17

513 28 21
                                    

17 : Basketball tournament

Napangisi ako habang naglalakad papasok sa loob ng basketball court. Ngayon na ang Inter-high kaya tournament na din nila Elion.

"What the..." nakanganga si Samantha at Regina habang nakatingin sa akin.

"Sa sobrang kabaliwan niya kay Elion, pati jersey ni Elion eh ginaya niya," napailing si Regina habang si Samantha naman ay nakanganga pa din.

"Ako? Baliw?! Mga gaga! Jersey niya talaga toh noh!" inirapan ko sila bago umupo sa ibabang bahagi ng bleachers sa loob ng court.

Ang ibang mga babae na nandoon ay napatingin sa akin na akala mo nagsisinungaling ako. Hay nako.

"Bakit dyan ka?! Dito nalang tayo sa taas baka matamaan pa tayo ng bola diyan!" saad naman ni Regina. Hindi ko siya pinansin at umupo nalang.

It's been one week since he told me to wear his jersey. At one week na din bago ang examination namin.

Last week, wala kaming ibang ginawa kundi mag-aral pagkatapos nun ay didiretso na siya sa practice nila.

"Ibang klase din siya noh?" rinig kong bulungan ng mga fans ni Elion na maagang pumunta sa school para makahanap ng magandang pwesto.

At alam kong ako ang pinag-uusapan nila. Hay nako.

Dito sa Roundell magaganap ang basketball tournament habang yung volleyball tournament naman ay sa ibang school pa.

"Grabe siya, sinong maniniwala sa kanya na jersey talaga yan ni Elion?" napairap nalang ako sa mga naririnig ko.

"Oo nga, akala mo naman papatulan siya ni Elion, narinig ko nga na kaya siya nilalapitan ni Elion ay dahil ginayuma niya sa mga pagkain na binibigay niya," napangiwi ako sa narinig ko.

"Sino bang papatol sa babaeng katulad niya-"

"Alam niyo? Kung ayaw niyong maniwala na jersey to ni Elion edi amuyin niyo! Atsaka porket ba ganito ako walang papatol sa akin?! Mga stupid bitches!" saad ko sa kanila bago sila inirapan.

"Pwedeng amuyin?" napanganga ako nung biglang lumitaw sa harapan ko ang mga babaeng pinag-uusapan ako.

"Anong sabi mo-"

"Oh gosh! Ang bango! Amoy fafa Elion!" napaigtad ako sa babaeng nasa likuran ko na inamoy na pala ang jersey.

What the fuck? Hindi ko akalain na gagawin nilang tanga ang sarili nila para lang amuyin ang damit ni Elion.

"Oh gosh! Oo nga!" pinalibutan na ako ng mga babae.

"Siguro ninakaw niya ito sa club room ng basketball team!" napasinghap ako sa sinabi ng isang babae.

"Hoy! Hindi noh-"

"Parating na yung kalaban!" napunta ang atensyon ng mga babae sa isang babae na kakapasok lang habang may bitbit ito na mga pahabang lobo na kulay yellow at black.

"Guys! Assemble!" napahinga ako ng maluwang nung umalis na ang mga babae. Lumipat naman si Samantha at Regina sa tabi ko.

"I can't believe what I saw," saad ni Samantha.

"Anyare?"

"Bakit hinayaan mo ang mga babae na alisin ang amoy ni Elion?!" tanong ni Samantha.

"Akala ko ba hindi kayo naniniwala na jersey to ni Elion?" matabang na tono ang ginamit ko habang tinatanong iyon sa kanila.

"Well," napakamot ng ulo si Samantha. Napunta naman ang atensyon namin sa mga babaeng pumasok sa court at mukhang iyon ang cheering squad ng makakalaban naming school.

Kung sinuswerte nga naman, ang makakalaban ng Roundell University ay ang Eastfar University.

"Diba kasali yung kapatid mo sa basketball team ng Eastfar?" tanong bigla ni Regina.

"Ha? Kasali siya? Weh? Di nga?"

"Gaga kasali siya!"

"Ay weh?" hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Regina sa akin. Si Azriel? Kasali sa basketball team? Weh? Bakit diko alam?

"Hayop talaga ang lalaking iyon," nanggigigil akong napatingin sa cheering squad at fans ng basketball team ng Eastfar.

"May kapatid ka pala Azielle?" tanong ni Samantha kaya tumango ako.

Ilang minuto pa ay dumadami na din ang mga tao sa loob ng court. Karamihan ay mga babae.

At halos lahat ng nandito ay fans ni Elion. Oh diba. King of the Court talaga ang lalaking iyon.

Yung ibang mga babae ay napapatingin sa akin, lalo na sa suot ko na jersey ni Elion.

"Azi!!!" napunta ang atensyon ko sa isang lalaking pinaka-ayaw kong kausapin.

Walang galang talaga ang hayop na iyon.

"Uy! Tawag ka ni Azriel," tinulak ako ng bahagya ni Regina bago tinuro si Azriel na nakatingin sa direksyon namin habang nakaupo sa bench na nakahanda para sa kanilang mga players.

Kasabay nun ay ang pagtunog ng phone ko. Tiningnan ko iyon at nakita kong nag-text sa akin ang hayop kong kapatid.

Gagong Alimango: Ate Azi! Punta ako diyan kunwari jowa kita.

Me: Bakit?

Gagong Alimango: ang daming nanghihingi ng number ko, sabi ko may jowa na ako. :D

Me: Bahala ka dyan, bye bitch.

Gagong Alimango: Sasabihin ko kay mama na jowa mo yung captain ng basketball team niyo ;D

Me: gago.

Nakabusangot akong nag-angat ng tingin kay Azriel na tumayo na sa bench nila bago tumingin sa direksyon namin. Patago siyang nag-thumbs up kaya matamlay akong tumayo.

"Azi!!!" malambing na sigaw ni Azriel, pinigilan ko lang ang sariling kong umirap bago ngumiti kay Azriel na papalapit sa akin.

Heto na naman ang pinagbabawal na technique na lagi naming ginagawa sa tuwing may nagtatanong ng number niya.

"Feithan!" sigaw ko bago tumakbo papunta kay Azriel. Tangina talaga.

"Azi!" sigaw naman ni Azriel bago ako sinalubong ng yakap bago ako binuhat.

"Gago-" sa biglaang pagbuhat ng animal sa akin, edi nahulog ang salamin ko tapos nabasag pa yata.

"Ay! Sorry," bulong ni Azriel kaya kahit malabo ang mata ko, nginitian ko ng mapait si Azriel.

"Ang bigat mo na ate," saad ni Azriel pero bago pa niya ako mababa, sinabunutan ko na siya.

"Gago ka! Pati salamin ko dinamay mo! Gago!" pinagsasapak ko na si Azriel kung saan saan dahil medyo malabo na ang mata ko.

"Anong problema dito?" kahit malabo ang mata ko, lumingon ako sa lalaking nagsalita. Naka-red na jersey ang lalaki kaya alam kong ka-team ito ng gago kong kapatid.

"Sino toh?" tanong ng lalaki sa kapatid ko habang pinapakuha ko kay Azriel ang salamin ko.

"Ate ko," sagot ni Azriel bago niya kinuha ang kamay ko para ilagay ang salamin ko.

Sinuot ko na ang salamin bago tumingin sa harapan ko. Kahit may basag na ang salamin ko, nakita ko pa din ang itsura ng kausap ni Azriel.

"Akala ko jowa mo?" napangiwi si Azriel dahilan para matawa ang lalaking gwapo na kausap niya.

"Wow," wala sa sariling saad ko habang nakatulala sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Okay ka lang? May basag na salamin mo-"

"Ayos lang! May dala naman akong contact lenses!" saad ko.

"Weh?" napalingon ako kay Azriel na nakangisi ng nakakaloko.

"Gago ka! Isusumbong kita kay mama, sinira mo salamin ko!" inirapan ko muna si Azriel bago sila tinalikuran.

A Girl Like You (CRS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon