Chapter 21

77 8 0
                                    



Chasing Fire
Lauv
0:33 ──|────── 3:25
|◁          II          ▷|



PAUL



Lumabas ako ng booth at sinalubong ulit ako ng kapatid ni Gerald. "Thank you po! I hope nag-enjoy kayo!"

Wala talaga siyang alam kung sino ako. Ni hindi niya talaga ako nakikilala. Sa bagay, naka-mask pa ako.

Tinignan ko ang orasan ko at nakita ko na mag-aalas tres na. Siguro naman ay magb-break sila ng mga kasama at sigurado ako, magkikita sila ng bestfriend niya.

Kaya ang plano ko, susundan ko si Claire, pero bago yun, magte-text muna ako sa tatlo na iwanan na nila ako rito sa DU. Nainis naman ako nang makitang patay na yung phone ko.

Sh*t, kailangan kong bumalik sa kotse para sabihan sila, pero wala na akong chance na masundan pa si Claire.

Wala akong nagawa kundi tumakbo pabalik sa parking lot kung saan nag-aantay sila sa akin.

Nakita ko naman sila at mukhang kanina pa sila nakabalik sa kotse. "Sorry kung natagalan ako. Kanina pa ba kayo rito?"

"Nope, kakarating lang din namin," sabi ni Nathan.

"Magpapaiwan muna ako rito nang sandali. May hahanapin lang ako," sabi ko.

"Don't tell us maghahanap ka ng chics dito?"

"LOL, sige na, iwanan niyo na ako-- psh, anong nangyari jan kay Daniel?" sabi ko nang nakita kong nakatulala lang siya sa kawalan.

"Pa'no ba kasi, nakita lang maganda kanina, nagkaganyan na," sabi ni Nathan na ikinatawa ko.

Lumingon naman si Dan sa amin bago nagsalita. "Dude, napakaganda talaga niya! Sayang hindi ko nakuha yung number niya!"

"Magagalit na sana ako kasi nabunggo niya ako kaso pagkakita ko sa mukha niya, parang nawala sa isip ko na magalit! Gano'n siya kaganda! Kaso hindi ko na siya nahabol!" dagdag pa niya.

"Noon, mga babae ang humahabol sa'yo. Ngayon, ikaw pa ang tinakbuhan, haha," biro pa ni Nathan.

"Shut up!" palag naman ni Dan.

Nakita ko naman si Marco na nasa backseat at nakaidlip na pala. "Oh parang napagod yata yung isa," sabi ko.

"You know he's a sleepyhead," sagot naman ni Dan. "Hey, Paul. Mauna na kami ha. Sana makakita ka ng bagonhg girlfriend dito."

"Psh, sige na balik na ako doon. Bye guys!" paalam ko sa kanila.

Nang makaalis na sila ay bumalik ulit ako sa booth ni Claire. Pagkarating ko doon ay nakita kong wala na siya.

She's probably with her bestfriend now. I have to look for them.

Naglibot ako sa mga food stalls. Nagbabaka sakali ako na mahanap sila rito, ngunit sa ilang ikot ko ay hindi ko sila nakita.

Bigla naman akong nagutom sa kakahanap kaya bumili muna ako makakain sandali. Pumunta ako sa field para doon kumain sa isang bench.

Medyo mahangin dito kaya tamang-tama lang para magpahinga muna. Napaisip naman ako.

Baka wala siya dito ngayon sa university. Habang inuubos ko ang pagkain ko ay nasagi ng paningin ko ang isang pamilyar na babae sa isang bench, kasama ang isang lalaki.

No way.

Siya yun. Yung hinahanap ko. All this time, akala ko si Claire ang kasama niya pero iba pala.

Sa tingin ko ay nauusap sila kaya lalapit na sana ako nang makita kong niyakap siya ng lalaking kasama niya.

Parang may kumirot sa loob ko ng makitang siyang makayakap na iba, at isa pa, nakita ko pa siya na ngumiti na parang bang masaya siya sa kasama niya.

Boyfriend na niya ba yun?

Taken na ba talaga siya?

Siguro nga. Sa ganda niya, imposible talagang wala siyang boyfriend.

Psh, siguro dapat hindi na ako aasa pa na makilala ko pa siya. So it means, useless lang pala 'tong balak kong hanapin siya kung makikita ko lang na meron na siyang iba.

Pero pa'no na 'tong earphones niya?

Psh, siguro mas better na lalapit ako sa kanila as stranger pa rin. Isasauli ko na lang talaga sa kanya 'to.

Tinignan ko ulit yung bench kung saan sila nakaupo nang makita kong wala na sila do'n. Na naman oh, ba't palagi na lang siyang nawawala kapag nakikita ko siya?

Nag-antay muna ako ng ilang saglit sa bench kung saan ko siya nakitang umupo kanina. Lumipas ang ilang oras, napag-isip-isip ko na susuko na lang ako at hanggang dito na lang ang pagtingin ko sa kanya. Kaya umalis na ako do'n sa field at naglakad papunta sa gate. Parang akong wala sa sarili ko habang naglalakad.

I just met her somewhere pero ba't ganito na ang nararamdaman ko?

Bumalik na naman ang wisyo ko nang may nakabunggo ako. I just realize na nasa harap ko na pala ang iniiisip ngayon.

"Ay, sorry po!"

I just stared at her for a moment. Our eyes were suddenly fixated on each other. I was stunned by her beauty, from her eyes down to her lips. Parang akong nahypnotize dahil sa kanya. Ni hindi ko na alam kung sumunod na nangyari hanggang sa na-realize ko kung ano ang ginagawa ko.

Sh*t.

Nakita ko na lang ang sarili ko na hinahalikan siya. Damn it! I should've controlled myself!

Bago pa siyang makapalag ay agad akong umatras at tumakbo palabas ng gate. I realize na mali pala ang ginawa ko, pero sa'n ba ako nagkamali, yung hinalikan siya agad o no'ng iniwan siya do'n?

Psh, I'm starting to hate myself now!

Sumakay na lang ako ng taxi pauwi. Nagpaiwan muna kasi ako sa tatlo rito sa CU nang saglit. Nagbabaka sakali kasi ako na makita siya ulit.

Yung na nga, nakita ko siya ulit pero hindi ko alam bakit nagawa ko yun. Sana hindi niya ako nakilala, kundi lalayuan na niya ako 'pag nakita kami ulit.

Pero, parang nagustuhan ko ata yung nangyari kanina. Her soft lips... damn! Every time na inaalala ko yung moment kissing her, natu-turn on ako!

I don't know kung first time lang niya na mahalikan or nagulat lang talaga siya. Hindi kasi siya sumagot sa halik ko, pero ugh, probably she's starting to hate me now.

Nakarating na ako sa apartment ko at nagpahinga sandali sa couch. Kinuha ko yung earphones sa bulsa ko. Nawala sa isip ko na isauli sa kanya 'to kanina. Siguro naging malungkot yun dahil nawala yung earphones niya.

Psh, dapat handa ako bukas. I'm pretty sure na mapapanood niya ako do'n sa Battle of the Bands. Siguradong magugustuhan rin niya ang kakantahin namin.

His Favorite Song (Completed)Where stories live. Discover now