Chapter 41

61 6 0
                                    



Fearless
Taylor Swift
1:09 ──|────── 4:02
|◁          II          ▷|



ELY



Binuklas niya ang hawak niyang payong. Tumingin siya sa akin at nginitian pa ako. "Let's get into my car para 'di ka mabasa pauwi," sabi niya.

He traveled his arm on my back and held mine to pull me closer to him, and we started to walk in the rain under his umbrella.

Hindi ko alam kung ano ang itsura ko ngayon dahil sa init ng mukha ko kahit na nilalamig na ako. Parang ang saya-saya ng loob ko sa oras na 'yon. Ramdam ko yung lakas ng kabog ng puso ko...

Pagkalapit namin sa kotse niya, pinagbuksan pa niya ako ng pinto saka ako pumasok sa loob. Kikiligin na sana ako nang bigla akong ginulat ng nakaupo sa front seat. "Hoy, bes! Buti nadaanan ka namin dyan sa cafe. Kita ka pa namin na namomroblema dahil wala kang payong," natatawa niyang sabi.

"Pero, hmmm, kita ko rin yung patingin-tingin mo kay Kuya ha. Reminder, nililigawan ka na," sabi ko kaya nilapitan ko siya para batukan.

"Wag ka ngang maingay dyan! Marinig ka pa niya mamaya!"

"Aray ko ha! Kinakaban ka ba eh nasa loob pa siya ng cafe dahil may binili. OA mo," daing naman niya.

So ayun, ihahatid nga nila talaga ako sa apartment ko. Mas masaya na sana ko wala lang talaga 'tong Claire na 'to. Bigla namang nagka-heavy traffic kaya na-stuck kami sa daan.

Nakatingin lang ako sa driver's seat kung saan nakaupo si Kuya Gerald. Tsaka lang ako nakabalik sa ulirat nang nagsalita siya, kaya agad kong binaling ang tingin ko sa wind shield.

"So, how's life, guys?" tanong niya saka uminom ng natake-out na hot latte.

Bago pa ako makasagot ay nagsalita na agad si Claire. "Naku, alam mo ba, Kuya, may suitors na si Ely!"

Agad akong nakaramdam ng hiya sa sinabi niya na parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa kahit nasa loob ako ng kotse. Sinabi pa niya talaga 'yon sa harap ni Kuya Gerald.

"Did I hear it right? Suitors?" nakangising tanong niya.

"Naku, hindi po t-totoo 'yan, Kuya Gerald! Ikaw Claire, tumigil ka nga dyan—"

"Sus, ide-deny pa talaga yung dalawang nanliligaw niya," pang-aasar pa niya kaya napasapo na lang ako. Nagsisisi na talaga ako na magpatulong sa kanya tungkol dito dahil kung kaninu-kanino na lang niya pinagkakalat na may nanliligaw na sa akin na parang bang big deal na sa kanya.

Umandar naman ulit ang kotse para umusad. "So, congrats, Ely. Sa wakas, may suitors ka na rin. Sa ganda mong 'yan, imposible talaga na walang makagusto sa iyo," tawa niya.

Tumawa na rin ako para matakpan 'tong kakahiyan na nararamdaman ko.

Nakarating na kami sa apartment building at nagpasalamat naman ako sa magkapatid sa paghatid nila sa akin. Kung 'di pa nila ako nakita, baka basang-basa na ako sa pag-uwi pati 'tong pinakamamahal kong laptop.

Hinayaan ko muna ang kotse nila na lumabas sa lugar saka ako pumasok sa building at umakyat patungo sa apartment ko. Saka ko na-realize na suot-suot ko pala ang coat ni Kuya Gerald hanggang ngayon. Pagpasok ko ay naka-receive naman ako ng notification galing sa phone ko kaya tinignan ko.

His Favorite Song (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon