Chapter 31

77 8 0
                                    



If I Can't Have You
Shawn Mendes
1:44 ─────|─── 3:10
|◁          II          ▷|



PAUL



The light coming through the glass window woke me up. On my bed, I was feeling tired and didn't know why. 'Di ko alam bakit parang pagod ako...

Wait--

Saka ko lang na-realize na wala na pala akong suot na damit. Sh*t, naalala ko na ang lahat kagabi. Naka-ilang rounds nga pala kami kaya madaling araw na kami natapos.

Medyo matagal-tagal na rin ako may kinama. Noong kami pa kasi ni Chesca, ayaw niya talaga makipag-sex sa akin hanggang sa maikasal na kami. Now that I won't be marrying her, guess I could do the things I was used to before. 

Damn, kaya nga ako nagpakasaya kagabi para makalimutan ang lahat.

Nga pala, paggising ko, wala na yung kasama ko kagabi. Siguro katawan ko lang ang habol sa 'kin. Psh.

"Ano, ayaw mo pang bumangon 'jan?"

Bigla akong bumangon nang marinig ko ang boses na 'yon. Paglingon ko ay nakita ko ang tatlo na nakaupo sa couch, at lahat sila nakatingin sa akin.

"What the hell are you doing here?" tanong ko sa kanila.

"Psh, we were having our best sleep of our lives when we heard series of moans from this room," sabi ni Dan.

"So ano, nag-enjoy ka ba?"

"Of course! Hindi naman kami tatagal hanggang madaling araw kung hindi ako nag-enjoy!" I said.

"Ayun! Bumalik na ang dating John Paul Abellana na kaibigan natin!" sabi ni Nathan sabay tayo at nagpalakpak na parang ewan. Sinabayan pa siya ng dalawa.

"Psh, umalis na nga kayo. Gusto ko pang matulog," taboy ko sa kanila.

"Oo na, aalis na kami. Kanina pa kami nagtitiis sa baho ng kama mo," sabi pa ni Dan saka sila nagsipaglabasan sa kwarto ko.

We had our breakfast muna sa resort bago kami umalis sa lugar. May kanya-kanya pa kaming aabalahin sa studies namin kaya uuwi na kami. Nang nakabalik naman ako sa apartment ko bandang alas dose ng tanghali. Bago ko pa pihitin ang pinto ay naka-receive ako ng message sa phone ko.

I thought it was from Mom, pero galing pala kay Nathan.

From: Nathan

Paul, may bisita ka mamaya.


Sino naman ang bibisita sa akin? Si Mom? That's way too imposible, nasa ibang bansa siya ngayon. Tsaka, ba't naman niya ipagpapaalam kay Nathan kung dadatig siya? Unless, the're planning something. But, it could be someone else. Mas lalong imposible si Dad. He doesn't even know my address simula no'ng lumayas ako sa bahay unless sinabi ni Nathan.

After I went inside my apartment, I texted back and asked kung sino ang tinutukoy niya pero hindi na nagreply si Nathan. Just right after I put my things on the floor, nakarinig ako ng katok sa pintuan. Yan na siguro ang sinasabi ni Nathan na bisita ko.

"Coming," sabi ko habang naglakad ako palapit sa pinto.

Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang landlord/lady ng apartment. Hindi naman sa homophobic ako, pero no'ng unang kita kasi namin, iba siya makatingin sa akin na parang bang hinuhubaran na ako sa isip niya. Ewan bakit nagkakilala sila ni Mom.

"Baby-- I mean, Johnny, may bisita ka pala," sabi ni Miss Mimi. Naasiwa talaga ako kapag tinatawag niya akong Johnny. Psh.

"Sino po?" tanong ko.

Sumulpot naman sa tabi ni Miss Mimi ang hindi ko inaasahang bibisita sa akin.

"Hi, Paul."

No, this can't be.

"Ely?!"

He was standing right before me. I didn't expect to come. I didn't know what to say or to do. I was in complete shock seeing him standing at my apartment door. How—

"Uhm, narito lang ako para ibigay sa'yo 'to. Sige aalis na ako," sabi niya sabay bigay sa akin ng isang paper bag saka dali-daling naglakad umalis.

"Johnny, ayaw mo ba siyang kausapin? Kita ko sa kanya na nag-effort pa siyang puntahan ka rito tapos paalis mo lang siya ng gano'n," sabi pa ni Miss Mimi.

"Ang gandang babae pa naman no'n, ayaw mo ba sa kanya--"

Hindi ko na pinatapos pa si Miss Mimi at hinabol si Ely habang hindi pa siya nakakalabas ng gate.

"Wait!" malakas kong sabi sabay hawak sa braso niya.

Agad siyang lumingon ngunit nagulat ako nang bigla niyang inalis ang kamay ko sa kanya. Mukhang nagulat rin siya sa ginawa niya.

"I'm sorry, 'di ko sinasady--"

Bigla na lang siyang nawalan ng balanse kaya agad ko siyang inalalayan. Saka naman siya nawalan ng malay kaya nataranta bigla ako. Binuhat ko siya patungo sa room ko at doon hiniga sa bed ko. Hindi pa rin siya nagigising.

I checked all of his pulses. I think he's fine. Nasagi naman sa isip ko yung huli naming kita.

Siguro na-trauma siya sa nangyari kaya bigla siyang inatake ng stress.

Nakita ko namang medyo pinapawisan siya even though I already turned on the aircon. Siguro dahil sa damit niya.

He's wearing a long-sleeve polo kahit na tirik na tirik ang araw. I was about to unbutton his polo pero bigla siyang umungol kaya napaatras ako.

Hindi pa rin siya nagigising, kaya hinayaan ko na lang muna siya sa kwarto hanggang sa magising siya. Nakita ko naman yung binigay niya sa akin na nasa sala.

Binuksan ko ang paper bag at tanging nakita ko ay isang black sweater.

He really bought something for me, but why?

May narinig naman akong may gumalaw sa kama kaya agad kong tinignan at naabutan kong sinusubukan niyang bumangon. "Hinay-hinay lang. How's your feeling?" sabi ko habang inaalayan siya.

Nahawak naman siya sa sentido niya saka niya nilibot ang tingin sa kwarto. "Nasaan ako?" tanong niya.

"You're in my bedroom actually. Don't worry, you can stay for awhile hanggang sa okay na ang pakiramdam mo. For a minute, I'll get you some water," sabi ko at pumunta sa kusina para kumuha ng baso ng tubig.

Pagbalik ko ay agad ko namang ibinigay sa kanya ang baso ng tubig.

"Thank you," sabi niya at biglang tumayo kaya pinigilan ko siya.

"Hey hey, aalis ka na?"

"I'm feeling better. Sorry, nadistorbo ko yata ikaw. Siguro kailangan ko nang umalis---"

"Wait."

Nagkatinginan muna kami ng ilang saglit. I can't help myself staring at his face. I couldn't believe he's a boy, when in fact, he really looks like a girl.

Ely Sanchez, why are you doing this to me?

There's a sudden question popped up inside my mind. I think its the right time to ask this to him.


"Are you really a boy?" tanong ko.

"...Yes."


I guess I really fell into his trap.

His Favorite Song (Completed)Where stories live. Discover now