19

523 27 16
                                    

19 : Yellow bandana

"Anong nangyari dito?" napunta ang atensyon ko sa dalawang lalaking naka-black na jersey. Sigurado akong taga-Roundell sila.

"Gusto nilang gawing manager itong si Azielle," sagot ni Regina bago ako tinuro.

"Bawal," sagot nung isang lalaki.

"Ganun ba?" tanong ni Charles bago ngumuso.

"Bawal, kase manager namin siya," sagot naman nung kasama nung isang lalaki na naka-black na jersey.

"Ano-"

"Let's go," hinila nung isang lalaki ang kamay ko bago naglakad papasok ng court.

"Anong sabi mong ako ang manager niyo?!" tanong ko sa lalaking humila sa akin.

"Wala yun," sagot naman ng lalaki.

"Ka-team ka ni Elion diba?" tanong ko sa lalaki.

"Oo,"

"Pakisabi sa kanya, kumain siya sa tamang oras. Wala kasi akong load pang-text sa kanya," napatigil sa paglalakad ang lalaki bago ako hinarap.

"By the way, I'm Cadmus," nilahad ng lalaki ang kamay niya kaya tinanggap ko iyon.

"At makaka-asa kang sasabihin ko iyon kay Captain," saad niya bago ngumiti.

"Cad, hanap daw tayo ni coach. May sasabihin daw," nilingon ako ni Cadmus.

"Siya pala si Dylan. Pang-cheer niyo kami ng malakas," ngumiti ako bago tumango.

"Bhie! Kinausap tayo nung Cadmus! Shet! First year yun eh," biglang sabi ni Regina bago yumakap sa braso ko.

"Nilalapitan ka talaga ng mga gwapo noh? Anong shampoo mo?" napailing nalang ako sa tanong ni Regina bago nagsimulang maglakad papunta sa pwesto namin.

"Ang tagal niyo! Halos isang oras na kayong wala," nakabusangot na bungad sa amin ni Samantha.

"Oh yan," inabot ko kay Samantha ang dalawang sandwich na binili namin para sa kanya.

"Walang water?"

"Laway ko," walang kwentang sagot ni Regina bago umupo sa tabi ko.

"Gago," saad ni Samantha bago kinain ang sandwich.

"Ang tagal naman yatang magsimula," saad ko.

"Hindi pa daw dumadating yung isang ka-team nila Elion, naligaw pa yata at pumunta sa Eastfar. Akala yata doon sa Eastfar yung laban," hindi ko mapigilang matawa sa sinabi ni Samantha.

"Weh?" natatawa kong tanong, tumango naman si Samantha bago kumagat sa sandwich niya.

"Anong next na school ang maglalaban-laban?" tanong ni Regina.

"Tinajero yata tsaka Lakewood Tech," saad ni Samantha.

"Lakewood Tech? Saan yun? Tsaka saan din yung Tinajero?" tanong ko kay Samantha.

Siguro malalayong paaralan ang mga iyon. Pangalan pa lang mukhang powerhouse school na ang dating eh.

"Lakewood? Katabing lawa ba yung school nila?" natatawang tanong ni Regina pero natigil din sa pagtawa si Regina nung tumango si Samantha.

"Oo, katapat ng school nila yung lake, ang ganda nga eh, gusto ko sana doon mag-aral kaso malayo," saad ni Samantha.

"Oh yung Tinajero?" tanong ko naman.

"Medyo malapit sa Eastfar yung school na yun, maganda din doon. Malalaki yung mga building tsaka gusto ko din doon kase ang daming nagtitinda ng mga pagkain sa labas ng school na yun,"

"Oh, Azi. Pwedeng-pwede ka dun," bahagya akong tinulak ni Regina habang tumatawa.

"Sige, dun nalang ako. Madami pang gwapo," napangisi ako dahil sa ekspresyong binigay ni Regina.

"Ang tagal magsimula!" reklamo ni Regina.

"Hayaan mo na, ien-joy mo nalang ang oras na ito dahil baka mamaya paggising mo, exams na pala natin," saad ko.

"Ay oo! Exams na pala katapos ng tournament," napalingon ang ibang mga tao sa amin dahil sa pinag-uusapan namin.

"Wait a minute," napunta ang atensyon naming dalawa kay Samantha na tapos ng kumain.

"Azielle?! Is that you?!" kumunot ang noo ko kay Samantha.

"Ano?"

"Oh gosh! Ngayon ko lang napansin na ikaw pala si Azi! Una akala ko kung sino eh tapos nung nagsalita, sabi ko sa sarili ko. 'Ah si Azielle to, pero bakit iba ang itsura?' tapos don ko namalayan na naka-contact lenses ka!" tinulak-tulak ako ni Samantha habang tumitili ng mahina.

"Oh, Dre. Kalma ka lang baka mawalan ka na ng boses pang-cheer mamaya," tinapik ko ang balikat ni Samantha bago umupo ng maayos.

Kasabay nun ang malakas na tilian ng mga babae. Ganitong-ganito din ang eksena nung unang nakita ko si Elion eh. Ang ingay.

"ELION!!!" tumingin ako sa entrance ng court at doon ko nakita si Andrei na inaakbayan ni Elion.

Sinong hindi titili, kung makita mo si Elion na naka-bandana ng kulay yellow na panyo?

Mula sa pwesto ko, kitang-kita ko ang paglapit ni Cadmus kay Elion at mukhang may sinabi si Cadmus kaya tumango sa kanya si Elion.

Tinanggal ni Elion ang pagkaka-akbay kay Andrei, na dumiretso na sa bench nila. Habang si Elion naman ay pinalibot ang kanyang mga mata sa court.

Dati naman hindi niya gawain ang tumingin sa mga taong nasa bench pero bakit ngayon parang may hinahanap pa yata siya.

Napabusangot ako at pinag-krus ang dalawang braso ko. Eto na siguro ang pinakahuling laban nila na papanoorin ko.

Kinuha ko ang phone ko bago kinuhanan ng picture ni Elion na naka-bandana. Hindi ko akalain na nagba-bandana pala ang lalaking iyon.

Matapos ko siyang kuhanan ng litrato, agad ko itong tiningnan pero laking gulat ko nung makitang nakatingin siya sa camera ko.

"Ay! Anak ng tinapay!" sigaw ko buti nalang at natabunan ito ng mga sigawan sa loob ng court.

"Anyare?" tanong ni Regina kaya ipinakita ko sa kanya ang picture na kinuha ko.

"Tangina, nakatingin siya sakto sa camera. Ang ganda ng pagkakakuha mo,"

"Talaga? Thank you," malambing na sabi ko kay Regina dahilan para mapatingin siya sa akin habang nakangiwi.

"Gaga, wag ka ngang gumanyan," napanguso ako sa sinabi ni Regina kaya tiningnan ko nalang ang litrato ni Elion. Bago ako nag-angat ng tingin para tingnan si Elion.

Nanlaki ang mata ko nung makitang, nakatingin sa akin si Elion habang inaayos ang pagkakatali ng panyo sa ulo niya.

Tumingin ako sa likuran ko, baka kase iyon ang tinitingnan niya eh.

"TEAM CAPTAINS!" unang nag-iwas ng tingin si Elion bago naglakad palayo dahil tinawag na ang mga team captains.

"GO! GO! LET'S GO! LET'S GO! BLACK WARRIORS!" pag-che-cheer ng mga taga-Roundell.

"Parang cheer ng isang team sa Haikyuu, yung cheer natin ah," saad ni Regina.

"Syempre Haikyuu fan yung author ng story na toh eh," sagot naman ni Samantha.

"Ano daw?" tanong ko.

A Girl Like You (CRS #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang