Chapter 30

76 6 0
                                    



Woke Up Late (ft. Hailee Steinfeld)
Drax Project
1:55 ──|────── 3:01
|◁          II          ▷|



ELY



Nagising na ako bandang 10AM dahil napuyat ako sa kakaisip sa nangyari kahapon. Hindi pa maganda yung panaginip ko kagabi, buti na lang hindi ko masyadong iniisip pa 'yon. Kailangan ko na lang siguro mag-ingat. No'ng una, may biglang humalik sa akin tas ngayon, pinagtripan ako sa party.

Nakarinig na naman ako ng kabog sa pintuan kaya agad akong pumunta do'n. Bago ko pa mapihit ang pinto ay kusa naman itong bumukas at tinamaan ako sa noo, kaya bumagsak ako sa sahig. "Ely-- My gosh, Ely, napano ka?" bungad sa 'kin ng magaling kong bestfriend.

"Nabundol ako sa pinto pagkabukas mo-- aray!"

Nagpadeliver si Claire ng food kaya kasalukuyan kaming kumakain ng almusal sa kusina. Kakatapos ko lang din gamutin yung natamo kong bukol kanina. "Sinabi pala sa akin ni Vince yung nangyari kahapon sa party. Kaya ako naparito para kamustahin ka," sabi ni Claire.

"Okay na ako. 'Wag nyo na ako alalahanin--"

"No, Ely. Ngayong may nangyari na sa'yo sa labas, mas lalong dumagdag yung alala ko sa'yo. You should know na hindi lang talaga mga babae ang hinaharass these days, but also men," sabi pa niya.

"Pagkatapos ngang sinabi ni Vince ang lahat, pinagalitan ko nga siya dahil pinabayaan ka niya. Eh kung sinamaan ng lalaking 'yon, wala na sanang--"

"Claire, no more blame games please? Walang may gusto sa nangyari. Besides, nireport na sa police yung gumawa no'n sa akin. Nothing's to worry about," I said as I smiled at her to show that I'm fine now.

"Tsaka please lang, 'wag mo na 'to sabihin nila Mama at Papa ha? Mas lalong mag-aalala yun sa akin at baka ipapauwi pa nila sa dis oras," dagdag ko pa.

Alam kong sa oras na malaman ng pamilya ko yun, magpapanik yun kaya hangga't maaari, wala munang makakaalam nito. Ayaw kong mabahala pa sila sa akin habang nag-aaral ako rito.

"Nga pala, sabi rin ni Vince may nagligtas raw sa'yo do'n. Kilala mo ba?" tanong pa niya.

Nasagi ulit sa isip ko yung iniligtas ako ni Paul. Saka ko lang na-realize, nakayakap ako sa kanya habang topless siya-- Shemay!

"Oh ba't namumula ka dyan? Kinikilig ka ba?" sabi ni Claire na nagpanumbalik sa wisyo ko.

"A-ah ano, wala, medyo naiinitan lang ako hehe," palusot ko.

Shemay, ramdam ko pa yung abs--

"Urk--"

"Ely!"

Agad naman akong inabutan ni Claire ng isang baso ng tubig nang bigla akong nabulunan. Shemay, kahit na kumakain ako, kung anu-ano na pumapasok sa isip ko.

"Hinay-hinay ka naman! Alam ko namang gutom ka pero dahan-dahan sa paglamon. Akala ko napa'no ka na," sabi pa niya habang hinahagod niya ang likod ko.

Ngayong napaisip ako kay Paul, what if magbigay ako ng something sa kanya bilang pasasalamat? Gusto ko magpasalamat kay Paul sa personal pero hindi ko naman alam kung saan siya nakatira. 

Si Nathan. Tama si Nathan. I have to contact him. I think he knows where Paul lives.

"Uhm Claire, may lakad ka pa ba? Kase mamaya may pupuntahan kase ako eh," tanong ko.

"Saan ka naman gagala aber? May nangyari na nga sa'yo kahapon, gagala ka pa. Sasamahan na lang kita--"

"Claire, I know you are still worried about me pero trust me, I can do this on my own, okay? I can handle myself," sabi ko.

"Psh, okay. Basta promise me, mag-iingat ka ha?"

"I promise."

Before she decided to leave, she gave me a warm hug. I'm so lucky to have a bestfriend like her. Kahit na minsan, parang baliw eh yung concern naman niya sa akin ay higit pa sa iniisip ko.

Nang umalis na siya, dali-dali ko namang hinanap yung profile ni Nathan saka nagsend ng friend request. Hiniling ko na sana i-aaccept niya ang request ko pero lumipas na ang higit isang oras ay wala pa ring nangyayari.

Pumunta na lang ako sa chat box at nag leave ng message sa kanya. Sana naman mabasa niya.

Hi Nathan. It's me, Ely.

Online naman siya pero lumipas na naman ang halos kalahating oras, hindi pa rin niya nababasa. Napaisip ako kung ano bang ginagawa niya ngayon.

Hindi naman nagtagal ay naka-receive ako ng notif galing sa messenger.

Hey yow

Psh, ganito ba talaga siya mag-reply? Parang ang layo sa mukha niya.

Ikaw ba talaga yan?

Oo naman sino ba inaakala mo Daniel Padilla? Ako lang to Ely

Shemay, unang convo pa lang namin, parang ang hangin na niya. Hays, hindi na lang kaya ako tutuloy? Nasisira na mood ko sa kanya.

Friends kayo ni John Paul di ba?

Yes?

Okay, so legit nga na magkaibigan sila.

Can I ask for his address? May iibigay kasi ako sa kanya mamaya

Ano yan? May balak ka sigurong masama no?!

Shemay, ano bang tumatakbo sa isip ng isang 'to? May iibigay lang may masama na balak gawin.

Don't get me wrong pls. Besides, may pag-uusapan lang kami sandali. Can you?

No.

What? Ayaw niya ibigay sa akin ang address? Psh, naasar na talaga ako sa kanya ha.

Please? I'm begging you :(

Ok, in one condition...

Shuta, may pa-kondisyon pa siya eh manghihingi lang naman ako ng address ng kaibigan niya.

Have a date with me.

Nanlaki bigla ang mga mata ko sa nabasa ko. What?! Nababaliw na ba siya?

Ano? Me? Date? Hindi ako papayag no.

Edi wala kang address na matatanggap ngayong araw.

Wow, how great he is. He's putting me in this kind of situation when it's not necessary at all. Psh. But, I badly need to know Paul's address. At isa pa, hindi ko pa kilala yung dalawa pa niyang kaibigan except sa baliw na kausap ko ngayon.

I was about to type something against him, but I end up agreeing with his deal.

Fine. A date with you in exchange of his address.

Ok :)

Shemay, pagkatapos no'n ay binigay na agad sa akin ang address ni Paul. Medyo malayo pero gusto ko siyang makausap ngayon.

Nagbihis ako saka umalis ng apartment para bumili ng pwedeng ibigay sa kanya. Pumunta ako sa isang mall at naghanap ng mabibilhin. Since hindi ko alam kung anong gusto niya ay namili na lang ako ng isang bagay na sana magustuhan niya.

Nang nakahanap na ako ay dumiretso na ako sa terminal kung saan naka-abang ang jeep para sa lugar ni Paul. Sana naman maabutan ko pa siya doon. Baka may lakad pa yun.

His Favorite Song (Completed)Where stories live. Discover now