Chapter 18

87 6 0
                                    



Everything Has Changed (ft. Ed Sheeran)
Taylor Swift
0:33 ─|─────── 4:05
|◁          II          ▷|



ELY



Dalawang linggo na ang nakakalipas mula no'ng huling gala namin ni Claire sa mall. Back to studies na kasi kami pagkatapos ng school break namin.

Dalawang linggo na ring nawawala ang pinakamamahal kong earphones.

Parang nawawalan ako ng gana everytime na iniisip ko yung earphones ko. Ang pangit kasi ng extra na lagi ko ng gamit mula no'ng nawala yung isa.

Binilhan pa nga ako ni Claire ng headphones, kahit na hindi naman talaga niya kasalanan kung bakit nawala ko yung earphones. Iniwan ko lang yun sa apartment, baka kasi mawala ko na naman.

"Uy bes, next week na pala magsisimula yung foundation days! Excited ka na ba?" biglang sabi ni Claire paglabas namin ng room. Papunta kami ng cafeteria ngayon.

"Ewan ko. Baka mags-stay na lang ako sa apartment ko, or 'di kaya uuwi na lang ako sa amin," matamlay kong sabi.

"Bakit naman? Balita ko pa naman mas masaya ngayong year! Madami nga raw pakulo ang lahat ng college departments! Tsaka kailangan ang attendance ng lahat no!" sabi pa ni Claire.

"Psh. Pakulo? Ewan ko na lang," tanging nasabi ko na lang.

Masaya naman talaga ang events dito sa school, lalo na ang foundation days pero may panira lang talaga ng araw kapag nag-aattend ako.

College of Criminology.

Last year, no'ng fresh man pa ako, nagkataon na napuno ng events sa school at lahat ng events na 'yon ay may pakulo ang Crim students:

Ang kanilang pinagmamalaking Jail Booth.

Hinuli ang mga estudyante na nakasuot ng anumang kulay na gusto nilang hulihin. For example, kapag may suot kang puti, mapasapatos man o damit, huhulihin ka nila agad. Mag-aantay ka na lang ng sinumang tutubos sa 'yo.

At ang pinakasuki nila sa jail booth ay walang iba kundi ako.

Ewan ko ba gusto talaga nila akong ikulong o nagkataon lang talaga na suot ko yung may kulay na huhulihin nila. May lagi namang nagtutubos sa akin pero nag-iiwan lang ng note.

Yan ang dahilan kung bakit ayaw ko nang umattend ng kahit anong events sa school. Buti na lang, medyo madalang na lang ang gaganapan sa university.

Ngayong next week na ang foundation days, nagdadalawang-isip akong umattend dahil may points sa attendance.

Nakarating na kami sa cafeteria at nakabili na ng pagkain sa counter. Umupo kami sa bakanteng pwesto.

"Alam mo ba, Fortune Telling Booth yung itatayo ng College of Psychology. Tayo na ang manghuhula ng tadhana ng students!" sabi ni Claire habang nilamon ang burger na binili.

"Wow, bagong-bago na booth..." I said sarcastically. We had the same booth last year. Wala bang bago this year?

Nasagi naman ng paningin ko ang isang lalaki sa isang table na tahimik lang kumakain sa kanyang pagkain, hanggang sa na-realize ko na si Vince lang pala yun.

'Di nagtagal ay umiwas agad ako ng tingin kay Vince nang nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

"By the way, may bagong competition pala sa last day. Alam mo ba?" tanong ni Claire.

"Ah, meron ba? Ano naman?"

"Yung Battle of the Bands! Maglalaban-laban ang mga banda hindi lang galing sa university natin, pati rin sa mga ibang universities na invited!" sabi ni Claire.

"Naku, balita ko nga, maraming mga gwapong banda na sasali! Kaya walang rason na hindi ka aattend ng foundation days!" dagdag pa niya na ikinairap ko lang.

Tinignan ko ulit ang pwesto ni Vince pero wala na siya sa table niya. Ano kaya problema niya? Ba't nag-iisa lang siya?

Tumunog na ang bell kaya nagdesisyon na rin kaming bumalik sa room namin.

Pagkatapos ng klase ay nauna nang umalis si Claire dahil ime-meet daw siyang kaibigan sa isang restaurant kaya mag-isa na naman ako ngayon.

Nakalabas na ako ng gate at nag-aabang na ng jeep nang nakita ko si Vince sa kabilang sidewalk at may kausap na babae. Maganda yung babae at mukhang galing sa kabilang university. Baka siya na yung girlfriend niya na sinasabi nila.

Bigla namang lumingon sa kinatatayuan ko si Vince kaya no'ng may pumarang jeep ay agad akong sumakay.

Nasa kama na ako, nakaupo habang nags-scroll dito sa laptop. Kakatapos lang sa homework ko kaya nagfacebook na muna ako nang may nakita akong post at naka-tag si Vince.

Chesca Tan was with Vince Sacramento.

Thanks for the dinner! ❤

Nagcomment naman si Vince.

ur welcome couz. 😉

Siya siguro yung kausap ni Vince kanina. Tsaka couz? So it means, pinsan lang pala niya yung Chesca.

Pero parang nakita ko na yung pangalan ni Chesca somewhere. I just shrugged nang hindi ko maalala kung kailan at saan.

In-open ko naman ang chat box ko at do'n may nakita akong unread message galing kay Claire. Pagbukas ko ay nalaman kong nagsend siya ng video, kaya agad kong na-play.

"So guys, for the last song, he'll be the one to sing it for you. Is that alright?" tanong ng vocalist ng banda sa audience saka siya nakipagpalit sa isang guitarist ng pwesto.

"Good evening, everyone!" bati ng guitarist.

"So, for the last song, I will dedicate this to someone I met somewhere. When I was in the middle of heartbreak, she was there to comfort me and I realized that, she was beautiful, inside and out. Her smile was the most genuine I've ever seen, and I will never forget that smile. Because of her, she made me see some sparks that I never thought that would exist. And that sparks, were called sparksfly," sabi niya saka sila nagpatugtog.

Ay, eto pala yung sinasabi ni Claire na banda na kumanta ng fave song ko. Wow. Ang galing ng nila! Yung instrumentals, parang live version lang ng original!

Wow, his voice is giving me chills! Ang ganda ng boses niya kahit medyo husky! Bagay-bagay siya sa genre ng kanta!

Habang nanonood ako ay napasabay na rin ako sa pagkanta ng vocalist.

Tutuloy na sana ako sa pagkanta nang biglang naputol ang video. Saka ko na-realize na napaikli lang ng duration ng video. Kaya naman, nainis ako. Sana naman pinatapos na yung video pagkatapos ng kanta. Ano ba 'yan!

Pero seryoso, gusto ko siyang mapanood ng live! Grabe ang ganda ng boses niya! Di lang yan, guitarist pa siya! Wow! Sana may talent rin ako sa pagpapatugtog ng instruments.

Tsaka kakaiba sila sa mga bandang napanood ko, dahil lahat sila ay nakamaskara. Siguro, ayaw muna nila i-reveal ang identity nila kaya may props sila.

Naalala ko naman yung sinabi ni Claire kanina na may Battle of the Bands sa huling araw ng Foundation Days. Sana naman, makasali sila do'n! At makanta niya ulit yung fave song ko!

His Favorite Song (Completed)Where stories live. Discover now