Wakas

1.1K 43 24
                                    

At yun nga, andito na ang pinakahihintay ko na POV ni Elion ehe!
______________
________
____
__

Wakas : Untold Part of Elion Galdua

Every practice, every day, every break time.

She's always there.

Admiring me from a far.

And she's Azielle. Kilala bilang isa sa mahahalagang estudyante sa Roundell dahil sa angking talino niya.

At ako? Walang ibang inalala kundi ang basketball. I would always practice and practice to be better. Halos wala na nga akong oras sa pag-aaral dahil inaalala ko nalang ang basketball.

Ni wala na nga akong oras na umalis pero hindi ko alam bakit nakasama ako sa pagpunta nila mama sa isang dinner kasama ang mga kaibigan niya.

"Elion, please be friendly," paalala ni mama habang papasok kami nun sa gate ng kaibigan niya. This is my first time going to this house. Bakit hindi na lang si Eldon ang sinama niya? Bakit ako pa?

Nagpaalam ako nun kay mama na magbabanyo. But I didn't expect the girl with glasses to be here.

Sa kanila ba ang bahay na ito?

Nakatayo lang ako sa harapan niya pero kitang-kita ko na ang pamumula ng pisngi niya. Hindi na bago sa akin ang reaksyon niya kase halos lahat ng tingnan kong babae eh ganito din ang reaksyon.

"Kilala mo ba si Azielle, Elion?" tanong ni mama sa akin habang kumakain ako. Sinong hindi makakakilala sa kanya?

"Yes," sagot ko.

"Dapat mag bonding bonding kayo," nagtawanan sila mama, tiningnan ko naman si Azielle. Nag-iwas siya ng tingin bago napayuko.

"I'm not hanging out with ugly girls," saad ko bago ngumisi.

Totoo namang hindi ako nakikipag hang out sa mga panget na babae.

Kase wala namang panget na babae. Sana ma-gets niya, matalino naman siya eh.

Halos mawala ang ngisi ko nung mapalitan ng inis ang gulat niyang ekspresyon. Pustahan, hindi niya na-gets.

"Especially those girls who'd always watch me from afar. Such a bunch of creeps." pagpapatuloy ko.

"Anong sabi mo?!" namamangha akong pinanood ang ekspresyon niya. Parang galit na galit talaga siya sa akin. At dahil gago ako, mas lalo ko siyang ininis. Didn't expect that she would burst out until she throw her juice at my face before cursing at me.

"Gago kang putangina ka-" agad siyang hinila palayo ng mama niya habang nakaupo pa din ako at tulalang nakatingin sa kanya.

That's first time. Akala ko dati katulad lang siya ng ibang mga babae na may gusto sa akin. And now I'm not sure if she still like me after what I did at the dinner.

Hindi lang niya na-gets ang sinabi ko nun at iniisip niya pa na panget siya. Kahit wala naman talagang panget sa mundo. Para sa akin lahat ng babae ay reyna. Kahit minsan ay hindi ko pinapansin ang mga babae.

"Elion, hindi ko na alam ano ang gagawin ko sayo, pwede mo namang ipagsabay ang pag-aaral at basketball," saad ni tita na prinsipal ng school na ito.

"Pero bakit mababa ang grades mo?" hindi nalang ako umimik sa tanong ni tita.

"Kailangan mong mag-aral ng mabuti, dahil kung hindi. Ako ang maghahanap ng tutor mo alam kong ayaw mong ipaalam sa lahat na nag tututor ka, kaya papayagan kitang maghanap ng tutor mo dahil kung hindi. Ako ang maghahanap at malalaman ng lahat ang tungkol sa tutor mo," saad ni tita kaya napayuko ako.

A Girl Like You (CRS #3)Where stories live. Discover now