Chapter 37

63 7 0
                                    



State Of Grace
Taylor Swift
3:11 ──────|── 4:55
|◁          II          ▷|



ELY



Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at kasabay no'n ang malaking ngiti ni Vince habang nakatingin silang lahat sa palad ko.

"So, I'll be the first one to date Ely," sabi niya.

"Yes, but reminder:  each of you will have to date him only for a week starting next week. Then, saka lang siya magdedecide kung sino ang magpapatuloy sa panliligaw sa kanya on the third week. G?" paalala niya sa dalawa.

Nakita ko namang mukhang nadismaya ni Paul. He just turned to me and spoke. "Okay, fine. I'll go ahead now. See you next, next week, Ely." Before he left, I saw him winked at me.

Nilapitan naman ako ni Vince. "So, tara, amusement park—"

Humarang naman si Claire sa tapat ko kaya napatigil siya. "Oops, 'di ba sabi ko, next week magsisimula? 'Di nakikinig?"

"Sorry," sabi niya at napakamot na lang sa kanyang batok. "Sige. I'll plan things ahead para ako ang pipiliin mo, Ely."

After that, he left. Kami na lang ni Claire ang naiiwan dito sa park. I just sighed when they left pero bigla namang napahiyaw 'tong kasama ko kaya nabigla ako.

"OMG, totoo nga talaga, Ely Sanchez! Napakahaba naman ng buhok mo, abot North Pole, bes! Tsaka, ang guwapo nga talaga ng John Paul na 'yon! And I saw Vince smiling again because of you! O. M. G."

"Oy, tumigil ka nga dyan, parang ikaw 'tong nililigawan sa kilig ah," sabi ko sabay siko sa tagiliran niya.

"Pero, thank you talaga ha. Naging spokeswoman na kita ngayon. Hindi ko talaga alam anong gagawin sa kanila kung wala ka!"

"Naku, wala 'yon. Tsaka, isa pa, sabi mo ililibre mo 'ko ng ice cream no. Tara na, nagugutom na 'ko, bes," sabi niya at hinatak na ako papunta sa isang convenience store sa tapat ng park.

Pagkauwi ko sa apartment, agad akong napahiga sa kama ko. Hindi ko aakalaing hahayaan ko na ang sarili ko na ligawan. Hindi lang isa kung 'di dalawa pa. Hindi naman ako babae para maka-experience ng ganito pero sabi kasi ni Claire, bigyan ko raw sila ng chance para patunayan kung gaano ba nila ako kagusto.

Napaupo na lang ako at huminga nang malalim. I need to process these stuffs para hindi pa rin mawala ang focus ko sa studies.

Kinuha ko ang headphones at nagpatugtog muna ng kanta. Kumalma naman ang puso ko kahit papaano. I mean, wala namang problema sa puso ko pero yung isip ko lang yung magulo. Ewan.

Kinabukasan, nagising na ako ng 10AM. National Holiday kasi kaya ie-extend ko na ang pagpapahinga. Medyo stressed na kasi ako at buti na lang walang pasok.

Iidlip na sana ako kaso may kumatok sa pinto kaya napabalikwas ako sa kama ko. Pinuntahan ko ang pintuan at binuksan. Sumalubong sa akin ang bihis na bihis na bestfriend ko na parang bang papuntang fashion model.

"Good morning! Kanina pa ako tawag nang tawag sa'yo pero 'di ka sumasagot kaya pinuntahan na lang kita," sabi niya at pinapapasok ko siya. Pinaupo ko siya sa sofa saka ako napamewang habang tinitignan ang itsura niya.

"Ba't bihis na bihis ka? Sa'n punta mo?" tanong ko.

"Bes, punta tayo sa mall. You know naman na may magda-date sa'yo kaya bili tayo ng masusuot mo!" excited pa niyang sabi.

"Ha? Kailangan pa ba 'yon? Tsaka tambak na mga damit ko sa cabinet tapos bibili pa tayo. Alam mo namang magtatagal lang ako dito until I finish college."

Tumayo siya at nilapitan ako na parang tutang nagmamakaawa sa harap ko. "Sige na, samahan mo na lang ako. Bored ako eh."

"Maglilinis pa ako ng apartment. Ang dumi-dumi oh," sabi ko saka ginala ang tingin sa paligid.

"Hindi mo ba 'ko luv, Ely? Huhu," sabi pa niya at pahid-pahid pa ng mata kahit wala namang luha.

Tinignan ko na lang siya at huminga nang malalim. Wala eh, bored daw. Buti na lang walang pasok. "Oon nga, sasama na ako. Antayin mo na lang ako," sabi ko saka ako pumunta na ng banyo at naligo.

Habang nag-aayos naman ako sa sarili sa harap ng salamin ay nakarinig ako ng tawanan sa sala, kaya nagtaka ako. Nagmadali akong mag-ayos saka lumabas ng kwarto. Nadatnan kong may kausap si Claire at nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino 'yun.

"OMG, ang tagal mo, bes. Buti na lang, marunong ring maghintay si Nathan, right?" sabi niya sa akin ngunit pinandilatan ko lang siya.

"Ano? Sabi niya kasi friend mo raw siya kaya pinapapasok ko na lang. Ang tagal mo kasing magbihis eh. Saka isa pa, you owe him a date naman raw kaya I decided na sumama siya sa atin. The more, the merrier!"

Napasapo na lang ako nang maalala ko ang sinabi ni Nathan sa akin no'ng nakaraang araw. Yeah, I really owe him a date dahil nanghingi ako ng pabor sa kanya para makapunta ako sa bahay ni Paul noon.

"Don't tell me, Ely, suitor mo rin 'to?" sabi pa niya kaya nilapitan ko na siya at tumayo sa likuran kung saan siya umuupo sa sofa.

"Naku, pasensya ka na sa kaibigan ko, Nathan. Sobrang madaldal talaga 'to," sabi ko kay Nathan habang pasimple kong pinipisil ang balikat ni Claire sa gigil ko sa kanya.

"It's totally fine. Isa pa, nasabi naman niya na nililigawan ka na rin ni Paul. So, I just agreed to her na sasamahan ko na lang kayo. Bored rin kasi ako," sabi naman niya at nanlaki ulit ang mga mata ko dahil sa nalaman ko sa kanya kaya tinignan ko si Claire.

"Sorry. Familiar kase siya kaya hindi ko naiwasang matanong kung kilala ba niya si Paul. Peace," sabi pa niya at peace sign pa.

Pilit na lang ako ngumiti sa kanila kahit na kanina ko pa binalibag 'tong babae na sinabihan pa si Nathan tungkol sa panliligaw niya sa akin. Gusto ko ring lamunin ako ng lupa dahil sa hiya.

Bigla na lang tumayo si Claire kaya napaatras ako. "So, let's go guys! Tara na at shopping na tayo!"

Hindi ko alam na sila pala ang sisira ng araw ko ngayon.

His Favorite Song (Completed)Where stories live. Discover now