Chapter 22

87 6 0
                                    



Jump Then Fall
Taylor Swift
0:43 ──|────── 3:57
|◁          II          ▷|



ELY



WAAAAAAAAAH! Hindi pwede 'to! Huhu! Ninakaw na yung first kiss ko! Huhu!

Nag-promise ako sa sarili ko na ibibigay ko yung first kiss sa true love ko tapos ngayon, ninakaw ng hindi kilala?!

"Pa'no 'to? Huhu!"

"Sigurado ka ba 'jan, bes? Baka nananaginip ka lang ha," sabi pa ni Claire sa kabilang linya.

"Oo, sigurado ako! Pero yun nga, hindi ko kilala yung nag-ano sa akin! Tapos tinakbuhan pa ako!"

"Naku, may manyak na palang duwag! Bes, mabuti pa, magtoothbrush ka na lang nang maigi at mag-mouthwash! Baka kasi mahawa ka sa baho ng bibig no'n! Mahirap na, hindi mo pa kilala yung humalik sa'yo--"

"Psh, ewan ko sa'yo! Tulog na ako!" sabi ko saka binaba ang tawag.

Ngayong nakahiga na ako sa kama ko, ang problema ko na naman ay kung pa'no makatulog nang mahimbing. Shemay talaga, ang hirap kalimutan yung nangyari kanina!

Pero... gano'n ba talaga yung feeling ng magka-first kiss?

Ewan ko, pero parang lumakas bigla yung tibok ng puso ko kanina no'ng nangyari yun. Kung paano niya ako halikan kanina, parang sanay na sanay na siya.

Those lips touching mine... wait-- erase, erase, erase! Ano ba 'tong naiisip ko? Shuta, sino siya para halikan ako?!

Naku, sinasabi ko na nga ba! Kapag nag-aattend talaga ako ng events sa school, may nangyayari talagang masama sa akin! Kaya plano ko bukas, dito na lang talaga ako sa apartment para wala nang mangyayaring gano'n! Kahit pa ipilit pa ako ninuman!

Bukas na bukas, maglilinis na lang ako dito! Period! Walang atrasan!

Nakita ko naman yung headphones na ibinigay sa'kin ni Claire kaya kinuha ko yun sa ibabaw ng drawer. Kailangan, mawala sa isip ko yung nangyari kanina.

Huminga ako ng malalim, at isinuot ang headphones. Nagpatugtog ako ng songs mula sa 'night playlist' ko. Medyo gumagaan na ang pakiramdam ko, not until nagplay yung This Kiss by Carly Rae Jepsen.

Tinanggal ko agad ang headphones. Shuta, pati playlist ko, ayaw makiayon sa akin! Huhu! Paano ako makakatulog nang maayos nito?!

Psh. Lagot talaga sa akin ang may kagagawan no'n! Naku, subukan niya lang magpakita sa harap ko, madudurog talaga yung mukha niya kapag nagkataon!

Kinabukasan, nagising ako nang bigla akong nakarinig ng sunod-sunod na katok sa pintuan. Naku, umagang-umaga, may nang-aabala sa tulog ko. Puyat pa naman ako sa kakaisip sa mga nangyari kahapon.

Parang akong zombie kung makalakad patungo sa pintuan. Wala na akong pake kung ganito ang itsura ko kung si Claire lang naman 'tong kumakatok--

Pagbukas ko ay sinalubong ako ng isang ngiti ni Dexter. "Good morning, Kuya Ely!"

"Oh Dexter, ikaw lang pala. Bakit ka andito?" tanong ko.

"May poging naghahanap po kasi sa inyo eh," sabi niya na ipinagtaka ko. Bigla naman siyang tinawag ni Aling Rea kaya tumakbo siya pabalik sa apartment nila.

His Favorite Song (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon