Chapter 32

85 8 0
                                    



Kinda Crazy
Selena Gomez
0:33 ─|─────── 3:32
|◁          II          ▷|



ELY



All this time, akala niya rin babae ako? He just stared at me after asking if I am a BOY. Sobrang awkward.

Unti-unti siyang lumapit sa akin habang tinititigan pa rin niya ako. I looked away from him just not to get caught by his eyes. "Is there anything you'd like to ask?" I said just to break the silence between us.

"Why are you here?"

Napatingin ulit ako sa kanya pero sa sobrang lapit niya ay iniwasan ko ulit siya ng tingin.

"Uhm, g-gusto kasing magpasalamat sa'yo dahil sa ginawa mo no'ng birthday ni Ate Chesca. 'Di ko kasi inexpect na may mangyayari pala sa akin, buti na lang dumating ka. Yun nga lang, 'di ko alam kung ano yung gusto mo kaya sweater na lang yung naisip kong ibigay sa'yo," sabi ko.

Umatras naman siya pero ayaw niya pa rin ialis ang tingin niya sa akin. "Okay..."

Nakahinga naman ako ng maluwa--

"...Pero I don't accept gifts if you're thanking me for what I've done."

Napalingon ako dahil sa sinabi niya. "Kung gano'n, pa'no kita pasasalamatan?" tanong ko.

"Let's go on a date... today."

Wait, tama ba ang narinig ko? Date? Hindi ko alam ano yung irereact ko sa sinabi ko not until may sinabi ulit siya.

"Com'on, just a friendly date," sabi niya.

Wala akong choice kundi sumunod na lang sa gusto niya. Magpapasalamat nga lang ako, aayain pa ako ng date. Hays.

Nasa sala ako habang inaantay siyang magbihis sa kanyang kwarto. Nilibot ko naman ang aking tingin sa kanyang apartment.

Medyo malaki nga ang apartment niya kaysa sa akin. Siguro mahal rin ang renta dito.

"You ready?" rinig kong boses mula sa kwarto at nakita kong lumabas na pala si Paul.

He's just wearing a black leather jacket over a simple white shirt with tattered black jeans, kaya mas naging gwapo siya sa paningin k-- jeez, ano ba 'tong sinasabi ko?

"May bayad nga pala 'pag titig sa akin," sabi pa niya na nagpabalik sa ulirat ko.

"H-hindi ako nakatitig sa'yo no!"

Sabay kaming lumabas sa apartment niya. Akala ko papara kami ng taxi sa labas kaya naglakad ako palabas ng gate.

"Oh sa'n ka naman pupunta?" tanong ni Paul habang nakasakay sa isang motorcycle.

"Akala ko kasi papara lang tayo ng taxi--"

"Teka, 'jan ka lang muna. May kukunin lang ako saglit sa labas," sabi niya at umalis sa motor niya saka naglakad palabas ng gate.

Nakita kong may nag-aabang na isang lalaki sa labas na may hawak na box, at ibinigay niya ang box kay Paul. Lumapit naman si Paul habang hawak niya ang box.

"Ano 'yan?" tanong ko pero he just smiled at me saka binuksan ang box.

"Wala kasi akong extrang helmet kaya nagpabili ako habang nasa kwarto pa ako kanina. You're lucky dahil ikaw ang unang gagamit nito," sabi niya at inilabas ang isang helmet na kulay black.

Inabot niya sa akin ang helmet kaya isinuot ko. Sumakay naman siya sa kanyang motor.

"By the way, this is Bucky. Dito tayo sasakay ngayon. Siguro naman, nakasakay ka na sa motor," sabi niya ngunit kinabahan lang ako dahil sa kanya.

"Actually... hindi pa."

Napansin niyang hindi pa ako humahakbang palapit sa motor niya kaya lalapit na sana ako kaso mas kinabahan pa ako. First time ko talaga kasi ito eh. Nasanay kasi ako sa kotse at jeep lang sumasakay.

"So it's your first time. Siguro nga. Hindi ka rin nga marunong maglock ng chinstrap," he just giggled saka nilapit ang mga kamay niya sa bandang panga ko at may kinabit na strap.

"Don't worry, hindi kita pababayaan," sabi pa niya.

Huminga ako ng malalim saka nagdesisyong sumakay rin kay "Bucky". Sana naman, walang mangyayaring masama sa amin.

Bago pa niya pinatakbo si Bucky ay kinuha niya ang mga kamay ko at nilagay sa tyan niya. "Kumapit ka sa akin," sabi niya sabay patakbo ng motor.

No'ng una napapikit ako dahil bilis ng pagpapatakbo niya at hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matatakot. Mas hinigpit ko na lang ang kapit ko sa kanya kung saka-sakaling mahuhulog ako.

Pagkatapos ng ilang minuto, naramdaman kong unti-unting bumabagal ang takbo ng motor saka huminto. Hanggang ngayon ay hindi ako dumidilat dahil sa takot.

"Ely, pwede bumitaw ka na sa abs ko? Parang ang sakit na kase eh," rinig kong sabi ni Paul kaya napabitaw na ako sa kanya at agad na bumaba sa motor.

"Sorry, sorry talaga. Hindi ko kasi inexpect na ang bilis mong magmaneho kaya napakapit ako nang mahigpit," sabi ko habang hinihimas pa rin niya ang tyan niya.

"Ah, Paul, patulong naman kung pa'no 'to aalisin," sabi ko pa dahil hindi ako marunong i-unbuckle ang helmet.

Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon. Nasa tabi kami ng isang highway kung saan may isang food café na nasa harapan lang namin. "Ayaw mo bang pumasok?" sabi pa ni Paul na nakatayo na pala sa entrance.

"Papasok na po," sabi ko saka ako sumunod sa kanya papasok sa café. Maluwag pala rito sa loob at medyo konti lang ang customers.

Bigla namang bumuhos ang ulan sa labas. Tamang-tama lang pala ang dating namin dito. Sabay kaming pumunta sa counter para mag-order. Sinalubong naman kami ng isang babae sa counter.

"Anong gusto mo?" tanong niya sa akin.

"Ikaw?"

"Ako? Sana sinabi mo na lang kanina na ako pala gusto mo para hindi na tayo umalis pa sa apartment ko," sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko.

Shemay, nakakahiya! Nasa harap pa naman namin yung babae sa counter, at tumawa pa!

"Just kidding," sabi pa ni Paul.

"You look good together, sir and ma'am," sabi naman ng babae na mukhang kanina pa nag-aantay pa sa order namin.

"Bagay ba kami, Miss?" tanong pa ni Paul sa babae na ikinigulat ko.

Shemay, ano bang iniisip nito?

Bago pa man makasagot ang babae ay sinabi ko na ang order ko sa kanya.

"Ah Miss, isang hot choco and a slice of cheesecake lang po yung akin. Thank you," sabi ko sabay kuha ng wallet ko sa bulsa ko.

"Mine is latte and a slice of cheesecake also," rinig kong sabi ni Paul ngunit paglingon ko ay nag-abot na siya ng pera sa counter.

"It's my treat by the way," sabi niya saka pumunta sa table namin.

He's a bit weird today. Anong nakain niya?

His Favorite Song (Completed)Where stories live. Discover now