapikit na ako sa antok nang may na-receive akong message.


From: Chesca
Paul, I'm sorry. Alam kong 'di mo yun sinasadya. Happy birthday.


Parang akong nainis saglit. Kanina lang, parang ipagsabi niya sa mundo na sinadya ko siyang banggain kanina tapos ngayon, magso-sorry siya? Anong pinagsasabi nito?

Psh, hindi ko na ni-replyan si Chesca. She'd better chat with her new bf, not me. There's no reason to talk with her anymore.

Naka-receive na naman ako ng notif pero galing sa IG kaya binuksan ko.


Daniel Fabregas tagged you and 2 others.


I just saw a picture of us while we were in the mall. Maraming nag-greet sa akin sa comment section, at umabot na agad ng 1K reacts ang post. The power of me.

Nag-iwan muna ako ng comment bago umalis sa post at nag-scroll. I just ignored the DM button. Ang alam ko, tadtad 'to ng DMs galing sa mga hindi ko kakilala. They admire me so much, but I can't entertain each one of them. Kaya nga, minsan lang ako nag-oopen ng social media accounts ko.

Sa pagscroll ko ay may nakita akong post ni Gerald na may kasamang babae.


A day with my little sis. 🤣


Eto pala ang kapatid ni Gerald but wait, she looks familiar. Parang nakita ko na siya kanina kaya pilit kong inalala...

"Bes, anjan na si Kuya! Alis na tayo! Mapapagalit niya ako 'pag nakita nya 'tong binili ko!"

I knew it! Siya ang kasama niya kanina! Wow, what a small world!

I heard her calling the girl 'bes'. That means, bestfriend siya ng kapatid ni Gerald. So siya nga talaga ang nakita ko kanina sa Starbucks no'ng nagkita kami ni Gerald do'n!

I tried to stalk his sister's account. Baka may makita akong picture niya do'n. Pero nahirapan ako dahil hindi naka-tag sa post ang account ng sister niya.

Hindi naman nagtagal ay nahanap ko rin ang account niya. Everything was fine not until the screen says my internet connection is poor.

Pucha naman oh! Palagi na lang talaga ganito yung internet ng Pinas!

Naghanap ako ng signal sa loob ng apartment. Mas minalas naman ako nang biglang namatay ang phone ko. Sinubukan kong i-on pero na-lowbatt na pala.

Pucha talaga.

Sa sobra kong inis ay napasapo na lang ako sa sentido ko at umupo sa kama.

Bukas na bukas, malalaman ko rin ang pangalan mo. Makikilala rin kita sa susunod nating pagkikita.

His Favorite Song (Completed)Where stories live. Discover now