Chapter 38

54 7 0
                                    



Blow You Mind (Mwah)
Dua Lipa
1:35 ────|──── 2:58
|◁          II          ▷|



ELY



Kasalukuyan akong naghahanap ng mabibili kong damit sa isang store kasama si Nathan. Humiwalay kasi si Claire sa amin dahil nasa kabilang parte ng store ang Women's Wear. Madali lang namin mahagilap ang babae na 'yon dahil sa haba ng floppy hat niya na parang pupunta lang sa beach.

"So, how's Paul?"

Napalingon ako kung sino ang nagsalita at nakita ko si Nathan na nakasunod pala sa akin. Tsaka ko rin na-realize kung ano ang tinatatanong niya kaya medyo nataranta ako.

"A-Ah, ano... okay lang," nauutal kong sabi sabay iwas ko ng tingin sa kanya. I don't know pero bigla akong na-awkward na kasama siya.

"Okay? That's a weird answer."

Nagpatuloy pa rin akong mamili pero medyo nadidistract ako sa tanong niya. May nakita naman akong shirt na may dog print na nagpaalala sa akin yung unang pagkikita namin ni Nathan. Naalala ko kung paano siya takot sa asong nadaan namin papunta sa pinakamalapit auto repair shop.

"It's kinda shocking kung bakit nagkagusto si Paul sa isang lalaki, but now I know why."

Natigil ako sa sinabi niya. I turned to him with confusion but he just giggled. Ngayon ko lang na-realize na gwapo pala si Nathan kapag ngumingiti, lalo na't chinito siya kaya madali lang mawala ang mga mata niya kapag tumatawa.

"Nathan!"

Sabay kaming napalingon ni Nathan sa likuran namin. Nakita kong may paparating na dalawang lalaki sa amin. Pamilyar sila sa akin kaya sinubukan kong aalahanin ang mga mukha nila.

"Uy, Nathan, dito ka lang pala namin makikita. You were not answering calls kaya we decided na maggala na lang nang 'di ka kasama," sabi ng isa sa kanila at bigla naman napadako ang tingin niya sa akin.

"Naks, bago mong chics? Napakaganda naman."

Biglang nang-init ang mukha ko sa sinabi niya at napailing na lang ako pero bago pa ako makapagsalita ay inunahan na ako ni Nathan. "Naah, he's just my friend," depensa niya.

Parang silang nagulat sa sinabi ni Paul at palinga-linga pa silang tumitingin sa amin. Buti na lang nakita kong sumulpot sa tabi ko si Claire.

"Hi bes! Tapos na akong mamili— OMG..."

Mukhang nagulat rin siya sa presenya nila kaya hinila ko na siya para lumayo sa tatlo. "Sige, mauna na kami, Nathan," paalam ko sa kanya habang sinundan nila kami ng tingin.

Lumabas kami ng store at nagpakalayo-layo. "Aray ko— teka lang bes! Ang sakit na ng paa ko sa kakahila mo sa 'kin. Nakalimutan mo yatang naka-heels ako ngayon," daing niya kaya napahinto ako at binitawan siya. Hindi ko namalayan na hinihingal na sa sakit habang hawak-hawak niya ang mga binili niya.

"Sorry," sabi ko habang inayos ko ring ang sarili ko.

"Pero, wait lang. Sa pagkakatanda ko sila yung other members ng banda nila. OMG, bes, 'di ko aakalaing napakagwapo nila. They're like Greek gods in disguise 'pag nagsama sila."

Nagpalinga ako at na-realize kong nakatayo pala kami sa harap ng isang restaurant. Saktong kumakalam na rin ang tyan ko sa gutom. "Bes, kain muna tayo para mawala 'yang pagpapantasya mo dyan."

Bukod sa puno ng pagkain ang table namin ni Claire, puno rin ng paperbags ang ilalim ng mesa namin. Kaya halos 'di ko na magalaw ang mga binti ko dahil dito.

"Ano ba 'yan, ang dami mo namang napamilli. Hindi ako makagalaw nang maayos," reklamo ko pero hindi na ako narinig ni Claire nang nagsimula na siyang lumamon.

Nagsimula na lang akong kumain. Pasimple naman akong nagpalinga-linga sa paligid para makasigurong wala dito sila Nathan. Nagtataka na tuloy ako kung ano na ang pinagsasabi no'n sa dalawa niyang kaibigan at kung kasama ba nila si Paul. Gusto ko kasing iwasan muna siya pati na rin si Vince hangga't hindi pa nila ako nililigawan officially.

"Uy, parang kang paranoid dyan. Malapit ko na ubusin yung inorder ko, bes," sabi ni Claire kaya sumubo na ako ulit ng pagkain.

Nakaramdam naman ako biglang kati sa paa ko kaya naigalaw ko ang binti ko pero hindi ko sinasadyang masipa ang isang paperbag sa ilalim at nagkalat na lang sa sahig ang laman no'n: makeup stuffs. Nagmadaling akong tumayo at dinampot ang mga gamit ni Claire.

"Laah, bes, bakit gumugulong ang mga makeup ko? Wait," sabi pa niya ngunit pinigilan ko na siya na umalis sa seat niya.

"Sorry, 'di ko sinasadya," I apologized while I grabbed the last stuff on the floor. Binalik ko naman sa ilalim ang paperbag pero malayo sa paa ko. Baka masipa ko na naman kasi.

Babalik na sana ako sa pagkain ko nang may babaeng lumapit sa table namin at may inabot na isang liptint. "I think this is yours," sabi niya.

Kinuha ko naman yung liptint at binalik sa paperbag saka nagpasalamat. "Thank you, Miss."

Nagawa pa niyang ngumiti sa amin saka niya kami nilagpasan. Napakaganda niya tapos ang sexy pa. She's wearing a crop-top animal print sleeves over skinny jeans, kaya kita namin kung gaano ka perfect ang body-shape niya.

Nilingon ko naman ang bestfriend ko at nakita kong natulala ito sa lumagpas sa amin. "OMG. Super sexy niya talaga, bes..."

"Kilala mo?" tanong ko at parang nagulat pa siya sa sinabi ko.

"Seriously, Ely? 'Di mo siya kilala? Siya yung parang bagong prinsesa do'n sa College of Architecture. She's Heather Wilson, kaka-transfer pa lang niya sa Damian U two weeks ago. Half-Filipina, half-Spanish. May lahi ring American. Fresh from Hawaii pa 'yan," she said.

Medyo naguluhan pa ako sa sinabi niya tungkol sa lahi ni Heather pero mukhang totoo nga naman siguro dahil halata sa mukha niya na may dugong-foreigner siya. She's effortlessly pretty while talking to her friends on their table. Napansin ko rin na panay tingin rin sa table nila ang ibang mga customers sa restaurant. She's really a head-tuner girl.

"I really wish na ganyan rin ako ka sexy para magkajowa na 'ko, huhu," sabi pa ni Claire sabay subo ng isang cake sa kutsara niya.

I just giggled after hearing that from her. "Claire, you know what, you don't need to have an hourglass body to be admired. Kung mahal ka talaga ng isang tao, kahit pumanget ka pa, sexy at maganda ka pa rin sa paningin niya. Okay? Kaya kung gusto mong magkajowa talaga, ayusin mo rin ang studies mo ha para hindi ka ulit pagalitan nila Tita at Tito sa kakalakwatsa mo."

Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Alam mo, may point ka na sana, kaso nagawa mo pang isingiti yung studies ko. Porket liligawan ka ng dalawang gwapo eh ganyan ka na sa 'kin."

Sinamaan ko rin siya ng tingin dahil sa huling sinabi niya. Naku, naku talaga.

His Favorite Song (Completed)Where stories live. Discover now