25

624 26 16
                                    

25 : Results

"Girl!!! Nasa main hall na daw yung mga resulta! Tara tingnan natin!" napunta ang atensyon ko kay Regina habang papasok siya sa loob ng room namin. Ang aga-aga sigaw siya ng sigaw.

"Ang alam ko kahapon pa nandoon yung resulta, nung mga uwian na yata natin nilagay dun eh," saad ko.

"Oo nga eh, pero tara na!"

"Wait," saad ko bago inayos ang mga gamit ko atsaka na din ang buhok ko.

"Girls! Guess what?" biglang tanong ni Samantha pagkapasok niya sa room.

"Kapag nasa top ten tayo mag-pa-pa-party ako!" mahinang tumili si Samantha at Regina habang nakatayo sa gilid ko.

"Obvious naman na nasa top na yung isa diyan, nasa top 3 pa nga eh," ngumisi lang ako kay Regina bago sila niyayang tingnan ang resulta ng exams namin.

Medyo madami ng estudyante ang nagsisiksikan doon sa may board kung saan nakalagay ang top 100 students na may matataas na scores na nakuha.

"Tabi! Tabi!" sigaw ni Regina habang si Samantha naman ay nakikipagsiksikan na habang ako eh nakasunod lang sa likuran nila. Ayaw kong makipagsiksikan. Kumunot ang noo ko nung bigla-biglang gumilid ang mga estudyante na parang binibigyan ako ng daan, habang nakatingin sila sa likuran ko.

Hindi ko na din mapigilan ang sarili kong lumingon at doon ko nakita si Elion na dire-diretsong naglakad, walang pakielam sa paligid niya. Hindi ko na nagawang gumilid kaya napahinto siya sa harapan ko.

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. At naalala ko pa bigla yung pag-amin ko sa kanya. Taenang buhay toh.

Dali-dali akong tumalikod at linapitan si Samantha na nasa may harapan na at tumatalon na dahil sa tuwa, sumama naman sa kanya si Regina.

"Oh gosh! Nasa top 8 ako!" saad ni Samantha habang nakangiti.

"Ay wow, ako top 9," saad naman ni Regina. Napasinghap ako nung bigla akong tinulak ni Regina malapit sa board.

"Tingnan mo yung resulta, dahil baka ikaw na ang magpa-party," sabay ngisi ni Regina sa akin. Kagaya ng nakasanayan ko tiningnan ko ang pangalan ko sa pangatlong puwesto sa higit isang daang pangalan doon. Pero kumunot ang noo ko dahil hindi pangalan ko at nakasulat sa tabi ng number three. Kung hindi ay pangalan ni Art, na bago naming kaklase.

Hala shet! Nawala ako sa top-

Nanlaki ang mata ko nung makita ang pangalan ko sa ibaba ng pangalan ni Audenzia. Kinusot ko ang mata ko bago ulit tingnan ang pangalan ko na nasa tabi ng number 2.

"Wait, aglet baka niloloko ako ng mata ko," saad ko bago ulit tiningnan ang pangalan ko. Walang sabi-sabi eh napunta ang mata ko sa pamilyar na pangalan na nasa ibaba ng pangalan ni Art.

4. ELION GALDUA

Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat at tuwa. Wala sa sariling hinanap ko ang taong nagmamay-ari ng pangalan na iyon, pati na din ng puso ko. De joke.

Mas lalong lumaki ang ngiti ko nung makita ko siyang nakatayo sa likuran ko habang nakatingin sa akin gamit ang mapupungay niyang mata. Sa oras na iyon ay nakalimutan ko ang nangyayari sa pagitan naming dalawa. Ang alam ko lang ay masaya ako dahil masyadong ginalingan ng isang ito.

"Gago ka! Unti nalang malalagpasan mo ako! Akala ko hindi ka makakapasa!" sabay hampas ko sa braso ni Elion, na nakatingin sa akin habang nakatingala ako sa kanya. Ang tangkad niya eh.

Pansin kong natatakpan ng bangs niya ang noo niya habang nakatingin lang sa akin. Nanigas ako bigla sa kinatatayuan ko nung mapagtanto ko ang ginawa ko.

HINAMPAS KO SIYA SA BRASO AT NAG FEELING CLOSE AKO HABANG NAKATINGIN SA AMIN ANG MGA ESTUDYANTE!!!

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko bago hinila ang kamay ni Samantha at Regina, namamangha pa sila sa ginawa kong kahihiyan. Binigyan kami ng daan ng mga estudyante kaya nagpapasalamat ako dahil mapapadali ang pag-alis namin. Powta naman eh!

"Scam din tong kasama natin noh? Iiwasan daw at mag-mo-move on pero nakikipag-usap pa," napailing si Regina habang nandito kami ngayon sa school garden ng Roundell University.

"Nablanko lang ako, okay? Akalain niyo, dati nanghihingi lang ng tulong yung principal natin na tulungan ko siya tapos bigla-bigla nasa top 10 na siya? Ano yun? Tinamad siyang magpakatalino tapos kunwari bobo?"

"Malay mo tinulungan siya ng principal na mapunta dun!" napatingin ako kay Samantha bago tumango sa sinabi niya.

"Oo nga noh! Nahiya pa! Dapat tinaasan niya na, iyong top 1," umirap ako sa hangin bago umupo sa damuhan ng garden.

"Hay nako Azielle Faith Suriaga, hayaan mo na siya. Tingnan mo nga etong mga bulaklak dito eh puro daffodil flowers, ibig sabihin ay new beginning or rebirth. Parang isang pahiwatig na magbago kana," saad ni Regina habang nakapamewang pa.

Tiningnan ko naman ang mga bulaklak na nakatanim sa paligid.

"Bobo, white tulips yan," singhal ko kay Regina kaya napakibit balikat nalang siya.

"Ano meaning?" tanong naman ni Samantha.

"Respect, purity, honour and forgiveness," namamangha namang napatingin si Samantha sa mga bulaklak na nakatanim sa garden namin.

"May nakita ako dating isang first year dito na kumukuha ng white tulips, humihingi yata ng tawad dun sa pinagbibigyan niya ng bulaklak," saad ni Regina bago lumapit sa mga bulaklak at inamoy.

"Uy girls, may party sa bahay namin sa Sabado," saad ni Samantha.

"Sunduin mo nalang ako atsaka si Azielle," saad ni Regina bago bumunot ng isang bulaklak ng white tulips.

"Hala! Mga nakakatanda pa naman kayo tapos kayo pa ang kukuha ng mga bulaklak diyan?!" ang atensyon naming tatlo nina Samantha ay napunta sa taong nagsalita. At doon ko nakita ang pamilyar na mukha nung first year na sumali sa selfie ko.

"Grabe naman toh, di naman tayo masyadong matanda," saad ni Samantha.

"Gagong Vergel toh, inggit ka? Kuha ka din," saad nung isang babae sa kanya na nilagpasan lang siya.

"Gagong Reyna yun ah!" singhal nung lalaking nagngangalang Vergel bago naglakad palayo.

"Hoy! Vergel! Yung ballpen daw ni Deinne ibalik mo!" isang lalaking may dalang gitara ang sumunod naman kay Vergel.

"Minsan talaga iniisip ko kung mental hospital ba itong napasukan ko o ano," saad ko bago tumayo sa pagkakaupo.

A Girl Like You (CRS #3)Where stories live. Discover now